Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

BUSINESS BA ANG GUSTO MO?

April 15, 2019 By chinkeetan

“Hay. Nakakapagod yung business natin.”
“Palitan na lang natin mukhang ‘di naman tayo uunlad dito.”
“Subukan kaya natin yung katulad sa kapitbahay natin?”

Ganito ba tayo mag-isip sa pagsisimula natin ng negosyo?
Sa mga pinagdaanan ko at natutunan ko sa business,
may mga mahahalagang katangian dapat tayo.

Kailangan natin ito upang maging maganda ang foundation
ng ating negsosyo at iwas sa pagkalugi.
Hindi naman natin kailangan malugi para matuto.

May mga paraan para makaiwas sa failure.
Kaya simulan na natin ang listahan and start our business plan.
Let me share these three qualities- the KSP:

BE KNOWLEDGEABLE

(Photo from this link)

Never invest on something that you do not know
no matter how profitable it may be.
Kailangan alam natin mula simula hanggang dulo.

“Kukuha na lang ako ng magbabantay ng business.”
“Madali lang naman ito. Saka ko na ito aaralin.”
“Bahala na. Basta papatok sa mga tao.”

Hindi ibig sabihin na “in” dapat yun na ang gagawin nating business. Kailangan, alam din natin ang labas at loob
ng negosyo. Alam natin ang pasikot-sikot.

The only way to know is to learn all about the business.
Para kahit mawala o biglang umalis ang na-hire natin,
hindi pa rin mapipilay ang business.

BE SPECIAL

(Photo from this link)

Kailangan, kakaiba ang business.
May unique quality ito para mag-standout sa iba.
Kaya kailangan, constant innovation.

“Lahat sila naka-Sale, dapat sale din tayo.”
“Malaki ang kita sa mga cupcakes, yun na rin gawin natin.”
“Uso ang pagpapatayo ng apartment, pagawa na lang din tayo.”

Oo pwede tayong makisabayan sa sale,
pero dapat may kakaiba sa sale natin
para tayo ang puntahan at tayo ang piliin.

Maganda ang food business, kaya maraming ganitong negosyo.
Kaya kailangan, may maganda tayong customer service
para sa atin pa rin bumalik ang mga customers.

Malaki ang ipupundar sa pagpapatayo ng apartment
kaya mahalaga na alam natin kung paano i-market ito
para maging maganda ang ikot ng ipinihunan natin dito.

We need to think outside the box.
Hindi ibig sabihin na ganun ang mga competitors natin,
dapat ganun na din tayo. We have to be distinct.

BE PASSIONATE

(Photo from this link)

It simply means na kahit anong mangyari,
we have to put our hearts in our business.
We have to be dedicated to it.

“Palugi na ang negosyo. Isara na lang natin.”
“Nakakapagod na. Itigil na lang natin ito.”
“Nakakasawa na. Iba naman ang subukan natin.”

No matter what circumstances we have,
we need to survive and do our best to save our business.
Even if there’s no money.

Hindi ko sinasabi na antayin at hayaan nating maubos
ang lahat ng ipinundar natin para dito.
Ang mahalaga lamang ay hindi lang pera ang habol natin.

If money is the only reason why we put up the business,
kapag nagkaproblema na, wala na yung puso natin
to find ways and make it work again.

Kaya mahalagang tandaan ang KSP.
Hindi para magpapansin sa mga customers at maging patok
kundi para magamit natin ang ating mga natutunan.

Gamitin natin ito sa maganda at kapakipakinabang
para umasenso sa buhay at makamit ang pangarap
at upang makahikayat at makatulong sa iba dahil

“Sa negosyo, hindi lang natin kailangan magpapansin,
ang mahalaga ay ang purpose natin.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Saang larangan ka magaling at mahusay?
  • Anu-ano ang mga kailangan mo at gusto mo bilang isang customer?
  • Gaano mo kamahal at kagusto ang naisip mong negosyo?

====================================================

WHAT’S NEW?

IPON PA MORE KIT DIGITAL for only P899 instead of P1,098

To order, go to  https://lddy.no/8wsr  

IPON PA MORE KIT BOXSET for only P899 instead of P1,349

To order, go to  https://chinkeetan.com/ipmkit

MASTER PROSPECTOR LIVE SEMINAR for P599 (early registration)To register, go to https://chinkeetan.com/prospector


CHINKTV ALL ACCESS (8 ONLINE COURSES)

for only P1,598 instead of P6,392
To register, go to https://lddy.no/8vbk

Ipon Pa More
How to Retire Before 50
Be A Virtual Professional
Secrets of Chinoypreneur
Benta Benta Pag May Time
Happy Wife Happy Life Live Seminar
Happy Wife Happy Life Online Course
Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
ONE YEAR Access!

=====================================================

NEW VIDEO

“NEGOSYO TIPS: START YOUR OWN BUSINESS IDEA NOW!”
Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/mphyGNqs0mU  

=====================================================

CHINKEE TAN SHOP

Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit

Iponaryo Planner Kit: chinkeetan.com/iponaryoplanner

Moneykit with 12 books FREE: chinkeetan.com/moneykit

Other products: chinkshop.com

Other online courses: chinktv.com



Submit a Comment



Filed Under: Business Tagged With: Badyet, Badyet Diary, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.