Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

BAKASYON NA!

April 1, 2019 By chinkeetan

Anong gagawin mo ngayong bakasyon?
Sa tingin mo, marami ka bang matututunan?
Nung pasukan, gustung-gusto mo nang magbakasyon. Nakakapagod kasing gumawa lagi ng assignments, tapos ang daming quizzes at tests.

Para sa mga graduates naman d’yan. Handa ka na ba sa real world?
Sure ka ba sa pinili mong kurso?
Ito na yung panahon na hindi lang medals ang magpu-push para mag-succeed sa chosen field mo.

Natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit ka nag-aaral?
Bakit ba kailangan magkabisa ng mga iba’t ibang pangalan, scientific terms at dates. Tapos ang daming kailangan na intindihing equations. Nand’yan pa ung kaliwa’t kanan na group projects, tapos may recitation. Hay! nakakapagod!

Lahat ng mga ito ay paghahanda para sa ating mga sarili.
Ilang taon tayong nag-aaral para sa tamang panahon, alam natin kung paano makaka-survive na mundong ito
.

Survival kasi ang buhay natin.
Imagine kung hindi pa rin natin alam magbasa hanggang ngayon?
Paano kung hindi natin natutunan ang addition?
Mahalagang may matibay at matatag na pundasyon ang ating kaalaman.


Kaya ngayong bakasyon, isama rin natin ang panahon para magnilay sa tatlong H na mayroon tayo:

HEAD, ang kaalaman at karunungan

(Photo from this link)

Marami tayong natututunan sa araw-araw natin sa paaralan.Pero aminin din natin na maraming mga bagay na HINDI
na dapat pa nating malaman at matutunan.

“Group project tayo!”
“Review tayo mamaya ah!”
“Compare tayo ng sagot, friend.”

Okay lang naman kung talagang group project ang gagawin at talagang magre-review. Talaga bang magku-compare lang ng sagot?

Nage-gets n’yo? Dito papasok ang karunungan natin. Nag-aaral tayo para malaman din ang tama sa mali; ang totoo sa hindi. Hindi natin kailangan manlamang at manloko ng ibang tao para lamang maka-move up o makagraduate, dahil hindi iyon ang tamang paraan.

Kaya dito papasok ang

HEART, puso mga KaChink, puso!

(Photo from this link)

Nagtataka tayo bakit kailangan pa ng group project?

“Kaya ko naman gawin ito mag-isa.”
“Ako ang pinakamagaling sa lahat.”
“Sa akin na naman aasa ang lahat.”

Siguro narinig n’yo na ang kasabihang: “No man is an island.”
Oo. Lahat tayo kailangan natin ng tulong at suporta mula sa iba
para maabot natin ang goals natin.

Para maging maayos ang grupo, kailangan alam natin kung paano makihalubilo, makisama at umunawa. Hindi lang rin puro talino at utak, kailangan din ng puso at damdamin.

At kapag ginamit natin ang ating karunungan at puso, magagamit natin nang tama ang ating

HANDS, mga kamay.

(Photo from this link)


“Kaya natin ito.”
“Pagtutulungan natin kahit mahirap.”
“Paghahandaan natin ang mga ito.”

Hindi lamang natin ginagamit ang ating mga kamay para
makagawa ng magandang proyekto o magandang produkto.
Ginagamit din natin ang ating mga kamay sa pagtulong at
pagmamalasakit sa iba.

Hindi lamang medalya ng karunungan at kaalaman ang kailangan
natin sa pagharap sa buhay. Kailangan din natin buksan ang ating
mga puso para sa mas matinding pagsubok at hamon sa buhay.

Sa ganitong paraan, makakamit natin ang ating pangarap kahit
ano pa ang tatahakin sa landas na pinili natin.

“Sa buhay kailangan lumaban. Bukod sa matibay na puso, kailangan din ng tamang kaalaman at kamay na hindi sumusuko.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Gaano ka kahanda sa pagharap sa buhay?
  • Paano mo mas mapapabuti pa ang iyong sariling kaalaman?
  • Anu-ano ang gusto mong maibahagi sa ibang tao?


Submit a Comment



Filed Under: bakasyon Tagged With: Badyet, Badyet Diary, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.