Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

MAY SUMPONG BA SI MISTER O MISIS?

March 21, 2019 By chinkeetan

May sumpong ba lagi si mister o misis?
Nakasimangot?
Wala sa mood?|
Masungit?
Kala mo lagi may kaaway?

“Hay nako Chinkee, oo lagi siyang ganyan”
“Nagsasawa na akong umintindi d’yan”

Lahat naman yata tayo ay may moments na ganito.
Maaaring pagod sa trabaho, may problema,

may karamdaman, o puno na ang isip.

We can’t blame them
and they can’t blame us.
Normal lang naman ito.

Nagiging mabigat lang at seryoso ang usapan
kapag hindi natin alam kung paano ito

haharapin at iha-handle.

Kung matanong n’yo rin,
ako man ay may sumpong din.

Maski si misis may sumpong din.

But do we fight? Thank God, hindi naman.
Our secret? We give each other some space

bago namin pag–usapan kung anong nangyari.

Kasi dapat…

HINDI TAYO NAKIKIPAGSABAYAN

sumpong (Photo from this link)

“Galit ka? Galit din ako!”
“Naiinis ka? Maiinis din ako!”
“Nagdadabog ka? Magdadabog din ako!”

Hindi ganon my friends.
Hindi ito yung habang malakas ang apoy,

bubuhusan natin ng gasolina, dapat tubig
para kumalma ang apoy at tumigil ng paunti unti.

Kapag sinabayan natin,
mas lalo lang lalaki ang issue,

mas lalaki ang problema.

Alamin muna natin kung anong nangyari
at kung bakit nagkaganoon sila.
Kailangan nila ng iintindi at hindi
yung makadadagdag pa sa pinagdadaanan nila.

ADVANCE DAPAT TAYO MAG-ISIP

(Photo from this link)

Ngayong wala sila mood at habang
nagpapalamig ng ulo, let us ask ourselves,
“Ano ba yung pwede ikagaan ng loob niya?”
“Paano ko kaya siya mapapagsilbihan?”

Tayo na mag volunteer halimbawa
na maghugas ng mga pinggan.
Bilhan natin sila ng ice cream.
Pwede namang tayo na ang magpatulog
sa mga bata para wala na sila iintindihin.
Lutuan sila ng paborito nilang ulam.

Isipin kung ano ba yung gusto nila.
Kilala naman natin sila, kung baga,

Alam natin dapat ang kanilang kiliti.

Sabi ko nga, dapat pinapagaan natin
ang nararamdaman nila at hindi gagatungan pa.

DAMAYAN SILA

(Photo from this link)

Kapag okay na ang lahat, huwag
namang parang walang nangyari.

Tanungin natin sila kung ano ang naging problema.

Makinig lang at huwag magdunung-dunungan.
na para bang pinapalabas natin na sila ang mali.

“Kasi napagalitan ako ng boss ko”
“Eh papaano late ka na naman gumising!”

“Masama kasi pakiramdam ko eh”
“Yan! Yan! Kakakompyuter mo ‘yan!”

“Kasi hindi naging maganda presentation ko kanina”
“Eh baka naman hindi talaga maganda?”

Kailangan nila ng karamay hindi kontrabida.
Hayaan natin sila magkwento muna.

Kung may opinyon tayo na tingin natin ay
mas lalong makadadagdag sa nararamdaman nila,
manahimik na lang at makinig mabuti.

Hindi kasi ito ang tamang oras
para sermonan sila.

“Kung may sumpong si mister o misis, damayan lang sila at huwag mainis.
Hintaying lumamig ang ulo at pagsilbihan na lang at tiyak mawawala ito.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Sino ang laging may sumpong? Si mister o misis?
  • Paano mo siya kinakalma at tinutulungan?
  • Sumasabay ka ba o hindi naman?


Submit a Comment



Filed Under: baguhin, Personal Development, sumpong Tagged With: Badyet, Badyet Diary, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Piso Planner, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.