Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

NENA LAKWATSERA

March 2, 2019 By chinkeetan

lakwatsera
Isa ka bang Nena Lakwatsera?
Yung walang ginawa kundi maglakwatsa?

Ano ba ang mga signs?

1.Yung mas matagal pa ang pagtitig natin
sa computer para sa seat sale kaysa pagtitig

sa ating mahal sa buhay (naks naman) Haha!
2.Yung hindi pa nga nagsisimula ang araw
iniisip na kaagad kung saan pupunta at kakain
sa lunch break? Minsan naiisipan pang mag
undertime para mapaaga ang galaan?
3.Yung mag uuniporme, pagdating sa kanto
palit ng damit pang-alis, sabay diretso sa mall
o sa bahay ng mga kaibigan?
4.Yung walang pakialam,
may teacher man o wala, kahit mahuli,

bahala na ang peg?
5.At yung ayaw mapirme sa bahay,
hindi nakatatagal ng hindi nakakaalis.
Para bang kating kati ang mga paa.

Iyan ang mga senyales na isa tayong lakwatsera.
Hindi mapakali ng nakaupo o nakahiga lang.
Mga laging on-the-go ika nga.

Masama ba ito?
Of course not.

Masarap gumala kasi
nabubusog ang mga mata (at tiyan).

Kailan lang ito nagiging mali?

KAPAG NAGSISINUNGALING NA TAYO, MAKAALIS LANG
lakwatsera

(Photo from this link)

“Ma, pasok na ako ah”
(pero kukuha lang pala ng baon)

“Sick leave po ako today Sir”
(pero nag beach lang pala with friendships)

“May emergency po ako, need ko mag undertime”
(pero mag-iimpake lang pala for a beach trip)

Sa mga ganitong dahilan,
dito na ngayon pumapasok ang kasinungalingan.

Ang mahirap pa dito,
kapag nakalusot sa una,
mas lalong lumalakas ang loob na ulitin.

Nandiyan na yung mga strategy
para hindi mahuli:

  • Sa weekend na mag popost ng pictures
  • Huwag ka dapat ita-tag sa Facebook
  • Mag status ng “On sick leave” para mukhang legit

See? Habang nakalulusot,
mas lumelevel-up din ang ating pagsisinungaling.

Swerte siguro sa ngayon kapag hindi nabisto,
Pero paano kung nalaman?

Nako! Mas malaking problema.

KAPAG IPINANGUNGUTANG NA NATIN, MAKASAMA LANG

lakwatsera

(Photo from this link)

Sa sobrang kagustuhan natin sumama,
maski wala sa budget, ‘di bale ng mangutang

basta makasama lang.

Kasi iniisip natin na kapag hindi tayo sumama,
mele-left out tayo, pag-uusapan,
o yun bang sobrang kawawa.

Pero dahil wala ito sa budget,
sige hiram hiram, pero pag-uwi o

pagdating ng kwentahan, nagkakaproblema
lalo kasi wala naman talaga
tayong budget para doon.

Saktong sakto na nga lang ‘di ba?
So ang tendency, uutang para
may pambayad ng utang.

Sabi nga sa kanta ni Sarah G:
“Ikot ikot lang, ikot, ikot ikot lang”
Kasi nga, cycle na siya.

Never ending na kapag hindi natin
pinutol yung habit na mangutang.

KAPAG HINDI NA TAYO PRODUCTIVE, MAKA JOIN LANG

lakwatsera

(Photo from this link)

Uwing-uwi na
kasi may flight tayo bukas.

Hindi na tinapos ang trabaho
kasi nagmamadali sa dinner with friends.

Ayaw na pumasok sa opisina o eskwela
kasi yung utak natin nasa long weekend na.

Kung ganito na rin lang ang nangyayari,
‘di malayong maapektuhan ang ating
trabaho at pag-aaral.

Kasi hindi na tayo nagiging productive.
Kung baga ang utak natin ay lumilipad na.

At kapag nangyayari ito,
marami tayo makalilimutan at
hindi magagawa.

Focus muna sa mga things-to-do.
Gamitin natin ang mga lakad natin

to motivate us and push us to do well.
Isipin na lang natin ‘to as reward for a
job well done.

Na kapag hindi natin ginalingan,
walang rason to celebrate or go out.

“Gawin muna ang dapat gawin bago unahin ang paglalakwatsa.
Dahil kapag ito ang nauna, maaaring maapektuhanang trabaho o pag-aaral.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ikaw ba ay isang lakwatsera?
  • Saan saan ka naman nagpupupunta?
  • Ikaw ba ay nasa tama pa o nagsisinungaling na?

    ===================================================
    WHAT’S NEW?

    PISO PLANNER
    Mag-plano, mag-budget, mag-ipon, at makawala sa utang with the new PISO PLANNER:
    A Financial Planner for Every Juan! Chinkee Tan’s latest and newest product na pwede ng mapasayo for only P399+100 sf.
    At ito pa, for a LIMITED time only, I will also give you MY BADYET DIARY book for FREE!

    Click here now: http://bit.ly/2G96NEW

    • =====================================================
    • MONEY KIT 2.0 

      BOXSET: Click here: http://bit.ly/2RyrcZv for P3,499
      All 11 books
      My new book, BADYET DIARY|

      Ipon Can 60k challenge
      Free shipping Nationwide

      DIGITAL: Click here: http://bit.ly/2TAzrSr for P2,499

    • Downloadable Ipon Stickers (60k challenge)
      Downloadable Badyet Diary (New book)
      11 Downloadable Chinkee Tan books

      =====================================================
      DIARY SERIES AT BUY ONE TAKE ONE!

      Iponaryos unite! Chinkee Tan’s three most popular new releases will help you in your road to financial freedom.
      Maging wealthy at debt-free! Get this bundle now for only 450+100 Sf!

      Click here now: http://bit.ly/2STBuB4

    =====================================================

    BADYETARIAN ENVELOPE SYSTEM

    Maging BADYETARIAN Para YUMAMAN! Build the Habit of Sticking to Your BADYET with an Easy-to-Implement System. DON’T MISS THIS CHANCE TO BECOME A BADYETARIAN FOR ONLY P299+100 SF!
    Click here now: http://bit.ly/2AZN0Ed

    ✓Easy to Use
    ✓Simple
    ✓Actionable

 



Submit a Comment



Filed Under: lakwatsera, Personal Development Tagged With: Badyet, Badyet Diary, Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Piso Planner, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.