Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

SEAT SALE PA MORE!

January 5, 2019 By chinkeetan

sale

Ikaw ba ay isang “abangers”
pagdating sa mga seat sale?

Once na may announcement,
wala ng kurap kurap,
nakahanda na ang ballpen,
papel, at ang mahiwagang credit card?

Lahat naman yata tayo ay dumadaan
sa ganitong pagka sabik.

Sino ba naman ang hindi ‘di ba?
Piso lang, makaka fly ka na!

Sarap nga naman sulitin.

Pero after ba mag-check out
at makapagbayad, ano na?

Napagplanuhan na ba natin
kung magkano ang budget sa:

  • Pagkain?
  • Tutuluyang hotel o bahay?
  • Transportation from Airport / Terminal

papunta du’n sa tutuluyan?

  • Tour guide?
  • Entrance fees?
  • Pasalubong?

Sabi nga, madali magbook.
Pero nagkakatalo lang kapag andun na

o kapag balik natin dito.

Since wala sa budget,
“Bahala na” na ang nangyari.

Swipe all the way.
Withdraw all the way.

Kaya, CRY ALL THE WAY
pagdating ng billing statement
at kapag na zero na ang atm!

Before we book that flight, dapat:

SIGURADUHING NAPAG-IPUNAN  sale

(Photo from this link)

Wala namang problema
bumiyahe ng bumiyahe.

Ang ganda ng mundo para
ipagkait sa sarili na makita at
malibot ang lahat.

PERO ayaw din naman natin siyempreng
mauwi tayo sa sakit ng ulo.

Balewala ang saya na naidulot
nung tayo’y nagbakasyon,
kung high blood naman ang kapalit
sa dami ng bayarin at naniningil.

Ipon ipon muna bago
bakasyon ng bongga.

Kung may EXTRA money na,
go, explore!

KUNG MANGUNGUTANG, HUWAG NA LANG  sale

sale

(Photo from this link)

Yung iba sa atin, aminado
naman sa sarili na wala talaga sa budget.

Pero kapag naaya ng kaibigan at nasabihan ng:
“Sige Pre, pahiramin muna kita”
“Ako na muna bahala”
“Sama ka na, sagutin muna namin”

Kaya tayo, gora the explorer
para lang makasama.

Without thinking na UTANG pala.

Kung sakto lang ang kinikita
para sa pang araw araw na gastusin,

mahihirapan tayong mabayaran sila.

Tatagal na tapos
damay pa tayo sa interest dahil
darating ang oras na magkakasingilan
dahil due na ng credit card.

Kung ganon na rin lang,
huwag nalang. Dahil minsan
kailangan natin…

TANGGAPIN SA SARILI NA HINDI ITO PRIORITY sale

Eh sa hindi natin kaya eh,
wala tayong magagawa sa ngayon.

Mas mahalaga ang kuryente, tubig,
bayad sa upa, o tuition ng mga bata

kaysa sa travel.

But don’t feel bad.
Hindi naman aalis ang ating mga

dream destinations kaya in God’s time,
mararating din natin ‘yan.

Sa ngayon, hindi muna.
Huwag tayong mainggit,

magpadala sa mga nakikita natin,
at huwag kaawaan ang sarili.

“Ang gastos ay hindi natatapos sa pag book ng flight.Nandyan ang pagkain, accommodation, at tour guide.
Kaya think BEFORE you click. Save before gumora.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Mahilig ka ba mag travel?
  • Naka account ba lahat ng gastos o bahala na strategy?
  • Ready ka na ba magstart mag-ipon para hindi na mangutang?

    =====================================================

    WHAT’S NEW?

    MY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
    Also available in BULK ORDERS
    To order, go to http://bit.ly/2NUkSqi

    CHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
    How to Retire at 50
    Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
    Secrets of Chinoypreneurs
    Be A Virtual Professional
    Benta Benta Pag May Time
    Happy Wife Happy Life

    To register, go to http://bit.ly/2PCd7Xi

    ONE YEAR Access!

    =====================================================

    NEW VIDEO 

    YAMAN TIPS: 5 SIGNS TO KNOW IF YOU ARE GOING TO BE RICH

    Click here to watch➡➡➡  https://youtu.be/sksnEN2lP8U

    =====================================================

    CHINKEE TAN SHOP

    Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
    Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
    Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
    Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit

    Other products: chinkshop.com



Submit a Comment



Filed Under: Finance, Financial Literacy, Focus, sale Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.