Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

SINO YUNG MGA AYAW MAG SAKRIPISYO?

December 29, 2018 By chinkeetan

sakripisyo

May mga kilala ka bang mga taong
ayaw magsakripisyo?

‘Pag kailangan ng tulong nila,
dali sila taas noong sasabihin na:
“Bahala ka diyan”
“Ayoko. Mahihirapan lang ako”

Kapag sinasabing sakripisyo,
automatic ‘yan, dadaan at dadaan

sa hirap at magiging uncomfortable
talaga on our part.

Pero kapag hindi tayo marunong nito,
mahihirapan tayo sa buhay.

Bakit?
Kapag hindi na masaya, inaayawan na natin.
In reality, walang hindi dumadaan sa hirap.
Bago natin makamit ang saya at
ginhawa, kailangan muna nating
magsakripisyo.

Gusto ng malaking ipon?
Maghigpit muna ng sinturon.

Gusto makahanap ng magandang trabaho?
Expect failures and rejections muna.

Gusto umasenso sa buhay?
Magsimula muna sa baba.

Gusto ng successful marriage?
We need to work hard to resolve our issues.

Sadly, may mga taong ayaw nito.
Parang allergic sa salitang SAKRIPISYO.

Sinu-sino ba itong mga taong ito?

SARAP SA BUHAY LANG ANG HANAP sakripisyo

sakripisyo(Photo from this link)

Nabubuhay para sa sarap.
Oo naman, lahat naman tayo gusto

maging maayos at masarap ang buhay.
Pero ang hindi nila naiintindihan,
hindi ito mangyayari kung dito lang tayo nakatutok.

Kaya ‘pag may dumating na unos at pagsubok,
wala na, hahanap na naman ng

panibagong paraan para hindi ito mapagdaanan.

Kaya tuloy walang natututunan.

MA- PRIDE sakripisyo

sakripisyo(Photo from this link)

“Ayoko nga”
“Hindi mo ba ako kilala?”
“Boss ako tapos ako gagawa?”

Sometimes we think na ang
pagsasakripisyo ay nakabase sa

estado ng buhay, edad, o gender.

Halimbawa:
Nagka emergency ang driver,

walang magmamaneho,
pero ayaw natin kasi “boss tayo”.

May sakit ang magulang,
kaya walang magluluto ng hapunan
pero ayaw natin kasi feeling natin
“Sila dapat ang gumagawa nun”.

Walang wala na tayong pera
pero ayaw naman natin magbawas ng gastos

kasi we feel na “Baka pagtawanan tayo”

If we think this way,
if we don’t know how to adjust

at kung paiiralin natin ang pride,
hindi tayo aandar niyan kasi parating
ibang tao ang inaasahan natin na mag-a-adjust
para sa atin kahit may kakayahan
naman tayong gawin ito.

MAY INAASAHAN sakripisyo

sakripisyo(Photo from this link)

“Andyan naman sila,
may mga taong pwede namang utusan
bakit ako ang gagawa?”

Alam n’yo kung bakit?
Kasi KAILANGAN NA.

Hindi naman mangyayari ito
kung hindi tawag ng pagkakataon ‘di ba?

Huwag nating hayaang patagalin at maapektuhan ang
trabaho o ang ibang tao dahil lang sa pride.

Kung kaya naman natin at ng oras natin,
GO NA ‘YAN!

Tandaan na hindi natin kasiraan o
ikabababa ang pagsalo o pagtulong

sa sitwasyong kailangan tayo.

“Kapag hindi tayo marunong magsakripisyo, mahihirapan tayong umasenso.
Dahil wala namang umaasenso na hindi dumadaan sa mga pagsubok.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Nahihirapan ka bang magsakripisyo?
  • Bakit? Anong pakiramdam mo dito?
  • Paano mo ito babaguhin para umasenso na ng tuluyan?

     =====================================================

    WHAT’S NEW?

    BAGONG TAON, BAGONG BUHAY 
    January 5, 2019 . Saturday
    9 PM to 12 Midnight
    via Private FB Group Live
    (Manila Time)
    To register, go to http://bit.ly/2P8kmEM

    MY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
    Also available in BULK ORDERS
    To order, go to http://bit.ly/2NUkSqi

    CHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
    How to Retire at 50
    Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
    Secrets of Chinoypreneurs
    To register, go to http://bit.ly/2PCd7Xi

    ONE YEAR Access!

    =====================================================

    NEW VIDEO 

    YAMAN TIPS: 5 SIGNS TO KNOW IF YOU ARE GOING TO BE RICH

    Click here to watch➡➡➡  https://youtu.be/sksnEN2lP8U

    =====================================================

    CHINKEE TAN SHOP

    Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
    Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
    Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
    Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit

    Other products: chinkshop.com

     



Submit a Comment



Filed Under: Family, Leadership, Personal Development, Positivity, Relationship, sakripisyo Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.