Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

HAVE A RELATIONSHIP WITH THE PERSON, NOT WITH YOUR CELLPHONE

October 26, 2018 By chinkeetan

CELLPHONE

Sinasaktan mo ba si mister o misis
o ang iyong boyfriend o girlfriend?

“Uy hindi ah, love ko si misis”
“Hindi ko magagawa yun”
“Kasalanan yun Chinkee”

Congrats! Kasi alam natin ito.

Pero alam n’yo bang nasasaktan natin sila
nang hindi natin minsan namamalayan?
Yung isang bagay na madalas na pinagtatalunan
ngayon ng magkasintahan at mag-asawa?

Yung away na umaabot sa sigawan
lalo na kapag sobra sobra na?

Ano ito? Ang ating mga CELLPHONES!

Minsan kaming nag-date ng aking wife,
napansin namin, walang nag-uusap at napaka-tahimik,
Yun pala, lahat nakatungo at nakatingin sa mga cellphone.

Walang humpay ang pag-swipe.
Wala kaming nadinig na tawanan,
lambingan, o malalakas na kwentuhan
na kadalasan na DAPAT nangyayari
when we are with our loved ones and friends.

Kapag hindi ito naagapan,
hindi malayong masira ang ating relasyon n’yan.

Bakit?

KASI WE SPEND MORE TIME WITH OUR PHONES RATHER THAN WITH OUR PARTNERS 

cellphone(Photo from this Link)

Sa pagkakaalam ko, ang oras natin
ay dapat buong buo nating ibinibigay
sa Panginoon at sa ating mga mahal sa buhay.

Pangalawa na lang sa trabaho at iba pang mga bagay.

Pero ang nangyayari ngayon,
mas madalas pa tayong nakaharap sa cellphone.

  • Pag-uwi ng bahay, maglalaro ng games.
  • Pag magde-date, nauuna pa mag IG story at FB.
  • Matutulog na lang, imbis na magakapan, swipe swipe pa rin.

Hanggang sa umabot na sa puntong
mare-realize natin na hindi pala natin sila
nakausap dahil MAS naging busy tayo
sa telepono kaysa sa ating mga partners.

BAKIT SA SOCIAL MEDIA MAY ORAS, PERO SA PANGINOON WALA?

cellphone(Photo from this Link)

The Lord is the One who created our love story.
He is the One who binds us and guides us
para maging matatag at puno ng respeto
at pagmamahal ang ating pagsasama.

So all the more that we should thank Him
and pray to Him ‘di ba?

Pero hindi ito ang ginagawa natin.

Mas nabibigyan pa natin ng oras ang
pagtingin tingin sa buhay ng iba,
sa travels nila, at pansinin yung
kanilang mga posts.

Alam n’yo, our cellphones can’t save a marriage.
It can’t also guide our relationship.
Ang Panginoon lang ang makagagawa nito.

Pray to Him first or else,
maliligaw tayo at makagagawa ng mga bagay
that will hurt the relationship or worst
end the relationship.

MAY TAMANG ORAS PARA DIYAN cellphone

cellphone(Photo from this Link)

Hindi naman masamang magcellphone,
maski naman kami ng aking misis
may mga oras na hawak namin ito
especially that we are public figures.

Pero ang punto ko, MAY ORAS para diyan.
at hindi maya’t maya.

When we are with them,
KAUSAPIN NATIN SILA.

Magkwentuhan tayo, update sa mga kaganapan
sa buhay lalo na ilang oras tayo parehas nasa trabaho.

“Kamusta ka today?”
“Anong nangyari dun sa presentation mo kanina?”
“Sa weekend, luto tayo gusto mo?”

Simple things like that.

Kasi alam n’yo yung feeling na
may taong concerned sa atin?
Ay napakasarap nun!

Nakawawala ng pagod lalo na
kasi may connection na nagaganap.

Mamaya na yang cellphone na ‘yan
lalo na kung hindi naman importante.

“Ang sobrang pagce-cellphone ay nakasisira ng relasyon.
Kaya siguraduhing mas bigyan sila ng oras at hindi yung sila pa ang mag-aadjust”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Mas tutok ka ba sa cellphone kaysa sa mga mahal mo sa buhay?
  • Paano kayo ‘pag magkasama? Nag-uusap o walang pansinan?
  • Paano kaya natin ito babalansehin?

====================================================

WHAT’S NEW? 

MY BADYET DIARY (NEW BOOK) for 150+100 sf
To order, go to http://bit.ly/2NUkSqi
Also available in BULK ORDERS

BUSINESS IN A BOX: Process before Profit Online Coaching
@4,999 (instead of P9,999)
To register, go to: http://bit.ly/2QgtB6H
FREE 30-day replay

CHINKTV (ONLINE COURSE) for P799
How to Retire at 50

Juan Negosyante: Negosyo Now, Asenso Later
To register, go to http://bit.ly/2PCd7Xi
ONE YEAR Access!

ONLINE SEMINAR: SECRETS OF CHINOYPRENEURS
Click here to reserve your slots: https://bit.ly/2xLy3Uw

=====================================================

NEW VIDEO 

“4 LESSONS WE CAN LEARN FROM SUCCESSFUL BILLIONAIRES”
Click here to watch➡➡➡http://bit.ly/2CIB7Ee 

=====================================================

CHINKEE TAN SHOP

Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit

Other products: chinkshop.com



Submit a Comment



Filed Under: Marriage, Relationship Tagged With: Chink Positive, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, moneykit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.