Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

KUNG NAPIPILITAN LANG, HUWAG NANG ITULOY

August 7, 2018 By chinkeetan

napipilitan
Minsan ka na bang gumawa ng isang desisyon
pero sapilitan lang ang nangyari?

Ayaw mo pero wala kang nagawa?
Naka OO ka na kasi kaya feeling mo no choice ka?

Madami sa atin ang nakararanas ng ganito.

Halimbawa:
“Tara buffet tayo mamaya! Sweldo naman eh”
“Sige na nga”
(Kahit wala sa budget)

“Gawin mo yung report, tapos isabay mo na rin ito, ito, ito..”
“Mm, okay po.”
(Kahit gabundok na yung work na naka line-up)

“Out of the country tayo ah! Bawal ang K.J!”
“Hala grabe naman, oo na sige na sige na!”
(Kahit may pinaglalaanan ka ng bonus)

Peer pressure ang tawag diyan
na kung saan ibang tao ang nagdidikta
ng dedesisyon natin.

Parang hawak tayo sa leeg
kasi wala tayong boses at
wala tayong magawa kundi um-oo na lang.

Ito tandaan n’yo KaChink…

KAPAG NAPIPILITAN, BAKA MAPAHAMAK LANG napipilitan

napipilitan(Photo from this Link)

What do I mean na mapapahamak?

Take my example a while ago.
Kung napa OO tayo para sumama sa gimik
o out of the country with friends ng wala sa budget,
paano yung mga nakahilera nating bayarin?

Hindi ba’t mapapabayaan kasi nagasta natin yung pera
na nakalaan sana sa tubig, kuryente, o upa sa bahay?
Ending, mapuputulan, mapapatungan ng interest,
hahabulin ng maniningil?

Or paano kung (huwag naman sana)
eh maaksidente tayo, walang kaalam alam ang ating pamilya
kung ano na nagyari sa atin at saan tayo hahanapin?

Wala na, damay damay na lahat
dahil lang sa isang desisyon na hindi natin pinag-isipan
At nadala lang ng tulak at buyo ng kaibigan o pamilya.

Bago mag desisyon, planuhin muna at
ilista ang pros and cons nito nang sa gayon,
tayo ang accountable sa desisyon at hindi ang iba.

KAPAG NAPIPILITAN, MABIGAT SA KALOOBAN 

napipilitan(Photo from this Link)

Hindi tayo mapapanatag lalo na
kung ito’y labag sa kalooban.
Tiyak, araw-araw natin ito iisipin
kasi sabi ko nga, hindi pinagisipan.

“Paano kung mahuli ako ng Professor?”
“Nako, paano kaya ako pagdating ng bayarin eh nagamit ko na?”
“Hindi ko pala kaya tapusin, paano ko kaya sasabihin?”

Gusto man natin umatras pero minsan
ang hirap na bawiin kasi naka OO na.
Baka sabihin nila KJ tayo,
walang isang salita, o walang pakikisama.

And nobody wants that.

So habang tayo nagpapanggap
na okay lang sa desisyon na iyon,
deep inside, ang dami nating worries.

Huwag hayaang mangyari ito, kasi…

HINDI MASAMANG TUMANGGI napipilitan

napipilitan(Photo from this Link)

Hindi naman porket tumanggi
ay ibig sabihin wala tayong pakikisama
o hindi natin kaya gawin ang isang bagay.

It only means we are only being true
to ourselves at ayaw naman natin ipilit
kasi baka may maapektuhan along the way.

Think about this:
Kapag pinilit pagsabay-sabayin ang trabaho,
believe me, wala tayong matatapos.

Kapag pinilit nating sumama sa gimik ng walang pera,
bukas, eh baka maglakad na lang tayo papasok.

Kapag pinilit nating gawin ang bawal,
lagi tayong magtatago sa takot na baka mahuli.

Don’t force it.
We can always explain to them.

“Boss, tapusin ko lang po itong naka line up, isusunod ko po ‘yan kaagad.”
“Nako sorry mga beshies, may pinag-iipunan ako eh.”
“Pass ako diyan, kilala n’yo naman ako ‘di ako mahilig sa ganyan.”

Ganoon kasimple.

Pagkatapos non, back to normal na uli.
Hindi natin binigyan ang sarili natin
ng additional na problema dahil lang
sa pabigla-biglang desisyon.

“Huwag magdesisyon na dala lang ng sapilitan.
Pag-isipan muna mabuti at magkaroon ng sariling paninindigan.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker Philippines

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anong desisyon ang nagawa mo lately na napilitan ka lang?
  • Sino ang namilit sa ‘yo?
  • Paano mo ito tatanggihan sa susunod para hindi na maulit ito.

====================================================

WHAT’S NEW? 

DIGITAL MONEYKIT @P2,499
For more details, click here: http://bit.ly/2K6QLZZ

UPCOMING SEMINAR:
“RETIRE BEFORE THE AGE OF 50: An FB Live Seminar” @P499 (Discounted rate)
To reserve your slots, go to http://bit.ly/2v5Pg8U

=====================================================

NEW VIDEO 

“WHY PEOPLE RETIRE BROKE AND POOR”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2M7Wxj7

=====================================================

CHINKEE TAN SHOP

Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit

Other products: chinkshop.com



Submit a Comment



Filed Under: Personal Development, Relationship Tagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.