Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

IWASAN ANG MASASAMANG BARKADA

August 2, 2018 By chinkeetan

barkada

Sabi nga nila, birds that flock together…are the same birds.
Haha! Kidding aside, they stay together.

Parang sa friendship lang.
Madaling makahanap ng kaibigan
kung kayo ay may common interest,
pag-uugali at prinsipyo sa buhay.

Yung tipong kahit ang status ay single,
feeling may forever lang.

Sobrang clingy, sobrang caring,
sobrang thoughtful, sobrang pagmamahal sa isa’t isa.
Kung anu-ano pang sobra na yung tipong
mas higit pa sila sa ating kadugo o kamag-anak.

Kaya’t hindi maiiwasan na kung ano
ang habit and dreams nila, nagiging atin na rin.

Ayos lang kung ang pagsasamahan turns out good,
pero kung ang dulot sa pagkatao ay kasiraan,
mag-isip-isip ulit tayo kapatid.

Dahil ang barkada ay dapat…

ISANG MABUTING HALIMBAWA barkada

barkada(Photo from this Link)

Isang mabuting halimbawa sa salita at gawa.
May mga iba kasi na taliwas
ang kanilang isinasagawa sa kanilang pananalita.

“Hindi po ako nangongopya during exams…”
(Pero may mga formula at mga sulat na maliliit
sa palad o sa kung saan maitatago ang kodigo.)

“Ma, may study group kami kina Carlo ah”
(Pero naaya pala ng barkada na gumimik)

“Kailangan ko ng P500 pang thesis”
(Magbibilyar lang pala sa kanto)

Ang barkada na magdadala sa ’yo sa tagumpay
ay totoo sa salita at sa gawa.
Malinis ang kalooban at tunay ang pakikipagkaibigan.

Hindi nila tayo dadalin sa kapahamakan at
hindi din nila tayo pipilitin gawin ang isang bagay
na hindi naman natin gusto at all.

ISANG KAYAMANAN barkada

barkada(Photo from this Link)

Alam natin na sila ay for keeps dahil…

  • they bring out the best in us
  • they love and accept us the way we are
  • their friendship with us is genuine

Hindi yung kilala lang tayo kung may kailangan sila.

Kailangan lang tayo kapag wala silang baon, 
kapag may problema sila, kapag naiipit sa sitwasyon,
o kapag may pinagdadaanan sila ng kanilang partner.

Pero kapag okay na sila o wala silang kailangan sa atin,
parang hindi na tayo kilala, ni text o tawag, 
hindi man lang tayo mabigyan ng oras.

No. True friends treat us well and will always
try to make us feel special. 

ISANG INSPIRASYON barkada

barkada(Photo from this Link)

Hindi lang ang tao kundi ang pagsasamahan mismo.
May mga barkada kasi na hinahatak tayo pababa.

Gaya nang simpleng pag-iimpluwensya mag-cutting classes,
madalas na pag-night out at umaga na kung makauwi,
cheating ninja moves in examinations kasi hindi nakapag-review.

Ang barkada o mga kaibigan for keeps
ay dapat isang inspirasyon sa ikabubuti
at ikauunlad ng ating buhay.

Hindi sa ikapapahamak at mailalagay tayo
sa alanganing sitwasyon sa buhay.

“Iwasan natin ang mga masasamang barkada upang ang ating buhay ay mas umunlad pa.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ang mga barkada mo ba ay maituturing mong mabuting halimbawa, kayamanan at inspirasyon?
  • Bakit oo? Bakit hindi?
  • Ano ang pwede mong magawa para i-save ang friendship?

=====================================================

WHAT’S NEW? 

DIGITAL MONEYKIT @P2,499
For more details, click here: http://bit.ly/2K6QLZZ

UPCOMING SEMINAR:
“RETIRE BEFORE THE AGE OF 50: An FB Live Seminar” @P399 (Early Bird)
To reserve your slots, go to http://bit.ly/2v5Pg8U

=====================================================

NEW VIDEO 

“WHAT IS THE BEST FORM OF INVESTMENT”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2AzBS2O

=====================================================

CHINKEE TAN SHOP

Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit

Other products: chinkshop.com



Submit a Comment



Filed Under: Friendship, Relationship Tagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.