Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

BATO BATO SA LANGIT, TAMAAN HUWAG MAGALIT

August 1, 2018 By chinkeetan

tamaan

Kapag nakakabasa ka ng status ng friend
mo sa Facebook, sabihin na nating
kabarkada o ka close, halimbawa:

“Nakakainis talaga yung isang tao d’yan!”
“End of friendship na ito!”
“Hay nako, galing-galingan!”
“Eh di wow, ikaw na!”

Bumibilis ba ang tibok ng iyong puso?
May mga naglalaro ba sa isipan n’yo?
Bigla ka bang naguilty for some reason?

Feeling kasi natin minsan tayo yung
pinaparinggan o pinatatamaan nila.

Feeling natin para sa atin talaga iyon
na hindi lang nila masabi ng diretso.

But come to think of it,
bakit tayo nagi-guilty kung wala naman
tayong ginagawa sa kanila?

Or baka talagang meron nga,
hindi lang natin maamin sa sarili natin.

Iyan ang ibig sabihin ng bato-bato sa langit.

Kung natamaan, then baka may atraso nga,
kung wala naman, we wouldn’t even bother.
Instead we would just consider it like any other
statuses on Facebook or labas lang sa kabilang tenga, ‘di ba?

In times that we see or hear something like this,
how do we react? What do we need to do?

HUWAG MAG ASSUME tamaan

tamaan(Photo from this Link)

Sabi ko nga kung tayo’y wala namang ginawa
eh di wala. Ganon lang kasimple.
Huwag tayo kaagad nagrereact.

“Oh ano ginawa ko sa kanya??”
“Bakit kaya niya ko pinaparinggan?”
“Akala ko okay na kami, ano ‘to?”

We’re not even sure who the person
is pointing to. Hindi lang naman tayo ang
tao sa mundo na nakakasalamuha nila.

Kaya chill lang.

Huwag hayaang pumasok ito sa isipan natin
or else hindi tayo matatahimik at
lagi lang tayo mag-iisip ng negatibo towards the person.

Because if we assume…

MAPIPIKON LANG TAYO tamaan

tamaan(Photo from this Link)

Since pinangunahan na natin sila,
then ang ending, we will just act as the victim.

And if we act as the victim,
hindi malayong gumanti tayo.

Nandyan na papasok ang chismis,
paninira sa kapwa, imbento ng storya,
o kaya magpaparinig din para lang makalamang.

Sa sobrang guilty natin, gumagawa tayo ng paraan
para iangat ang sarili natin,
hindi sila makalamang
at para
hindi tayo mukhang kawawa.

But again KaChink, we are not SURE.

Pigilan muna natin ang mga sarili natin.
Kalma lang hanggat wala namang ebidensya.

KAUSAPIN SILA KUNG MAY GUSTO I-CLARIFY tamaan

tamaan(Photo from this Link)

Imbis na mapikon o imbis na mag-assume
and we know to ourselves na BAKA tayo nga ito,
talk to the person directly.

Send them a personal message
or invite them over for lunch or dinner
just to clarify things.

Kating-kati na rin lang naman tayo malaman,
eh ‘di makipag-usap na tayo.
Kamustahan lang, ganon.

If they opened up and it’s not about us, good.
Kung ang ending ay nagtatampo nga sila sa atin,
then it’s still good at least nagkaroon ng
opportunity for us to talk about it.

Hindi na kailangan manghula pa
kasi ayan na, we already have a chance.

“Bato-bato sa langit ang tamaan huwag magalit, ang pikon ay laging talo.”
-Anonymous

THINK. REFLECT. APPLY.

  • May gusto ka ba i-clarify sa isang tao?
  • Ikaw nga ba talaga kaya ka guilty o paranoid lang?
  • Are you willing to talk it out with the person?

=====================================================

WHAT’S NEW? 

DIGITAL MONEYKIT @P2,499
For more details, click here: http://bit.ly/2K6QLZZ

UPCOMING SEMINAR:
“RETIRE BEFORE THE AGE OF 50: An FB Live Seminar” @P399 (Early Bird)
To reserve your slots, go to http://bit.ly/2v5Pg8U

=====================================================

NEW VIDEO 

“HWO TO RETIRE WITHOUT DEBT”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2M5Hm6K

=====================================================

CHINKEE TAN SHOP

Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit

Other products: chinkshop.com



Submit a Comment



Filed Under: Inspirational, Personal Development, Relationship Tagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.