Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

MALI NA NGA, GINAGAWA PA DIN?

July 30, 2018 By chinkeetan

mali

Alam namang mali, gagawin pa rin.
Mapapahamak na nga, tinutuloy pa rin.
Malalagay sa alanganin, push pa rin.
Ikasisira ng buhay ng pamilya, patay malisya pa rin.

In this life we are only given two choices:
Una, ang piliin kung ano ang tama.
Ikalawa, lumihis at tumanggi sa mali.

It’s just sad that most of us choose what is wrong
at ang masaklap pa rito, we justify it.

Again, kapag tama, tama.
Kapag mali, mali, no excuses must be made.

Kahit gaano pa natin i-justify ito,
kahit tapalan pa natin ng magagandang dahilan,
lalabas at lalabas ang katotohanan
na ito’y mali at hindi tama.

Bakit nga ba pinipili natin parati ang mali?

PEER PRESSURE mali

mali(Photo from this Link)

Napapalibutan tayo minsan ng mga
taong sabihin na nating hindi maganda
ang impluwensiya sa atin.

And because we want to become
a part of a group or to feel accepted
kahit mali, ‘di bale na kasi mas
gusto nating matanggap kaysa
maiwanang mag-isa.

Besides, feeling natin, may ‘cheering squad’
tayo to support us in whatever we’ll do:

“Sige go kami bahala sa ’yo!”
“Sus, tikim lang, dali na!”
“Di ka namin isusumbong, ‘kaw pa ba?”

So ayun, mas lalong lumalakas ang loob natin.
Hindi na tayo nag-iisip.

GINAGAWA NA HALOS NG LAHAT mali

mali(Photo from this Link)

You know what’s weird?

Most of the time we do things kasi
we THOUGHT that it is okay dahil
lahat ng tao ginagawa na ito.

Take the telenovelas and movies for example:

  • Laging may sampalan
  • Agawan ng asawa
  • Sabunutan
  • Drugs, sugal, away sa kalsada
  • Kopyahan sa eskwelahan

…and the list goes on and on!

If everything is being accepted then,
sometimes we feel na
hindi naman na tayo mapapansin,
kasi hindi na tayo naiiba.

Mas kakaiba pa nga kapag hindi natin ito ginagawa.

But this is a big NO.

Hindi porket ginagawa ng lahat
ay ibig sabihin ay gagawin na rin natin.

Hindi ba’t mas maganda yung
we will stand out because we
chose to do what is right?
And even influence others to do the same?

Choose to be DIFFERENT.

ANG DAMING EXCUSES mali

mali(Photo from this Link)

Kapag tinanong kung bakit nagawa,
ang daming dahilan para mapagtakpan ang sarili.  

Mali mangopya pero…
“No choice, ‘di ako naka-aral, ingay nung aso ng kapitbahay.”

Pumasok sa maling relasyon:
“Kapag love, kahit ano gagawin mo.”

May plano magbulakbol with friends:
“Wala naman yung teacher eh.”

Gabi-gabi na umuuwi dahil sa bisyo…
“Kailangan ko lang ng outlet, pagod ako sa trabaho.”

The more we cover it up,
the more that we will think that it is right.

Pero hindi, excuse lang ‘yan,
it’s just a way to create more and more mistakes
kasi namamanipula natin yung sitwasyon.

We think na,
“Okay lang ‘yan, okay naman ako eh.”
“Nakalusot nga ako nung una eh, ngayon pa kaya.”
“Wala naman akong tinatapakang tao.”

Sure, we are okay NOW.

But what if we get caught?
What if dumating yung time na
sobra sobra na at magsuffer na tayo sa consequences?

Mas mahirap ito.

Kung nakagawa ng mali, okay lang,
Pwede natin itama.
Pero huwag na nating paabutin
ng pangalawa o pangatlo para matauhan.

“Ang MALI, kahit balibaliktarin ay MALI.
Huwag na nating ipilit at hintaying dumating ang oras na tayo’y singilin ng tadhana.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anong mali ang patuloy mong ginagawa ngayon?
  • Anong pumipigil sa ‘yo na itama ito?
  • Willing ka bang baguhin para hindi mapahamak?

=====================================================

WHAT’S NEW? 

DIGITAL MONEYKIT @P2,499
For more details, click here: http://bit.ly/2K6QLZZ

UPCOMING SEMINAR:
“RETIRE BEFORE THE AGE OF 50: An FB Live Seminar” @P399 (Early Bird)
To reserve your slots, go to http://bit.ly/2v5Pg8U

=====================================================

NEW VIDEO 

“IPON TIPS: How You Can Make Your First Million ”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2K6qNpe

=====================================================

CHINKEE TAN SHOP

Ipon Diary: chinkeetan.com/ipon
Diary of a Pulubi: chinkeetan.com/pulubi
Ipon Kit: chinkeetan.com/iponkit
Moneykit with 11 books FREE: chinkeetan.com/moneykit

Other products: chinkshop.com



Submit a Comment



Filed Under: Inspirational, Motivational, Personal Development Tagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.