Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

PUNO KA BA NG HINANAKIT?

July 16, 2018 By chinkeetan

hinanakit

May mga oras bang hindi ka makatulog kakaisip
sa taong nakasakit sa ‘yo?


Ini-imagine mo ba minsan kung ano kaya
yung sasabihin mo kung may chance kayo magkaharap
o kung bibigyan ka lang ng lakas ng loob?

Whenever we hear that person’s name
sing-init ng kumukulong tubig
ang ulo natin dahil hindi pa tayo maka move on
sa nangyari between us?

If you say YES to any of it,
then probably, meron pa tayong tinatagong
hinanakit sa kanila.

It means madami pang nilalaman ang ating puso.
Kung baga sa isang basong tubig,
punong puno na, malapit na umapaw
o patuloy na umaapaw at hindi nababawasan.

Mahirap ang may hinanakit.
Wala tayong katahimikan.
Masakit sa dibdib at nakagugulo ng isip.

Bakit nga ba tayo nagtatago ng sama ng loob?

HINDI PA NATIN NAILALABAS ANG SAMA NG LOOB hinanakit

hinanakit(Photo from this Link)

Sabi ko nga kanina, patuloy lang umaapaw,
hindi nababawasan.

Wala din naman tayong lakas ng loob para sabihin
kasi natatakot tayo sa pwedeng maging balik sa atin.

“Baka magalit siya sa akin.”
“Ayoko, na trauma na ‘ko sa ginawa sa akin baka ulitin lang.”
“Hindi naman ako mananalo sa kanya, wala rin choice”

So habang nandito lang ito sa kalooban natin,
patuloy lang tayo minumulto o nababagabag.

Sabi nila we’ll never know unless we try pero
hindi din naman natin masisisi kasi
depende ito sa lalim ng sugat na nagawa sa atin
ng ating pamilya o kaibigan.

Wala eh, hindi pa tayo ready.

NATATAKOT SA PWEDENG MANGYARI hinanakit

hinanakit(Photo from this Link)

Kapag sinabi natin, baka…

  • Magalit sila.
  • Hindi nila matanggap ng buo.
  • Ma-misunderstood tayo.
  • They might take it against us.
  • Gantihan NA NAMAN tayo.

Madaming dahilan, madaming pwede mangyari
especially if the person that we are trying to talk to
is not ready to hear anything about it.

Oftentimes, this also happens kapag
feeling ng kausap natin, sila lang ang tama,
kaya parang wala tayong karapatang
magsalita against them.

Dahil sa takot, we just stay silent about it.
Tikom na lang ang bibig kaysa lalo
pang lumaki ang problema.

WE DON’T TRUST GOD FULLY hinanakit

hinanakit(Photo from this Link)

You remember sabi sa ~ Matthew 6:34

“Therefore do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself.
Each day has enough trouble of its own.”

This is is true and YET we still doubt
about what may happen.
If we have already prayed for it,
let us be patient lang because He knows
what to do with our situation.

Pray lang tayo na maghilom ang sugat
para mas mas makita at marinig natin
ang gusto Niyang gawin natin.

Relax lang, He’s in control.
If it’s not yet time, then it’s not yet time.
If it is, then He will give the solution to us.

“Therefore do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself.
Each day has enough trouble of its own.”
– Matthew 6:34

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Kanino ka may hinanakit ngayon?
  • Bakit, anong ginawa sa ‘yo?
  • Have you called the name of God to help and guide you on what to do?

 



Submit a Comment



Filed Under: Motivational, Personal Development, Positivity Tagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.