Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

WALA SA BRAND, NASA PAGDADALA

May 13, 2018 By chinkeetan

pagdadala

Ganda ng porma…
Mukhang mamahalin talaga…
Bagay na bagay sa atin…

Kapag tinanong tayo, “Ayos! saan mo nabili ‘yan?”
Taas noo tayong magsasabi na:

  • “Ukay ukay lang ‘yan!”
  • “70% off ‘yan!”
  • “Nahalungkat ko ‘yan sa garage sale malapit sa ‘min.”

Wala naman akong “hanash” sa mga branded.
Kung can afford ba naman, why not.

Bilib lang talaga ako sa mga taong
kayang magdala ng sarili kahit ano pa ang suot.
May brand o wala, kering keri nila
at proud na proud pa!

Walang pag se-self pity.

May mga iba kasing akala
nasa pangalan o brand
ang ikagaganda o ikagagwapo ng isang tao.

Akala, doon nakasalalay ang ‘reputasyon’.
If you take that away from them,
feeling nila, wala na din sila.

Kahit ukay-ukay, garage sale, o
binigay lang sa ‘yo ng nakatatanda mong kapatid,
tandaan na:

HINDI DAPAT MAHIYA pagdadala

pagdadala
(Photo from this Link)

“Eh kasi baka mahalata nila.”
“Friends ko kasi grabe mamili sa mall.”
“Nakakahiya, wala man lang etiketa yung sa akin.”

Bakit tayo mahihiya?
Mas nakahihiya yung wala tayong suot! Haha.

Kung maayos naman,
napo-proteksyunan ang ating katawan,
keribels na yun!

KUNG HINDI KAYA, HUWAG IPILIT pagdadala

pagdadala

Huwag tayong umabot sa punto na
nanghihiram na o nangungutang
para lang masuportahan ang isang lifestyle
na hindi naman talaga natin afford.

Iwasan nating makipagsabayan kasi kung hindi,
dalawa lang ang kababagsakan natin:

  1. Utang
  2. Simot na sweldo

Mamuhay ng naaayon sa budget.
Kung P400/day ang sahod
huwag gagasta ng P450/day
lalo na sa mga bagay  na may alternative naman
tulad ng damit na ating sinusuot.

  • Manghiram.
  • Mamili sa abot kaya.
  • Tanggapin ang bigay.

MAGPASALAMAT pagdadala

pagdadala

Alam n’yo, kung tayo pinoproblema lang natin
kung anong isusuot o anong brand
ang ating bibilhin…

Yung iba, walang maisuot!
Umaasa sa donation o
bigay ng kamag-anak o kapitbahay—

Kapag wala, wala.
Nagtitiis lang sa isang pares
ng shorts at t-shirt.

So, are we still entitled to complain?
I guess not.

Let us learn to be thankful.
Besides, sabi ko nga,
wala naman sa presyo, dami ng damit o
sa pinanggalingan ‘yan—nasa PAGDADALA.

“May mga taong maganda at pogi pa rin kahit pamasahe na lang ang laman ng bulsa.
Sila talaga ang tunay na Lodi na marunong magdala.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker Philippines

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ikaw ba ay choosy sa damit?
  • Nasubukan mo na bang magpasalamat sa kung anong meron ka?
  • Paano mo dadalhin ang sarili kahit hindi branded?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

UPCOMING SEMINAR

RAISING MONEYWISE KIDS PRESENTS:
“HOW TO RAISE ENTREPRENEURIAL KIDS IN 10 EASY STEPS”
6 DAYS TO GO! LIMITED SLOTS ONLY!

Live Event: http://bit.ly/2FoZSD1
Team Bahay/ Team Abroad: http://bit.ly/2r5XaOb

=====================================================

IPON KIT (Ipon Can + My Ipon Diary Book)

Click here now: chinkeetan.com/iponkit
1 Ipon kit P300 +100sf

IPON DIARY:

Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles
10 “My Ipon Diary” 50% off P750
20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “My Ipon Diary” 50% off +15 FREE P3,000
Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee
Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles
10 “Diary of a Pulubi” 50% off P750
20 “Diary of a Pulubi” 50% off + 5 FREE P1,500
40 “Diary of a Pulubi” 50% off + 15 FREEP3,000
Click here: http://bit.ly/2FKNO2Z

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“ADVANTAGES OF TIME DEPOSIT”
Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2rpJ7ma

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE
P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!
Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

 



Submit a Comment



Filed Under: Finance, Personal Development Tagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Diary of a Pulubi, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Ipon Diary, ipon kit, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, My Ipon Diary, Pulubi

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.