Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Nung Nangutang ang Haba ng Litanya, Tapos “K” lang ang Sagot Nung Nagkakasingilan Na

March 7, 2018 By chinkeetan

 

nangutang

May mga kakilala ka bang pagkahaba-haba

ng storya nung nanghihiram o

nangungutang sa atin?

 

Siya yung kaunti na lang eh

pwede na maging scriptwriter ng

Maalaala Mo Kaya o Magpakailanman

sa sobrang ganda ng pagkakatagpi-tagpi ng storya?

 

Yun bang, habang binabasa natin

ang kanilang message sa FB, text,

o habang pinapakinggan sila harap-harapan,

dalang dala na tayo na tipong isang pitik na lang,

aagos na ang luha?

 

Kaya naman sa sobrang pagkadala,

ayun, pinautang na natin sila.

Sino ba naman ang hindi maaawa

lalo na kung tayo’y nakakaluwag-luwag

at may extra naman ‘di ba?

 

Kaso ang masaklap,

nakalipas na ang ilang buwan o taon…

nung oras na para lunukin natin ang hiya,

at sabihing:  

“Pwede ko na kaya makuha yung pinahiram ko sa ‘yo?”

“Sorry ah, pero okay lang ba kung maninigil na ako?”

 

Ang sagot lang sa atin, isang malaking:

“K”

 

Ha? Ano yun?

Ano ibig sabihin ng K?

K as in okay na kunin na natin ang bayad o

K as in okay na nakuha nila yung message?

 

Sa mga nakautang naman, bakit ba minsan eh

hindi tayo marunong sumagot ng maayos?

 

HINDI ALAM ANG SASABIHIN nangutang

nangutang

(Photo from this Link)

Ayan na, sinisingil na tayo.

Yung pinaka ayaw nating araw na dumating

eh dumating na…

 

Natatakot tayo malaman nila na

after all these years

hindi pala natin napaghandaan

yung perang ipambabayad.

 

Na kapag sinabi nating “Wala pa”

hindi natin alam, baka magalit,

siraan tayo, o kaya,

itakwil ang ating pagkakaibigan.

 

Wala na, gulong gulo na tayo.

Ang daming pumapasok sa isip natin.

 

NAMIMILOSOPO nangutang

nangutang

(Photo from this Link)

Alam n’yo yung minsan

kapag ayaw natin sa sinasabi ng ibang tao

magbibitiw tayo ng mga sarcastic o

pilosopong salita para ipakita

na hindi tayo interesado?

 

“K” is similar to:

“Eh di wow”

“Eh di ikaw na!”

“Galing mo eh”

 

Ginagamit natin ito para

inisin ang ating mga kausap.

 

For some reason, umaasa tayo na

sa pamamagitan nito, eh BAKA mapahiya sila,

at BAKA hindi na ituloy ang paniningil.

 

Ang mahirap nga lang dito,

tayo na nga yung may atraso,

tayo pa yung nagmamataas

sa pamamagitan ng mga salitang ito.

 

WALANG BALAK MAGBAYAD nangutang

nangutang

(Photo from this Link)

Ayaw lang natin, period.

 

Kesyo:

  • Matagal na yun.
  • Akala natin nakalimutan na nila.
  • Sabi niya noon, wala na DAW tayong utang.
  • Namis-interpret natin ang:

“Sa susunod mo na lang ako bayaran.” VS

“Huwag mo na ako bayaran.”

 

Meron ba namang utang na nakalilimutan?

O dahil sa saksakan sila ng yaman, baka naman nag-assume lang

tayo ng puedeng kalimutan na lang?

 

Let us not jump into conclusions na hindi nila ito

kakailanganin at hihingin na bayaran natin.

 

Dahil once na maalala nila ito o

sila mismo ay mangailangan dahil gipit,

sigurado, tatakbo at tatakbo sila sa atin

para singilin tayo.

 

“Nung Nangutang ang Haba ng Litanya,

Tapos “K” lang ang sagot Nung Nagkakasingilan Na. #LupitMoBes”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anong dahilan kaya “K” lang ang sinagot mo sa naniningil?
  • Ikaw ba ay nagtatago o hindi alam ang sasabihin?
  • Paano mo kaya maibabalik sa kanila para matapos na?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2F8mwmR

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off P750

20 “My Ipon Diary” 50% off P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://bit.ly/2oulQ1w

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off P3,000

Click here: http://bit.ly/2F3GwHa

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“TIME DEPOSIT VS MUTUAL FUND”

Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/9Uue10CNM-k

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2BIdJUJ

=====================================================

UPCOMING SEMINAR

“Happy Wife, Happy Life LIVE STREAMING”

Registration: P950 per couple

March 10, 2018

With ONE MONTH Free Access and FREE Book

Click here: http://bit.ly/2ovAfKo



Submit a Comment



Filed Under: Challenges, Debt, Finance, Friendship, Relationship Tagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.