Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Masaya ang Pagsasama kung may Respeto, Tiwala, at hindi Pinag-aawayan ang Pera

February 19, 2018 By chinkeetan

asawa

Kapag nag-uusap kayong mag-asawa

tungkol sa pera, kamusta naman?

Okay naman ba?

Mapayapa?

Na ha-highblood ba kayo parehas?

Ending sigawan at pagtatalo?

O ang pinaka masaklap,

hindi n’yo ito napapag-usapan?

“Parang ang awkward kasi.”

“Iba ang culture niya, ‘di kami magkakasundo.”

“Ayoko, ‘di kami magkakaintindihan.”

Alam n’yo ba ang pinaka common issue

ng mag-asawa ay PERA?

Ito yung mga iilang scenario na:

  • Tutulong ba sa kamag-anak o hindi?
  • Sino ang magbabayad ng kuryente at tubig?
  • Sino ba dapat ang magtatabi ng pera?
  • Ang mister lang ba dapat ang magdedesisyon?
  • Iipunin ba o ipapasok sa investment?

Lima pa lang ‘yan mga KaChink ah!

Pero ang punto, sa pera kadalasan umiikot ang

away ng mag-asawa lalo na

kapag hindi napapag-usapan o

hindi klaro sa inyo ang objective ng

bawat isa sa aspeto nito.

Para maayos ang inyong pagsasama at

hindi magkasamaan ng loob dahil dito

eh dapat may…

RESPETO

pera

(Photo from this Link)

Okay, sige, realistically speaking

may mga pagkakataon talaga na

hindi kayo magkakatugma ng gusto.

Ikaw ito gusto, siya iba gusto.

Siya iba pananaw, ikaw, iba din ang opinyon.

Normal lang ito.

Ang mahalaga ay despite the differences

meron pa din respeto sa isa’t isa.

Hindi yung kapag napikon, mumurahin ang asawa.

Kapag natatalo sa diskusyon, walk out ang drama.

Or kapag hindi sumang-ayon ang isa, pagsasalitaan

ng hindi maganda.

Kaya nga may tinatawag na COMPROMISE.

Upuan ninyo at pag-usapan ang pros and cons

then together, arrive at a decision.

MAGTIWALA SA ASAWA

pera

(Photo from this Link)

May mga nakakausap ako minsan

ayaw magtiwala sa asawa dahil

ginagasta, pinapahiram sa kung sino-sino,

o may mga bisyo.

Pero kapag sinabi niyang:

“SORRY TALAGA” o

“HINDI NA TALAGA MAUULIT”

Bigyan naman natin ng chance magbago.

Paano n’ya mapo-prove sa ‘tin

kung hindi natin ibibigay yung

hinihiling niyang kapatawaran?

Tayo man ay hindi perpekto.

This time, magtulungan para kung

ano man ang hindi napagkasunduan noon

ay maitama ng magkasama at maayos.

HUWAG SIRAIN ANG RELASYON DAHIL SA PERA

pera

(Photo from this Link)

I understand na dugo’t pawis ang

ibinuhos natin para lang

kumita na enough para sa pamilya.

Pero hindi ito dahilan para

masira ang ating relasyon.

Hindi ito rason para magsakitan,

magbastusan, o gawin itong dahilan

para umabot sa punto ng hiwalayan.

Dapat mas matimbang ang ating pagmamahal

kaysa sa perang pinagtatalunan

dahil kapag may pagmamahal sa isa’t isa

we will always choose to respect our spouse

at mas gugustuhin nating pag-usapan

ng mabuti at mahinahon kaysa magtalo.

More couple tips sa aking upcoming seminar!

pera

CLICK HERE TO REGISTER!

“Malalaman mo na masaya ang pagsasama ng mag-asawa

kung may respeto, tiwala, at hindi pinag-aawayan ang pera.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ikaw ba ay may respeto sa iyong asawa?
  • Kapag nag sorry, maibibigay mo ba uli ang tiwala?
  • Paano n’yo pag-uusapan ang pera ng hindi nag-aaway?

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: https://chinkshop.com/products/my-ipon-diary

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off P750

20 “My Ipon Diary” 50% off P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://shop.chinkeetan.com/product/diary-of-a-pulubi/

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off P1,500

40 “Diary of a Pulubi” 50% off P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“5 MONEY ADVICE”

Click here to watch➡➡➡  https://youtu….e/O0f44bNE1GQ

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ https://chinkshop.com/pages/moneykit

=====================================================

UPCOMING SEMINAR

“Happy Wife, Happy Life”

Registration: P950 per couple

Early Bird Rate: P750 per couple

March 10, 2018 / Victory Greenhills San Juan

A Seminar Featuring Chinkee and Nove-Ann Tan and Julius and Tintin Babao

“To Build Stronger Marriages One Couple At A Time.”

https://chinkshop.com/



Submit a Comment



Filed Under: Family Finance, Finance, Marriage, Marriage and Money Tagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.