Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Broken-Hearted Na, Pulubi Pa: Recovery Tips Para sa Puso at Wallet na Sawi

February 1, 2018 By chinkeetan

broken-hearted

Sawi na ang puso, sawi pa ang wallet?  

Bago tayo mag-walwal for the nth time

dahil iniwan tayo, mag-status check muna tayo ng wallet.

Walwal meaning, pa good time, me time,

o gastos na walang ka preno-preno

dahil sa tayo ay #TeamSawi.

Hindi naman yata tama na simulan ang taon na ganito.  

Double whammy talaga kung

broken-hearted na nga, pulubi pa.

Hay nakawawala ng ganda or pogi points!

Pero ‘wag tayo masyadong ma-depress.

Hold on to this thought:

“It’s absolutely possible to uncover the mysteries

of healing a broken heart and how to save money fast in one go.”

Sa dami ng taong lumalapit sa aming mag-asawa,

hindi na nawawala ang advice para sa mga

broken hearted o nasaktan.

Kung ano man ang nararamdaman ngayon,

remember that your situation doesn’t define your future.

Ngayon lang yan.

Sabi nga, “This too shall pass.”

Everyone recovers in his or her own pace in life.

Pero sana ay makatulong ang mga sumusunod na tips

para sa pag-move on mo sa broken heart

at empty wallet syndrome.

Iponaryo Recovery Tip 1: The road to recovery is a process. Accept the journey to healing.

broken-hearted

(Photo from this Link)

Nagiging mahirap ang pag-move on kapag

ino-oppose natin ang mga nangyayari.

And usually ito ang nagiging problema

kaya lalong tumatagal ang problema.

May panahon na hihihintay natin kung

magkakabalikan tayo.

Dahil naniniwala tayong the best of romances

deserve second chances.

Pero minsan, sadyang hindi lang talaga tayo para sa isa’t isa.

It’s not about you, it’s not about them,

hindi lang talaga meant sa atin ang relasyon.

At kailangan natin ito tanggapin.

Kung both parties are willing to work it out, well then good.

Mapag-u-usapan natin ang mga dapat ayusin sa relasyon.

Pero kung solo flight, baka medyo mahirapan tayo dito.

Moving on means looking forward kapatid ah,

hindi yung lingon tayo ng lingon sa nakaraan.

Walang nakaka-move-on sa paglingon sa likod

na halos ma stiff neck na.

Slowly but surely, makararating din tayo.

Need lang talaga na maging patient tayo.

Tulad na lang sa pagba-budget at pag-iipon,

‘di ba kailangan din natin ng pasensya?

Yun bang bago maabot ang gusto,

dadaan muna sa butas ng karayom?

Ganon din sa love.  

Healing can’t just happen overnight.

The change and improvement will only happen

if we willingly acknowledge the change

that we need to do in order to attain it.

Iponaryo Recovery Tip 2: Magpa-alalay sa mga tunay na kaibigan na nagmamalasakit

broken-hearted

(Photo from this Link)

Here is one thing I’d like to recommend:

Iwasan ang mga nega! Doon tayo sa TUNAY at TOTOO.

Yung mga kaibigan na hindi

pagsasamantalahan ang ating sitwasyon.

Yung mga kaibigan na may malasakit at

handa makinig may problema man tayo o wala.

Sadly, ‘pag brokenhearted ang isang tao,

naaabuso ng iba dahil “too weak to function” ang puso at isipan.

At sa ganitong pagkakataon, dito natin malalaman

kung sino ang totoong kaibigan.

Siguraduhin natin na the people we surround ourselves

with will not take advantage of our weakness.

Find friends or family members who will be willing to

check up on us with all sincerity at sasabihin

kung ano ang totoo, masakit man ito.

What is the real friend test?

  1. A real friend will tell you the truth even if it hurts.
  2. A real friend will prioritize your well-being.
  3. A real friend will not take us to places or ask us to do things na makokompromiso tayo ng husto.

Okay lang to spend time with others or pamper ourselves

para ma-divert ang atensyon pero watch out din tayo

sa running bills natin ah, baka dito lang mapunta.

Ang tunay na bes, hindi magta-take advantage sa problema natin.

Sa dami ng alternatives na mura o libre,

hindi natin kailangang makisakay sa iba at gumasta.

Magdasal, makinig ng music, mag-meditate, hang out lang sa bahay.

Kapag nag-request pa sila ng iba, ah ibang usapan na ‘yan.

Iponaryo Recovery Tip 3:  ‘Pag medyo kalmado na, learn the lesson

broken-hearted

(Photo from this Link)

When we are hurt, madali magturo.

Kasalanan niya, kasalanan ng aso, kasalanan ng nanay at tatay,

ultimo guard ng village na walang kamalay-malay ay sinisisi natin

just to justify na HINDI TAYO ANG MALI

kaya hindi nag work ang relationship.

Pero what good will that do?

For every single finger we point in another direction,

four other fingers point back at us.

It’s designed that way so we reflect more on what we can change.

Bawat kabanata ng buhay ay may aral.

Mag-focus tayo sa mga puwede nating baguhin

dahil sa nangyari sa atin. Use this time to reflect.   

Success in moving on in life begins

always with a winning mindset.

Iponaryo Recovery Tip 4: Set a standard for yourself, your future, for love and money.

broken-hearted

(Photo from this Link)

Maaaring feeling natin ay ikagaganda natin

yung bagong damit na mamahalin o yung

branded lipstick galing sa other side of the world.

Pero kahit ano pa ang bilhin natin sa mall,

it will just be a temporary fix if hindi payapa ang kalooban.

Sa tunay na pag-move on, hindi paggastos ng unli ang solusyon

kundi tamang pagpili sa susunod.

Pagpili kung kanino ibibigay ang puso at

pagpili kung anu-ano lang ang pagkakagastusan.

Ang puso natin iisa lang yan.

Ang source of income natin na pinaghihirapan

for at least 70-80% of our lives, iisa lang din yan.

Papayag ba tayong mapunta ito sa wala

at sa undeserving na tao? Of course not!

“Chinkee, magiging choosy pa ba ako?”

Choosy is not the right word kundi

be CAUTIOUS to whom we give our heart (and money) to next time.

Most effective way para mapunta tayo sa tamang tao?

PRAY and ASK him or her to God.

He will give us the best beyond our standards.

Iponaryo Recovery Tip 5: Maghanap ng bagong libangan ng hindi nagwawaldas

broken-hearted

(Photo from this Link)

Aside sa pusong sawi, wallet na sawi din ang kababagsakan

ng isang taong broken-hearted. Nandyan ang:

Bagong hairdo, para “New hair, new me”.

Ang kusina gagawing mini grocery na

pupunuin ng ice cream, chichirya, o softdrinks.

Enroll sa gym, subscribe sa Netflix at kung ano-ano pa

para maiwasang mag-emo sa alaala na iniwan ng past love life.

Wala namang masama maglibang pero siguraduhin

na hindi naman wallet at savings ang madidisgrasya.

At baka lalo tayong malungkot at uminit ang ulo

pag nalaman nating nauwi sa utang at zero balance

ang consequence ng pag mo-move on.

Iponaryo Recovery Tip 6: Love (and invest in) yourself.

heart-broken

(Photo from this Link)

Ito na yung time to love ourselves.

Kung gagastos man tayo, siguraduhin nating

may maidudulot sa ating maganda na

makatutulong sa pagkatao natin.

This is also the perfect time to

try new things and opportunities.

Maaari kang bumili ng mga librong

makapagbibigay ng inspiration o pag-asa

tulad ng Happy Wife, Happy Life.

Puwede ka ring umattend ng mga seminars

on relationships para makatulong sa ating durog na puso.

Reconnect with your old self.

Balikan natin yung mga hobbies natin noon na

hindi na natin nagagawa mula nung naging busy sa love life.

Arts and crafts ba, gardening, writing,

kahit ano that will keep us sane at this moment.

Hindi natin kailangang gumastos ng bongga

para mag-soul searching. Libre lang yan.

Iponaryo Recovery Tip 7: Have a Cycle: Trabaho. Ipon. Enjoy. Repeat.

broken-hearted

(Photo from this Link)

Kahit broken hearted hindi naman dapat natin

pababayaan ang ating trabaho.

Hindi natin dapat ito iiwan sa ere dahil lang sa

may pinagdadaanan tayo.

It is important to push for more, para makaipon,

at pag may extra, go enjoy the fruits of your labor.

Hindi ba’t maganda na may motivation tayo

para mas lalo nating pag-igihan?

Use what happened to become better

at what we do and reach for our goal.

Iponaryo Recovery Tip 8: Kahit mahirap, train your mind to think positive.

broken-hearted

(Photo from this Link)

One day at a time, always Chink Positive.

Lahat ng problema ay may solusyon,

including our heartache.

Temporary lang yan, lilipas din yan in God’s time.

Kahit masakit, isipin natin na baka

blessing in disguise ang nangyari.

Huwag nating tatanggalan ng pag-asa ang sarili natin.

Baka kaya…

  • hindi natuloy dahil baka lalo lang magkasakitan.
  • kailangan maghiwalay kasi masyado na tayong inaabuso.
  • nag break, kasi may ibang nakalaan sa atin.

Lahat may dahilan.

Hindi man natin nakikita pa sa ngayon,

but believe me, sagot ni Lord ang tamang tao para sa atin.

Iponaryo Recovery Tip 9: Umiwas sa hiram at luho.  

broken-hearted

(Photo from this Link)

No matter how broken we may feel now,

make sure that we don’t get ourselves in debt

or compromised situations.

Hindi pwedeng punta tayo ng punta sa mall,

mamimili ng mamimili para lang

ma-justify na “Eh malungkot ako eh”.

Ang lungkot na yan, weeks or months from now

mas lalong lalala kapag nauwi tayo sa utang.

Hindi lang basta utang, LUBOG sa utang

kaka swipe sa credit card o dahil sa

kahihiram sa mga kaibigan o kamag-anak.

Iponaryo Recovery Tip 10: Surround yourself with inspiration.

broken-hearted

(Photo from this Link)

Ang araw natin dapat puno ng magaganda at

masasayang kuwento.

Isipin na lang natin yung mga taong napunta

sa ganyang sitwasyon pero, look, OKAY NAMAN SILA.

Gawin natin silang inspirasyon.

The sooner we adapt to a more inspiring environment, the better.

Kasi magiging alipin lang tayo ng nakaraan

kung palagi tayong #ampalaya or bitter

sa taong nang-iwan sa atin.

Tigilan na ang pagso-stalk sa kanya sa Facebook o

check kung nag like ba siya sa post natin, instead,

use it to showcase our talents, calligraphy,

mga write-ups, mga magagandang photos na nakunan natin

and eventually gain profit for it.

Malay mo ‘di ba may makapansin ng talent or

at least receive genuine compliments.

This will boost our morale.

Or kung gusto natin mang stalk,

follow successful people and read

what they do and how they do it.

Envision yourself in their shoes.  

Be inspired.

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Hanggang kailan mo pahihirapan ang puso’t wallet mo sa ganyang sitwasyon?
  • Make the change you need today and work on improving yourself kahit gaano pa kapait ang sinapit mo.

=====================================================

CHINKEE TAN UPDATE:

BOOKS

IPON DIARY: Maging Iponaryo Para Umasenso (NEW BOOK)

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: https://chinkshop.com/products/my-ipon-diary

Barangay Iponaryo Bundles

10 “My Ipon Diary” 50% off + 2 FREE P750

20 “My Ipon Diary” 50% off + 5 FREE P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off + 15 FREE P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

DIARY OF A PULUBI

Per piece: P150+100 shipping fee

Click here: http://shop.chinkeetan.com/product/diary-of-a-pulubi/

Pulubi Bundles

10 “Diary of a Pulubi” 50% off  P750

20 “Diary of a Pulubi” 50% off P1,500

40 “My Ipon Diary” 50% off P3,000

Click here: chinkeetan.com/ipon

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“BUDDIES AND HUBBIES AS BUSINESS PARTNERS”

Click here to watch➡➡➡ https://youtu.be/CLPtjxfB-SQ

=====================================================

MONEYKIT

1 Moneykit + 8 Books FREE

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ https://chinkshop.com/pages/moneykit

=====================================================

UPCOMING SEMINAR

“Happy Wife, Happy Life”

Registration: P950 per couple

Early Bird Rate: P750 per couple

March 10, 2018/ Victory Greenhills San Juan

A Seminar Featuring Chinkee and Nove-Ann Tan and Julius and Tintin Babao

“To Build Stronger Marriages One Couple At A Time.”

https://chinkshop.com/



Submit a Comment



Filed Under: Iponaryo, Marriage and Money Tagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.