Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

SIGNS THAT YOUR CHILDREN WILL BE FINANCIALLY BROKE

January 6, 2018 By chinkeetan

Children

ATTENTION ALL PARENTS: MUST READ!

“Anak! Dugo, buhay, pawis ay iaalay ko sayo

para makapagtapos ka lang ng pag-aaral.”

Naks naman! Di ba, makabagbag damdamin

ang mga linyang yun.

Wala pa akong nakitang magulang na gusto nilang

mag-fail ang kanilang anak.

Lalo na sa paghawak ng pera,

we want them to become rich and successful.

Ngunit, subalit at datapwat,

hindi mo maiiwasan na may senyales ka ng makikita

na maari din sila mag-fail.

Kung gusto mong maiwasan na sila ay

maging mahirap at broke one day.

Basahin mo itong 7 signs NA DAPAT ITUWID

PARA MAGING FINANCIALLY LITERATE ANG ATING MGA ANAK….

SIGN #1: They do not know how to WAIT.

children

(Photo from this Link)

Gusto lahat instant. Hindi sila makapaghintay.

Naiinis at nayayamot at nagbabago ang hitsura at

nagiging incredible hulk kung hindi nakukuha ang gusto nila.

NAGTA-TANTRUMS NG WALA SA LUGAR.

Bakit nga ba sila ganoon?

SIGN #2: They have a sense of ENTITLEMENT.

children

(Photo from this Link)

Feeling nila karapatan nila, Feeling nila dapat meron sila.

Feeling nila kawawa sila kung wala sila ng gusto nila.

Palalabasin na napakasama mo pang magulang

kung hindi mo na ibigay ang gusto nila.

Mag dra-drama pa ang iba at

bibitawan ka ng linya,

“Huwag na lang! Hindi naman natin kaya yan. Dahil mahirap lang tayo.”

Wow naman! Yung mga pa konsensya effect.

Bakit nga ba sila ganoon?

SIGN #3: They do not understand the value of HARD WORK.

children

(Photo from this Link)

Nasanay na lang sa kakahingi.

Pasensya na po mga magulang.

Bubusina lang ng kaunti.

Minsan tayo rin ang may kasalanan bilang mga magulang,

dahil sa labis ng pagmamahal sa ating mga anak,

hindi na natin alam na spoil na pala sila.

Kung nakasanayan nila na pala-asa SILA

tiyak na tiyak ko broke and poor ang ending nito.

SIGN #4: They have POOR EMOTIONAL QUOTIENT.

children

(Photo from this Link)

Isa pang dapat mong bantayan ay

ang kanilang pag-uugali tuwing sila ay natatalo.

Ano ang naging pag-uugali nila? Pikon talo ba!

Nagdadabog at galit na sa mundo.

Sinisisi na ang lahat pero hindi ang kanilang sarili.

Hindi marunong tumanggap ng pagkatalo.

SIGN #5: They develop the habit of BORROWING. children

children

(Photo from this Link)

Laruan, lapis, gamit, damit,

halos lahat ng wala ay kanyang hinihiram

SA MGA KALARO AT KAKLASE.

Maniwala ka, noong bata pa,

gamit ang hiniram.

Kapag ito ang kanyang nakasanayan,

pera na ang kanyang hihiramin, este, uutangin!

SIGN #6: They are SELF-CENTERED. children

children

(Photo from this Link)

Wala silang pakialam sa iba.

May sarili silang diskarte at mundo.

Kukunin ang lahat ng ulam sa hapag kainan

at walang ititira sa iba.

Gusto nila, sila parati ang nauuna sa pila.

Walang kusang tumulong sa iba kahit alam nila

na hirap na hirap na ang mga taong nakapaligid sa kanila.

Basta kung ano ang pabor sa kanila, okay na sila.

Last but not the least, ang pinaka hindi magandang senyales.

SIGN #7: They often COMPLAIN. children 

children

(Photo from this Link)

Parati na lang nagrereklamo.

“Buti pa ang iba!”

“Bakit sila meron tayo wala!?”

“Bakit sila nakapag bakasyon, tayo hindi!?”

Wala silang kasiyahan sa buhay,

kahit ano ang gawin mo may maririnig ka pa rin reklamo.

Hay!!!

Ramdam niyo na ba ako!

Kung nararanasan at pinagdadaanan niyo na ito,

panahon na kailangan ng ayusin ito.

Or else, baka huli na ang lahat at

mahihirapan na mabago ang mga ugali na nakasanayan na nila.

TANDAAN NA NASA PAGPAPALAKI NG ISANG MAGULANG ANG MAGIGING ASAL AT GAWI NG KANYANG MGA ANAK SA KANILANG PAGTANDA. HABANG MAAGA AY TURUAN SILA NG TAMA. TAMANG ASAL, TAMANG PAGHAWAK NG PERA, AT TAMANG PAKIKIPAGKAPWA.

“ A family that SAVES together, YAYAMAN together.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ikaw, kamusta na ang mga anak mo?
  • Ilan senyales dito ang napapansin mo sa mga anak mo?
  • Gusto mo ba silang magbago at matutong mag-save kaysa gastos na lang ng gastos? Matutong dumiskarte, kaysa hingi na lang ng hingi?

If yes, please bring your children to my first session of the year “Ipon Pa More”

Jan. 20 Sat. 1pm at 4th Level V-Mall Victory Center Greenhills San Juan.

We offer a 4 +1 Free Promo for a family of 5 or 7+3 Free for barkada promo.

For details… https://chinkshop.com/



Submit a Comment



Filed Under: Family Finance, Investment, Iponaryo, Money Tagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.