Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

PASKO, PASKO, KAMUSTA ANG NAGDAAN NA PASKO?

December 29, 2017 By chinkeetan

pasko

Uy! Merry Christmas uli sa inyo mga Ka-Chink!

Kamusta naman ang inyong pasko?

 

“Hmm, okay lang.”

“Normal day.”

“Hay nako kakainis!”

“Masayang masaya!”

 

Kung hindi naman masyado okay,

Bakit naman?

 

Meron ka bang kagalit?

Hindi kayo in good terms ng

Kaibigan, kapatid, o kamag-anak o

may nangyaring hindi maganda?

 

Sorry about that.

 

Pero sana, ngayong Pasko at

darating na bagong taon

sana isantabi na natin ang lahat ng

hinanakit at mga nakaraan para

maganda ang pasok ng 2018.

 

KUNG IKAW MAN AY NILOKO….

pasko

(Photo from this Link)

Niloko man pagdating sa pera,

relasyon, o trabaho,

tandaan na hindi kailanman nagwawagi

ang taong nanloloko.  

 

Oo nakakainis.

Oo, maaaring nagtagumpay sila.

Pero, hindi ito magtatagal.

Sooner or later, lalabas din

ang katotohanan o di kaya’y

may balik ang kanilang nagawa

sa mga taong kanilang nasaktan.

 

KUNG IKAW MAN AY INIWAN…

pasko

(Photo from this Link)

Iniwan ng kasintahan, asawa, o

ng mahal sa buhay…

 

Tandaan na kaya sila nawawala o

umaalis sa buhay natin dahil

sadyang kailangan lang ito mangyari

at may darating na mas

karapat dapat para sa atin.

 

Hindi naman porket iniwan tayo

ibig sabihin ay end of the world na.

Okay lang umiyak, magdamdam, o

sumama ang loob.

 

Pero dapat mas nananaig ang

pag LOOK FORWARD natin sa

mga susunod na araw at sa

BAGONG TAO na darating sa buhay natin.

 

KUNG IKAW MAN AY HINDI NAGTAGUMPAY…

pasko

(Photo from this Link)

Hindi pa…

  • Nakuha ang pinakahihintay na promotion
  • Natapos ang pagbabayad ng utang
  • Kumita ang business na binuksan o
  • Nakakabawi sa pagkalugi

 

Tandaan na HINDI PA HULI ANG LAHAT!

Napakadami nating chances para

bumangon at sumubok muli.

 

Huwag mawalan ng pag-asa.

Fight lang ng fight!

 

“Salubungin ang bagong taon na may tibay ng loob at puno ng pagasa.”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ano ang mga napagdaanan mo na hindi mo makalilimutan?
  • Ano naman ang mga lessons na natutunan mo?
  • Anong nilu-look forward mo sa 2018?

=====================================================

HALF YOURSELF A MERRY LITTLE CHRISTMAS

All books and Moneykit at 50% off til January 2 (12mn)

To avail this promo go to: http://bit.ly/2Cg7eeE

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“MONITORING THE LEGIT STOCKS”

Click here to watch➡➡➡https://youtu.be/TLnJrcfjQww 



Submit a Comment



Filed Under: Uncategorized

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.