Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

HUWAG UTANG NOW, DEADMA LATER

December 16, 2017 By chinkeetan

utang

Ikaw ba ay may nautangan recently

O nahiraman noon pa?

Nabayaran na ba ito o naglalaro kayo

ngayon ng tagu-taguan?

Tinetext ka na, tinatawagan

pero patay malisya lang?

Bakit naman ganon?

Bakit kailangang ‘deadmakels?’

Tayo ay magpasalamat na pinautang pa tayo

pero sana in return, baka puwedeng

maging sensitive naman tayo.

“Eh walang wala talaga ako ngayon”

“Parang hindi naman na niya naaalala”

“Yaman naman siya, barya lang sa kanya yun”

Kahit ano pa iyan, hindi ito rason

para talikuran natin ang ating responsibilidad.

Kung nanghiram, ibalik

dahil wala naman tayong patago sa kanila.

Pinaghirapan din nila ito at

nagmagandang loob lang sila sa atin.

Paano ba natin ito haharapin ng tama?

KAUSAPIN MO SIYA

utang

(Photo from this Link)

Imbis na makipag taguan

pwede naman natin silang kausapin

sa maayos na paraan.

“Friend, walang-wala pa kasi ako ngayon”

“Uy okay lang bang installment?”

“Pasensya ka na ah, promise babayaran kita”

Mas katanggap-tanggap pa na

haharapin natin kaysa

nagmumukha silang ‘abangers’

o yun bang laging ‘humohopia’

na magbabayad tayo.

Be matured enough to face it.

May masabi man sa atin, at least

naging honest tayo.

MAGPURSIGE NA MAKABAYAD

utang

(Photo from this Link)

Sige, okay, binigyan tayo ng palugit o

maaring hindi tayo kaagad sinisingil.

Pero it doesn’t mean na hindi na tayo kikilos.

Hindi naman ito parang hangin lang na

kusa na lang maglalaho.

Hindi din ito parang yelo na

matutunaw na lang ang issue.

Use the time given to you para

maghanap ng paraan para mabayaran

sila as soon as possible.

Kahit paunti-unti, it doesn’t matter

as long as may ginagawa tayong aksyon

to pay them back.

Kung hindi kaya sa sweldo, hanap ng sideline.

Kinakapos man, magbenta ng gamit.

Importante dito, maibalik natin.

MAGPARAMDAM KA

utang

(Photo from this Link)

Ulit-ulit silang nagtetext, hindi nirereplyan.

Tawag sila ng tawag, hindi sinasagot. 

Pinuntahan na sa bahay, laging ‘wala DAW’

Malaking bagay yung alam nila

na may inaasahan pa sila from us.

Sabi ko nga, nagmagandang loob sila

sa atin, kaya deserve nila yung respeto

by just assuring them na hindi tayo nagtatago.

Maawa tayo sa kanila.

Meron din silang pinaglalaanan

pero pinili nilang ipahiram ito sa atin.

“Huwag Utang Now, and then Deadma Later

Kung ayaw mo tayong maging Friends Now, at Magkaaway Later”

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker Philippines

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Sino ang pinagkakautangan mo?
  • Nabayaran mo na ba o tagu-taguan ang peg?
  • Paano mo ito haharapin ng maayos?

Are you having a hard time making saving money a habit? Do you want to know the best ways to save money? Are you up to having a money saving challenge so that you can manage your finances?

Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,

https://chinkshop.com/

=====================================================

NEW VIDEO ON YOUTUBE

“VENTURING INTO REAL ESTATE WITH NO BACKGROUND ”

Click here to watch➡➡➡ http://bit.ly/2zhfdWv

=====================================================

DIARY OF A PULUBI

Season 1 Episode 3: ” Travel Now, Pulubi Later”

➡➡ ➡ http://bit.ly/2z359lr

PER PIECE:

P150+100 shipping and handling fee

http://bit.ly/2mt9V5x

BULK ORDER PROMO

50% OFF; FREE SHIPPING

http://bit.ly/2xZMhSi

=====================================================

MONEYKIT BUY ONE TAKE ONE IS BACK!

2 Moneykits + 16 Books

P3,499 FREE SHIPPING NATIONWIDE!

Click here to order online➡➡ ➡ http://bit.ly/2yPyf6Z



Submit a Comment



Filed Under: Debt, Relationship Tagged With: Best Way To Save Money, Best Ways To Save Money, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Famous Filipino Speakers and their Speeches, Famous Speakers in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, ipon, iponaryo, money saving challenge, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker Philippines, saving habit, Saving Money

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.