Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

#TIPIDHITS SERIES: GROCERY TIPS

May 4, 2017 By chinkeetan

Isa sa pinakamalaking bahagi ng budget natin ay napupunta sa grocery-shopping. Paano nga ba tayo makakatipid? How to save money on grocery?

Ito ang ilan sa aking mga #tipidhits tips na siguradong makakatulong sa inyo:

TIP #1: I-LISTA ANG BIBILHIN

Bago pa man pumunta sa grocery, siguraduhing nailista mo ang lahat ng kailangan mong bilhin. Ang tendency kasi kapag wala tayong listahan, iikutin natin ang buong grocery store, at kung anong makita natin na gusto natin, bibilhin natin kahit hindi naman talaga natin kailangan.

Pero kung may listahan tayong sinusundan, dederetso lang tayo sa kailangan natin. Hindi lang tayo makakatipid ng oras, makakatipid din tayo ng pera.

TIP #2: MAG-BUDGET

Create a spending plan. Mas mainam kung pang-whole month budget na. Set aside a certain amount for food and supplies and make sure you stick to it. With your a budget in mind, hindi tayo ma-te- tempt dumampot nang kung ano-ano lang kasi may plano tayong sinusunod. Isipin nating kapag lumampas tayo, maaapektuhan ang kabuuan ng budget natin.

TIP #3: SIGURADUHING BUSOG KA

Huwag na huwag kang papasok sa grocery o supermarket na gutom. Kapag kumakalam ang tiyan, LAHAT ng pagkain nagmumukang masarap!

Feeling mo lahat ng makita mo ay kailangan mong bilhin kahit hindi naman.

TIP #4: MAGDALA LAMANG NG EXACT AMOUNT

Kung magkano ang budget mo, yun lang ang dalhin mo. Huwag mo ng dalhin ang buong sweldo or allowance mo. Iwanan monarin ang credit card at ang ATM cards mo. With that, siguradong hindi ka sosobra dahil wala ka ng pambili. Matututo ka ngayong pagkasyahin kung anong cash ang meron ka.

TIP #5: MAG-APPLY NG MGA SUKI CARD

Halos lahat ng mga grocery store ngayon ay nag-ooffer na ng mga membership o suki cards. You can earn points, the more you buy from them. Kapag nakaipon ka na ng points, magagamit mo ito. Hindi nga lang kalakihan at hindi mabilisan, pero at least kahit papano, nakakamenos ka. Minsan din they offer special discounts para sa mga members nila.

“USE CASH! YOU CANNOT SPEND THE MONEY THAT YOU DON’T HAVE!

-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines

THINK. REFLECT. APPLY

  • Paano ka mag-grocery?
  • Can you share your own tipid tips na hindi ko nabanggit?
  • Ano sa tingin mo ang tipid tip na talagang makakatulong sayo?

Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?

Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here, 
https://chinkshop.com/



Submit a Comment



Filed Under: Finance, Financial Literacy, Money Tagged With: Chinkee Tan, Financial Speaker Philippines, Leadership Speaker Philippines, Personality Development Speakers Philippines, Top Motivational Speaker Philippines

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.