Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

HAVE YOU LOST A LOVED ONE

April 20, 2017 By chinkeetan

Naransan mo na bang mawalan ng mahal sa buhay?

Mawalan ng Nanay, Tatay, Kapatid, Kamag-anak, o Kaibigan?

 

Ito na nga siguro ang pinakamasakit sa lahat ng pwedeng mangyari sa atin dito sa mundo.

 

Kasi biruin mo kahapon lang, last week, last month, o last year lang:

  • Kausap mo pa sila…
  • Nakakamustahan at nakakakwentuhan…
  • Nakakasama sa pamamasyal…
  • Naaalagaan at napagsisilbihan…

 

Tapos isang iglap, wala na lahat. Ni hindi na natin alam paano tayo babangon sa umaga at mai-inspire knowing na hindi naman na natin sila makikita at makakasama.

 

Ito yung moment na: “Bakit pa? Ano pang silbi ng buhay kung wala siya?”

 

Alam kong walang tamang salita to make things easier for each and everyone of you na nakararanas nito right at the moment. Dahil kahit bali-baliktarin, the pain is there. Our hearts will continue to bleed and we will mourn for a long time. May puwang na hindi na mapupunan.

 

Sana sa pamamagitan ng blog na ito, makakabigay ako ng pag-asa at ma-uplift o kaya gumaan man lang ang kalooban ninyo.

 

GOD KNOWS WHAT HE IS DOING

Alam niyo yung sinasabi na, hindi pa man tayo pinapanganak, nakaplano na ang lahat?

 

Believe it or not, totoo ito. Kahit anong pang pilit nating pigilan at kontrolin ang isang sakit o protektahan sila sa aksidente, what is meant to happen, will just happen anytime because everything is in His hands.

 

…And this is what we need to accept and understand. Just learn to surrender, pray for wisdom and guidance, and let Him do it.

 

THEY ARE FREE FROM PAIN AND SORROW

Napapasigaw sila at nasaktan sa sobrang hirap na dinanas sa bahay o ospital? BUT THAT’S THE END OF IT.

Kailangan nilang dumaan sa treatment na may iba’t-ibang klaseng side-effects? BUT THAT’S THE END OF IT.

 

Oo talagang nakaka-awa dahil hindi natin alam kung bakit kailangan pa nila ito pagdaanan. Pero that last shout, that very painful process, or excruciating journey, yun na ang huling beses na mararanasan nila ito.

 

Dahil sa langit, walang hirap, walang sakit, walang aksidente—they’re in a better and beautiful place.

 

WE ARE BLESSED

“Ha? Paano naging blessed ang mawalan ng mahal sa buhay?”

 

Blessed tayo dahil sa atin pinaramdam  ito. Sa ganitong mga pangyayari, natututo tayong mas maging malakas at matatag  ang ating pananampalataya, at mas magsumikap to make them proud.

 

Kaya, para sa mga nawalan ng mahal sa buhay, mahigpit na akap sa inyo. Live one day at a time at isipin and find comfort na kahit  nawala na sila sa piling ninyo, habang buhay naman silang mamanatili sa iyong puso.

 

“Mawala na ang lahat, huwag ka lang mawalan ng mahal sa buhay”

-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ano ang na-mimiss mo sa mga kamag-anak na sumakabilang buhay na?
  • Papaano mo nilalabanan ang lungkot?
  • What are the values and memories na natutunan mo sa kanila na babaunin mo habangbuhay?


Submit a Comment



Filed Under: Emotional, Family, Relationship Tagged With: Chinkee Tan, Financial Speaker Philippines, Leadership Speaker Philippines, Personality Development Speakers Philippines, Top Motivational Speaker Philippines

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.