Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Biggest Money Mistakes People Often Make Series: NO EMERGENCY FUND

March 2, 2017 By chinkeetan

Wala ever nag-planong malubog sa utang at ma-stress dahil sa pera.

Pero hindi natin pwedeng diktahan kung ano ang pag ikot ng buhay.  Maraming pwedeng mangyari sa isang iglap.

At kapag hindi tayo handa, siguradong trahedya ang  kakaharapin natin.

Ika ng isang matandang kasabihan, “kapag may itinago, may madudukot.” Sa oras ng sakuna o sa panahon na may biglaan tayong pangangailangan, maganda na meron tayong naka-reserba.

Mainam na meron tayong emergency fund na nakalaan para sa ganitong mga pagkakataon. Kasi kapag wala, ito ang maaaring mangyari sa atin:

KAKAPIT SA PATALIM

Kung  walang malapitan at mahiraman.

Kahit sino ang magpapahiram ng pera ay tatanggapin.

Pero ang nakakalungkot, imbis na makatulong ito pa ang magbabaon sa sa malalim ng problema.

Bakit? Dahil sa…

MALULUBOG TAYO SA UTANG

Tiyak na mataas ang interest ng magpapahiram sa iyo.

Madaming nananamantala lalo pa kapag alam nilang gipit ka.

Ang matindi kapag nagkapatong – patong ang utang. Nakakalungkot pa, lahat ng sweldo at kita ay mapupunta lang sa pagbabayad ng utang. At kung ito ay nagpatuloy, dito na….

MALULUGMOK SA DEPRESYON

Very traumatic na yung maka-experience ng mga pangyayaring na hindi inaasahan. Lalo na yung mapunta ka sa sitwasyon na di na makapag isip ng maayos dahil sa matinding problema. At kung wala ng pera na pambayad dito na papasok ang  pagiging hopeless. Dito naman papasok yung feeling ng depression.

Sana, kapulutan natin ito ng aral at sikapin natin na maiwasan itong pangyayaring ito.

“The lack of financial planning can be a major source of stress”

-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines

THINK. REFLECT. APPLY

  • Do you have an emergency fund?
  • If none, when do you plan to build it?
  • Anong strategy mo para mabuo mo ang  emergency fund mo?

Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?

Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here, 
https://chinkshop.com/



Submit a Comment



Filed Under: Debt, Finance, Money, Personal Development Tagged With: Chink Positive, Chink+, Chinkee Tan, Life Coach Philippines, Motivational Speaker Philippines, Philippines Top Motivational Speaker, Positive Thinking, Prepared Thursday, Wealth Coach Philippines

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.