Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

MAHIRAP KAUSAP ANG MGA TAONG NEGA

February 19, 2017 By chinkeetan

MASAYA ang balita mo, NEGA ang sagot.

“Ngayon lang yan, wag ka umasa.”

 

EXCITED kang mag-kwento tungkol sa achievement mo, NEGA ang reaction.

“Nagawa ko na din yan dati eh!”

 

NAG-TATATALON ka sa bagong blessing na dumating, deadma lang sila.

“Yan LANG ba pinagmamalaki mo?”

 

Paano naman tayo gaganahan mag-kwento kung sa bawat reaksyon at sagot ng kinakausap natin ay punong-puno ng negativity hindi ba?

 

Tuloy sila pa mismo ang nagiging dahilan kung bakit tayo napapanghihinaan ng loob at nawawalan ng gana na ituloy yung mga pangarap natin to aim for more.

 

Para kasing ga-patak lang yung positibong dumadaloy sa kanilang dugo.

 

Bakit nga ba sila ganyan?

 

One of the major reasons why some people are like that is because of …

 

BITTERNESS

Nahihirapan sila mag move on!

Meron akong nabasang quote nun, ang sabi: “Akala ko nutrisyon lang ang madudulot ng ampalaya, bitterness din pala.”

 

Exactly the attitude of negative people—bitter sila.

 

Kasi maaring ang:

  • Inaasam- asam nila ay nakamtan mo na
  • Hindi nila matanggap ang  mga pangyayari
  • Pangarap nila, sayo nangyari
  • Matagal nilang pinakahihintay, ikaw ang nauna makakuha

 

Even if it’s not your fault, yung frustration nila, sayo nila binubunton para magkaroon sila ng masisisi, kung bakit hindi pa nila narating ang narating mo.

 

Sa totoo lang, people who are bitter are hurting inside.

 

Nasaktan din sila, that’s  why yung alam lang nila ay manakit din ng kapwa. If not, ito ay ang kanilang defense mechanism para hindi masabi na weak sila.

 

Ang tanong, gusto mo ba rin maging NEGA!?

I don’t think so.

 

Kaya nga, instead na mainis tayo, we should try our best to show compassion that they are really hurting people. We must show love instead of hate. Offer them consideration instead of judging them. Forgive them if not we will end up exactly like them.

 

“Huwag mong payagan na mahawaan ka ng mga taong negatibo! Always Chink Positive!”

-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Sino ang kilala mong ganito?
  • Ano kaya ang dahilan?
  • Gagayahin mo ba ang ganito o pipiliing maging #ChinkPositive


Submit a Comment



Filed Under: Personal Development, Positivity Tagged With: Chink Positive, Chinkee Tan, Philippines Top Motivational Speaker, Positive Sunday, Positive Thinking

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.