Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

MAHIRAP MANINGIL NG UTANG

February 18, 2017 By chinkeetan

 

May na pautang ka ba recently at hindi mo alam kung paano sila sisingilin?

Gipit ka na pero atrasado ka na kapag kaharap mo na siya?

 

“Next time na nga lang.”

“Paano ko ba sasabihin sa kanya?”

“Hmm, wag na nga lang baka magalit.”

 

Ikaw na nga ang nag pautang, ikaw pa ang nahihiya.

 

Bakit  ba kasi mahirap maningil?

 

HIYA

“P1,000 lang sisingilin ko pa ba? Kahiya naman.”

“Sus, kikitain ko din naman yun.”

 

Alam niyo ba na sa bawat tanggi natin sa pagkakataong pwede tayo makasingil, iyan din ang bilang ng beses na nalulugi tayo sa perang pinaghirapan natin.

 

Kung ito parati ang paiiralin, nababalewala at nawawalan ng saysay ang pangarap na makaipon, makapagtabi, at magpalago.

 

Check mo nga ang label mo, ito ay tunay na hiya o may hint of pride?

 

NAAAWA

Sa ganitong scenario, ang naninigil ay tinatawag na bida-kontrabida.

 

Bida ka kasi busilak ang puso mo sa pagpapahiram PERO kontrabida ka na kapag maniningil ka na.

 

Kaya para hindi maging ‘kontrabida’ ang dating, we condition ourselves na:

 

  • Baka kaya hindi pa nakakabayad dahil gipit pa siya
  • Baka may emergency
  • Baka nawalan ng trabaho o kabuhayan

 

Hanggang sa manaig ang awa at hindi na natin ituloy ang paninigil.

 

TAKOT

Dahil baka masira ang relasyon, matapon ang pinagsamahan, o di kaya’y mawalan ng kaibigan.

 

Kaya imbis na mauwi sa hindi pagkakaunawaan o pagtatalo, pinapasa Diyos na lang.

 

Ultimately, kung bakit nga ba tayo nag pautang ay nais natin tumulong.

Paalala lang po, sa nais natin tumulong sa kapwa, huwag naman natin ipahamak ang ating sarili.

 

“Napakadali magpautang pero napakahirap maningil!”

-Chinkee Tan, Motuvational Speaker Philippines

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Alin sa mga ito ang dahilan kaya hindi ka makasingil?
  • Okay lang ba sayo ang hindi na makasingil?
  • Kung hindi, anong strategy mo?

 



Submit a Comment



Filed Under: Debt, Relationship Tagged With: Chink Positive, Chinkee Tan, Philippines Top Motivational Speaker, Positive Thinking, Utang Saturday

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.