Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

SINONG TAYA SA VALENTINES DAY?

February 13, 2017 By chinkeetan

 

Valentine’s Day na bukas.

Nag-kalat ang mga couples na mamamasyal at kakain sa restaurant.

Ang iba kakain sa mamahalin, anyway once a year lang naman ito.  Ang iba naman ay sa fastfood lang dahil may budget na inilaan.

 

Kahit saan tayo kakain, ang tanong, “Kapag lumabas ang bill, sino dapat ang magbayad? Si girl  or boy? o KKB (Kanya-kanyang Bayad)?”

 

Ano sa tingin nyo ang sagot sa tanong na ito?

 

Siguro karamihan sa inyo ang sagot ay si ‘boy’.

Syempre, siya ang lalaki dapat sya ang gumastos.

Pero syempre, case to case basis yan.

May mga pagkakataon na mas may kaya si ‘girl’ kaysa kay ‘boy’ or gusto talaga ni ‘girl’ ilibre si boy.

 

Ngunit sa palagay ko, hindi na dapat maging issue kung sino man ang taya sa pagbabayad ng gastusin sa date sa araw ng mga puso. Ang mahalaga, both of you are happy at napagkasunduan.

 

At para maiwasan ang mga awkward moment sa kung sino ang magbabayad, ito ang maaari nating gawin:

 

HUWAG MAG-ASSUME

Huwag tayong mag-assume na i-lilibre tayo. Mas magandang mapag-usapan na at maging malinaw kung sino ang taya. Much better kung magdadala tayo ng extra cash. Even sa mga mag-asawa kung minsan, ang asawang babae ang nanlilibre, hindi dahil sa gentleman si husband kundi dahil may sarili silang arrangement na okay sa kanila.

Hindi naman mahalaga kung sino ang magbabayad, ang mahalaga e, taos sa puso ang pagbabayad at mayroong pambayad.

 

HUWAG MAG-YAYA KUNG WALA KANG PANG-DATE

Especially kung ikaw ay lalaki, kung wala ka namang pang-date, huwag nalang mag-yaya. Nakakahiya naman kung magyayaya ka kumain sa mamahaling restaurant sabay yung ka-date mong babae ang pagbabayarin mo.

Paano kung di sya ready? Baka mapahugas pa kayo ng pinggan ng wala sa oras.

 

MAGTANONG

Huwag mahiyang magtanong. Kung ikaw ay babae at niyaya ka makipag-date, itanong mo kung ililibre ka ba. Kung ikaw naman ay lalake, itanong mo sa ka-date mo kung okay lang sya sa fastfood chain dahil yun lang ang kaya ng budget mo.

 

“Sino dapat ang mag bayad ng bill? Babae, lalake or KKB?”

-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • May ka-date ka na ba ngayong paparating na valentines day?
  • Ready na ba ang budget mo pang-date?
  • Ikaw, ano sa palagay mo?
  • Lalaki, babae or KKB? Bakit?

 



Submit a Comment



Filed Under: Love, Relationship Tagged With: Chink Positive, Chinkee Tan, Love Monday, Philippines Top Motivational Speaker, Positive Thinking

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.