Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

MAHIRAP MAGING ISANG OFW

February 10, 2017 By chinkeetan

 

“Grabe ang sarap ng buhay ng mga kamag-anak ko sa abroad.”

“Ang ganda na ng kanilang buhay at ang laki-laki na ng kanilang kinikita.”

“Kapag ako gumaraduate, gusto ko rin mag-abroad at maging tulad nila”.

 

Bago mo tuluyan ipanalangin ang umalis ng Pilipinas at magtrabaho sa ibang bansa, basahin mo muna ang blog na ito. (This is not in anyway meant  to discourage you, but to show you the reality of what OFWs have to contend with.)

 

Madalas natin makita sa kanilang post na maganda ang kanilang mga selfie at mukhang nag-eenjoy sila sa ibang bansa. Pero sa bawat selfie na naka-ngiti, hindi natin sila nakikitang  nag-se-selfie habang naglilinis sila ng CR ng kanilang amo.

 

Tuwing siya ay ka skype mo at kakamustahin mo, at buong ngiti na sasabihin sayo na mabuti ang kanyang kalagayan. Sa totoo lang, tinatago niya ang kanyang tunay na maramdaman na siya ay inaapi at pinagkakaisahan sa trabaho at punong-puno sila ng takot.

 

Sa kada group shot na nakita mong sila ay nakatawa kasama ng kanilang mga kaibigan. Hindi naman natin nakikita yung solo-shot niya na siya ay umiiyak sa kwarto dahil ramdam ang matinding homesickness.

 

Yung kada order niya na masasarap na pagkain na kukunan niya para ipost sa instagram pero hindi naman niya kukunan yung kinakain niya na noodles or budget meals para makatipid at may mapadalang pera sa kanyang pamilya.

 

Yung lumang damit na kanyang pinagtitiyagaan at bibili ng mga bagong damit para may maipadala lang sa kanyang anak at kapatid.

 

Yung luma niyang sapatos na ilang taon na sinusuot na ayaw palitan para may maipadala bagong Nike sa kanyang bintang anak.

 

Grabe talaga ang sakripisyo ng isang OFW.

Dahil sa matinding pagmamahal sa kanyang pamilya, handa siyang magtiis at dumaan sa hirap para mabigyan lang ng magandang kinabukasan ang kanyang mahal na pamilya.

 

Kaya bago pa tayo tuluyang mag pasyang umalis, pag-isipan mo munang mabuti.

 

Ibang klaseng yung feeling …

 

Na nag-iisa ka at na homesick ka.

Na pinagkakaisahan ka at inaapi ka at wala kang mapagsabihan.

Na nagtitiis ka at hindi gumastos masyado para may mapadala ka.

Na yung awang-awa ka na sa sarili mo, at tinatanong mo kung kakayanin mo pa ba.

Na malayo sa pamilya at mahal mo sa buhay at feeling mo ikaw ay nag-iisa.

 

Kaya’t mga kapatid, saludo ako sa lahat ating mga kababayan na nagsasakripisiyo at pinagdadaanan ito sa araw-araw nilang buhay.

 

Nawa’y kayo ay maka-ipon at makabalik sa ating bansa para makapag-umpisa muli dito at makasama na ang iyong mga mahal sa buhay.

 

Kung may kakilala kang mga kaibigan at mahal sa buhay na OFW, ipanalangin po natin sila ng bigyan ng lakas ng loob at makabalik na para hindi na kailangan mangamuhan sa mga ibang bansa para lang buhayin yung pamilya.

 

“Ang mga sakripisyo ng sariling kaligayahan para sa kaligayahan ng iba ay tanda ng tunay na pagmamahal”

-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines

 

THINK. REFLECT. APPLY. 

  • Anong suporta ang binibigay mo sa kamaganak o kaibigan mong OFW?
  • Kailan mo sila huling kinamusta?
  • Nakapagisip ka na ba kung aalis ka pa o doble kayod para makasama ang pamilya?


Submit a Comment



Filed Under: OFW, Relationship Tagged With: Chink Positive, Chinkee Tan, OFW Friday, Philippines Top Motivational Speaker, Positive Thinking

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.