Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

HINDI BALENG WALANG TULOG KAYSA WALANG GISING

February 2, 2017 By chinkeetan

“Monday na naman…”

“Puyat na naman ako.”

“Wala pa akong maayos na tulog.”

 

Karaniwan nating naririnig ang mga linyang yang sa mga pagod at stressed na nagta-trabaho.

Hindi natin maiwasang magreklamo dahil nakakapagod. Eh kung isa ka doon sa mga empleyado na tinatahak ang napaka-trafic na EDSA at masalimuot na pakikipagsapalaran at nakikipagbalyahan para makasakay sa MRT o sa bus. Hayyy! Bago ka pa pumasok pagod ka na! Honestly, sino ba ang hindi dumadaan sa stress?

 

Tambak na ang iyong trabaho at may kasama pa siyang overtime but wait, there’s more! May deadline ka pa!

 

Hindi mo naman maiiwasan na mapagod at paminsan-minsan na magreklamo dahil din minsan kawalan ng tulog. Pero hindi ba’t mas okay na ang walang tulog kaysa ang walang gising? Ang magising sa umaga ay isa ng malaking pagpapala na dapat nating ipinagpapasalamat sa araw-araw. Di ba every gising is a blessing?

 

Nais kong batiin ang effort ng bawat isa na…

 

Nagtitiyaga araw-araw sa pag-tatrabaho.

Nagtitiis sa hirap ng byahe makapasok lang sa opisina.

Ibinibigay ang buong lakas at buong passion sa napiling career.

Nagtatrabaho ng marangal at may dignidad.

 

Kaya mga kapatid, kahit anong pagod ang iyong nararamdaman.

Ipaalala mo na lang sa sarili mo ang mga ito…

Nagtratrabaho ka para sa iyong pangarap hindi para sa pera.

Ginagawa mo ito para sa iyong pamilya at mahal sa buhay hindi para sa boss mo.

Nagpupuyat ka para sa matupad ang iyong pangarap, hindi para sa kumpanya mo.

 

Let us not lose the right perspective kung bakit tayo nagpupursigi at nagpupuyat.

 

#hugot

#parasapamilya

#excitedsatrabaho

#lovekoworkko

#energizedakosatrabaho

#parasapangarap

 

I hope this blog will energize you to be the best that you can be.

 

“Huwag magreklamo. Hindi baleng walang tulog kaysa WALANG GISING”

-Chinkee Tan, Motivational Speaker Philippines

 

THINK. REFLECT. APPLY

  • Ikaw ba pagod na sa work mo?
  • Saan ka ba humuhugot?


Submit a Comment



Filed Under: Motivational, Personal Development, Productivity, Success Tagged With: Chink Positive, Chinkee Tan, Philippines Top Motivational Speaker, Positive Thinking, Striving Thursday

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2022 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.