Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

PAANO BA MAGSARILI AT MAG-UMPISA

January 24, 2017 By chinkeetan

Bilang isang motivational speaker, isa sa mga “frequently asked questions” everytime I give talks ay

“Paano ba ako mag-uumpisa ng sariling pagkakakitaan?”

 

Naniniwala ba kayo na mahirap malimutan ang mga narinig at naranasan mo noong ikaw ay bata pa. Ako ay isang produkto ba-se sa mga sinabi ng  aking magulang noong ako ay bata pa.

 

Hindi ko malimutan iyong sinabi ni nanay nung dumaan kami sa matinding kahirapan dahil  nalugi sa negosyo ang aking ama.

“Anak, gusto mo bang lumabas tayo sa ganitong kalagayan.”

“Opo!”

“Mag umpisa ka ng iyong sariling pagkakakitaan. Bakit mo papa-yamanin ang ibang tao kung kaya mo payamanin ang sarili mo?”

 

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ako naging ganap ng entrepreneur. Tumatak ang kanyang mga salita sa aking isipan na hindi ko na malimutan habang buhay.

 

Kung hindi mo naman ito narinig at kinalakihan ito noong ikaw ay bata pa, hindi ito kasalanan ng iyong magulang dahil wala rin nagsabi sa kanila. Kaya minumungkahi ko kayo, kung gusto niyo mag-umpisa ng inyong sariling pagkakakitaan, ito ang dapat gawin:

 

BAGUHIN ANG MINDSET

Hindi pa huli ang lahat. Kahit may edad ka pwede pa rin magbago kung magbabago ang iyong pananaw sa buhay. Ika nga, you change your way of thinking, you change your way of living.

 

BAGUHIN KUNG ANO ANG SINASABI SA IYONG SARILI

Huwag maging negatibo, always #chinkpositive

Kung saan ka naka-focus yung po ang mangyayari. Huwag mong isipin na hindi kikita, isipin mo na magiging blockbuster ito!

Huwag mong isipin na walang tatangkilik, isipin mong maraming magkakagusto sa iyong produkto at serbisyo. Dapat maging positibo at isipin na kung kaya nila, kaya mo rin.

Lakasan ang loob at galingan ang diskarte.

 

BAGUHIN KUNG ANO ANG SINASABI SA INYONG ANAK

Simula sa araw na ito, bago pumasok ang iyong mga anak, iba na ang sasabihin mo, “Anak, mag-aral kang mabuti, para pag graduate mo makapagtayo ka ng sariling mong pagkakakitaan para mas madali ang pag asenso!”

 

“Bawal maging NEGA. Huwag mong isipin na mabibigo ka. Isipin mo, MAGTATAGUMPAY KA! 

–CHINKEE TAN, Motivational Speaker Philippines

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Kapatid, ano ang madalas mong marinig sa iyong mga magulang noong ikaw bata pa?
  • Ano ang madalas nilang sabihin sayo?
  • Sa palagay mo, pwede pa ba itong magbago?


Submit a Comment



Filed Under: Motivational, Personal Development, Success, Teaching Financial Literacy to Kids Tagged With: Chink Positive, Chinkee Tan, Philippines Top Motivational Speaker, Positive Thinking, Thinking Tuesday

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.