Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Bakit Ang Labo Niyang Kausap?

October 28, 2016 By chinkeetan

“Fog ka ba?”

“Bakit?”
“Ang labo mo kasing kausap.”

May mga kakilala ba kayong magulo at malabong kausap?
Palagi siyang open-ended at iisipin mo pa kung anong ibig niyang sabihin?

“Ikaw na ang bahala.”
“Kahit ano.”
“Tingnan natin.”
“I’m not sure. Baka oo, baka hindi.”
“I can’t promise.”
“Pwede na siguro.”

May nakausap ka na bang ganito ang mga sagot?
Ang hirap makipag-usap at lalong ang hirap makipagkasundo kung malabo ang usapan. When the time comes, siguradong ikaw rin ang kawawa. Wala kang panghahawakan, wala kang basehan, at wala ring expectations.

Kaya para maiwasan ang mga conflicts, pagkasira ng relationships, at pagka- bulilyaso ng mga trabaho – dapat, sa lahat ng usapan…

MAGKASUNDO NG MABUTI

Dapat parehong 100% ang both parties. Walang lugi o agrabyado. Pareho dapat magbe-benefit at walang lamangan. Both parties should agree to a certain decision.

Malinaw rin dapat sa bawat isa kung ano ang gusto niyong mangyari, kailan niyo gustong mangyari, paano niyo gustong mangyari, at kung anu-ano pang details.

NAKA-RECORD O MAY KASULATAN

Huwag papasok sa isang transaksyon na hindi nakasulat. ‘Ika nga eh, dapat, naka-black and white.

Wala kang magagawa kung wala kang mapanghawakan na may napagkasunduan nga kayo. Ang ending, agrabyado ka na, sira pa ang relasyon mo doon sa kausap mo.

This will help both parties in the future. Para malinaw kung ano ang expectations ng bawat isa. Walang misunderstanding at walang miscommunication.

Alam ng both parties kung ano ang dapat nilang gawin, kailan, saan, at paano. Mas madali ang buhay kung ganito. Less stress, less headache, less work, at less heartache din.

THINK. REFLECT. APPLY.

May malabo ka bang usapan sa iba na kailangan bigyan ng linaw?
May kasulatan ba ang inyong usapan?
Paano ka nakipagkasundo?

 

huwag pumasok sa kahit anong transaksyon na walang kasulatan
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

 

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

 



Submit a Comment



Filed Under: Leadership Tagged With: bakit, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Motivational Corporate Speaker, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines, Transactions

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2022 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.