Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Bakit May Magnanakaw?

September 30, 2016 By chinkeetan

Nakapagnakaw ka na ba?
“Hindi, ah! Hindi ko ugali ‘yun.”
“Masama ‘yun.”

Aminin man natin o hindi, lahat tayo, kasama na ako, ay nakapagnakaw kahit isang beses sa ating buhay.

What comes to your mind when you hear the word, “STEALING”?
Kaagad sigurong nasa isip natin ay pera o gamit.
Pero alam niyo bang hindi lang ito ang pwede nating nakawin o kinukuha sa atin?

STEALING COMES IN MANY FORMS. PWEDENG…

Oras na sinayang.
Panahon o opportunity na pinalampas.
Pinagkait na tulong.

So, you see…pwede tayong magnakaw o manakawan ng higit pa sa pera o gamit.

Bakit nga ba may mga taong magnanakaw?

LAZINESS

Maniwala ka man o hindi, ang tao ay pwede maging masipag sa isang bagay, pero tamad sa iba.

Pwede maging masigasig sa pag-check ng Facebook during office hours, pero tamad tapusin ang trabaho.

Minsan naman, masipag sa paghahanap ng latest deals and promos, pero tamad naman mag-research kung work-related ang hahanapin.

Laziness or those things that we do to get out from a responsibility is a form of stealing.

Ito ay dahil parang ninanakawan natin ng oras ang ating employer, just because we want to fulfill our own desires.

NO CONTENTMENT

People are tempted to steal because they can and will never be contented sa kung anong meron sila.

Laging kulang, laging may hinahanap. Kahit sapat na, hahanap at hahanap pa rin ng rason to justify na ‘KULANG IYON’.

“This is not enough.”
“Kulang na kulang pa ‘to.”
“Paano ko pagkakasyahin ito?”

Reality is reality. Minsan, hindi maiiwasan ng tao na magreklamo sa dami ng gastusin at sa taas ng bilihin. However, it still doesn’t give anyone the right to steal.

Hindi pwedeng lahat ng yaman sa mundo ay mapapasakamay ng iisang tao lang – that’s greed.

People must always be thankful for their job or business. Maaaring hindi kalakihan, but at least, nakakatulong ito sa kanilang pamilya.

Learn how to be contented for what you already have. Strive HARDER kung gusto nating umangat sa buhay.

NOT TRUSTING GOD AS PROVIDER

God is our ultimate provider, walang duda. Hindi pa natin hinihingi o sinasabi, alam na alam Niya na ang pangangailangan natin.

The problem with people who engage in stealing is that, THEY CAN’T WAIT FOR GOD’S TIMING.

Nagiging mainipin kasi ang iba, kaya kapag hindi nakuha kaagad ang gusto, sa madaling paraan na lang dinadaan.

Life doesn’t work that way. Kung ganoon na rin lang, mababalewala ang essence of trusting and having faith in Him.

Just pray and wait. God listens to our prayers. Hindi man dumating kaagad ang inaasam nating maganda at financially-stable na buhay, trust that it will come – that He will do something about it. Let Him take control.

THINK. REFLECT. APPLY.

Have you stolen something before tulad ng pera, gamit, oras, panahon, o pagkakataon?
Why did you do it?
Anong gagawin mo para maibalik ang mga ‘ninakaw’ mo?

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.



Submit a Comment



Filed Under: Personal Development Tagged With: bakit, Bakit ba, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Motivational Corporate Speaker, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines, Stealing

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.