Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Ang Tunay Na Mayaman Ay Hindi Kailangan Magyabang

September 28, 2016 By chinkeetan

May kakilala ba kayong ganito:

  • May bago lang gamit, show-off agad sa mga kaibigan at ka-opisina?
  • Brand new outfit, instant-posting ng pictures or status sa social media gamit ang #blessed agad?

Mahirap talagang sakyan ang mga taong ubod ng yabang.
Para silang “signal # 3”. Kung sino pa kasi ‘yung saktuhan lang ang kinikita, sila pa ang mahangin.

Samantalang ‘yung mga nakakaluwag sa buhay, kadalasan, sila pa ang tahimik at hindi mapagmalaki.

One of the best examples for this is Tim Cook, the CEO of Apple, Inc.
While his staff wears designer suits, siya, kuntento na sa sneakers, jeans, and casual shirt.
Imbis na bumili ng malaking bahay now that he’s earning $9.2 million a year, he’s just staying in a simple condo.

Sabi nga niya: “I like to be reminded of where I came from, and putting myself in modest surroundings helps me do that. Money is not a motivator for me.”

Ano ba ‘yung signs na nagiging mayabang na tayo?

AKO, AKO, AKO

Ito lang ang tanging maririnig natin sa mga taong mayayabang. Kahit hindi naman tinatanong, sila na mismo ang magpe-present sa sarili nila just to get the attention of others.

“Alam mo bang nakabili na AKO ng bahay?”
“Ganda ng bag KO, noh? Branded ‘yan.”
“AKO pa lang ‘ata ang meron nito.”

Makasarili sila at walang ibang mas magaling kundi sila lamang.
Sila lang ang matalino, mayaman, at nakakaangat.
Tuloy, sa sobrang selfish, nakakabingi na at sila na mismo ang nilalayuan.

EVERYONE’S A COMPETITOR

Ang taong mayabang, ang tingin niya sa lahat ay ka-kompetensya.
Feeling niya, aagawan siya ng posisyon, ranggo, sweldo, o opportunidad. Ang tendency? That person will do everything para hindi ito mabawi sa kanya.

Crab mentality is his greatest weapon. How?

  • Paninira ng imahe ng kapwa.
  • Pagsisinungaling.
  • Takes credit for other people’s work para bumango ang pangalan.

Ayaw kasi nilang may nangunguna o mas higit pa sa kanila.
Kaya imbis na makipagtulungan, sinosolo na lang niya ang lahat – huwag lang madaig ng iba.

MABABA ANG TINGIN SA IBA

“Assistant ka pa LANG? Eh, 3 yrs ka na diyan ah?”
“Iyan LANG, ‘di mo pa magawa?”
“Sus, kung ako ‘yan, nilampaso ko na ‘yan. Ang dali LANG niyan, eh.”

Favorite word: “LANG”. Nila-‘lang’ lang nila ang trabaho ng iba, without realizing na doon rin naman sila nanggaling.

Hindi man identical experiences, pero siguradong dumaan rin sila sa hirap bago nakamit ang tagumpay.

Kung gusto natin maging tunay na mayaman, matuto tayong lumingon sa pinanggalingan. Use it to help others, instead of bringing them down.

MAINGAY

Naniniwala ako na ang taong mayabang, parang lata na walang laman – maingay.

Para mapansin and to receive the praises that they want to hear, they will create noise.

Example:

  • Magpo-post sa social media ng picture ng bagong sasakyan.
  • Maglalagay ng mga “feeling blessed” status.

Kasunod nito ay, siyempre:

  • “Wow, ang swerte mo naman!”
  • “Yamaaaaan!”
  • …at mga likes na pagkarami-rami.

Naku, po! Gustong-gusto nila ito. Pakiramdam kasi nila, nasa taas sila at sikat sila.

Ang tunay na mayaman, hindi kailangan magpapansin.
Sila pa ang nahihiya dahil hangga’t maaari, ayaw nilang ipangalandakan ito.

THINK. REFLECT. APPLY.

Anong mga bagay ang ipinagyayabang mo o ng kakilala mo?
Anong benefit nito sa’yo?
How can you be proud, but not arrogant at the same time?

 

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

Here are some more related articles:

  • Paano Mo Malalaman Kung Ikaw Ay Tunay Na Galante?
  • Ang Tunay Na Mayaman Ay Marunong Magtipid
  • Ang Tunay Na Mayaman Ay Simpleng Mamuhay


Submit a Comment



Filed Under: Finance Tagged With: Arrogance, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Motivational Corporate Speaker, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2022 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.