Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Ang Tunay Na Mayaman Ay Simpleng Mamuhay

September 26, 2016 By chinkeetan

Sinong bilyonaryo ang:

  • Walang cellphone?
  • Walang computer o laptop sa bahay?
  • Prefers softdrinks over any other expensive drinks?
  • Celebrated his marriage in an ordinary restaurant?
  • Still lives in the same house since 1958?

Siya ay walang iba kundi si Warren Buffett, who has a net worth of 65 billion US dollars.

Some of you might say: “Grabe naman ‘to. OA!”

But, that’s the truth.

Bakit ‘yung mga kapos, sila pa ‘yung maraming bagong damit, sapatos, at panay ang travel?

Samantala, ‘yung mga talagang nakakaangat sa buhay, sila pa itong hindi mo makikitaan o mahahalatang mayaman sa sobrang kasimplehan?

Maaring exposed na tayo ngayon sa magagarang gamit at magarbong lifestyle, pero meron pa rin mga taong katulad ni Buffett na naniniwalang ang tunay na mayaman ay SIMPLENG MAMUHAY.

Para kasi sa kanila, hindi naman ito kailangang ipakita sa iba sa pamamagitan ng pagbili ng kung anu-ano just to prove na malayo na ang narating nila sa buhay.

Ano ba ang sekreto ni Warren Buffett na pwede nating i-apply para makapamuhay ng simple? From his own words, sabi niya:

HAPPINESS IS FROM WITHIN.

Akala natin, ang kasiyahan at self-fulfillment ay makakamit lamang kapag meron na tayong something to brag about.

“Ang saya ko kasi may bago akong bag!”
“Ako na ang pinakamaswerte sa lahat. Nabili ko na ang gusto kong condo unit!”

Pero kapag ito’y naluma na…
Kapag may bago nang lumabas na model…

Masaya pa ba tayo? Ang ibig kong sabihin, these can only make us happy for a short span lang. Ang lahat ng iyan ay temporary lang.

Ang tunay na kaligayahan ay nasa sarili, in a way that we choose to be happy kahit wala tayong mga ganyan. At kahit ano pa ang mapagdaanan natin, we will still remain happy – no matter what.

FIND HAPPINESS IN SIMPLE PLEASURES.

Simple pleasures ay mga bagay sa paligid natin na pwede nating i-appreciate at ipagpasalamat. Nakakalimutan na kasi nating gawin ito because we are so preoccupied and focused on material things.

Mas maganda siguro kung matututo tayong sabihin na:

“Masaya ako kasi”

  • May trabaho ako.
  • May pamilya ako.
  • May pinagkakakitaan ako.
  • Walang may sakit sa amin.
  • Nagising ako today para magkaroon ng chance to be better.

We need to see the beauty of these things. Ito lang naman ang mahalaga sa buhay natin, eh. Cherish it.

LIVE A SIMPLE LIFE.

We mostly buy things that doesn’t bring us lasting happiness. Instead, it creates more stress and even uses energy that is meant for other important things.

What do I mean?

  • Bibili ng mamahaling bag: dapat hindi mabasa, madumihan, maalikabukan, at hindi pwedeng gamitin sa matataong lugar.
  • Bibili ng kotse: dapat hindi exposed sa araw, bawal magasgasan, araw-araw lilinisin, at dapat makabayad ka ng P10,000 amortization for 5 years.

Nadagdagan lang ‘yung iisipin at iintindin natin.

If we learn to live a simple life…
If we don’t buy things that will only bring temporary happiness…
If we don’t rely on it too much…

…malaki ang igiginhawa at igagaan ng buhay natin. Sabi nga, ‘LESS IS MORE’ – more time for the things that really matter tulad ng pag-iipon, pag-iinvest, and becoming financially-prepared.

THINK SIMPLY.

You know who the best inspiration is? ‘Yung mga kapus-palad. Magkaroon lang sila ng pagkain sa mesa na kasama ang pamilya, abot-langit na ang pasasalamat at kasiyahan nila. Dapat ganoon din tayo. If we think simply, the rest will follow. Hindi na tayo maghahangad for more than what we already have.

Learn how to be contented. Okay na ‘yung nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, may bahay na inuuwian, may damit at sapatos na nasusuot.

THINK. REFLECT. APPLY.

Ano sa tingin mo ang makakapagpasaya sa iyo?
Kailangan mo bang gumastos para makamit ito?
How can you live simply?

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

Did this article help? You can also check on these other related posts:

  • BENTA NOW, MAYAMAN LATER
  • HARD WORK NOW, MAYAMAN LATER
  • Ang Tunay Na Mayaman Ay Galante


Submit a Comment



Filed Under: Finance Tagged With: bakit, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Lifestyle, Motivational Corporate Speaker, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.