Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Masama Bang Magpautang?

September 8, 2016 By chinkeetan

Madalas ka bang magpahiram ng pera?
Baka kaya feeling tuloy ng iba, loaded ka?

Aminin natin, ang babait nila tuwing mangungutang.
Pero kabaliktaran kapag oras nang maningil.

Most of the time, maraming nadadala at hindi na nagpapautang ulit dahil nakaka-stress maningil.

Ubos na ang buhok mo at pudpud na ang ngipin mo, ‘di pa rin nakakabayad ang pinautang mo.

“Chinkee, masama bang magpautang?”

Kung masama o mabuti ang pagpapautang ay depende na lamang sa taong nagpapahiram. May iba na ayaw magpautang at nagbibigay na lamang. May iba rin naman na suki at laging inuutangan.

PARA SA MGA MAGPAPAUTANG

May risk ang gagawin mo. Ihanda ang sarili sa possibility na baka hindi ka mabayaran. Kung hindi mo tanggap ang risk, baka ma-disappoint ka lang sa huli.
Pag-aralan at pag-isipan ng mabuti bago magpautang.
Huwag magpapadala sa emotions at huwag padalos-dalos sa pag-decide.
Huwag rin bumigay sa pressure, hirit, o sulsol. Take your time sa pag-iisip.

PARA SA MGA MANGUNGUTANG

Kung ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa iba. Honor your word. Sumunod at tumupad sa mapapagkasunduan.
Paraan ito para hindi masira ang relasyon sa hihiraman.
Magbayad ng tama at sa takdang oras.
Huwag magtago sa hiniraman at lalong, huwag patay-mali. Maging magpakumbaba at huwag maging arogante kapag sinisingil na.

Hindi masamang magpautang kung..

  • Hindi masisira ang relationship nyo ng pinautang mo.
  • Meron kang extra at hindi masisira ang budget mo.
  • Hindi mamimihasa ang pinautang mo.
  • Maluwag ito sa kalooban mo.
  • Alam ito ng asawa mo at napagkasunduan ninyo ito.
  • Maganda ang motibo mo.
  • Ilalagay ito sa kasulatan. Dapat malinaw kung kailan sila magbabayad at ilagay ang pinagkasunduan na interest kung meron man.

It’s a sad reality that many relationships have been damaged and broken because of money. We don’t want this to happen because it’s simply not worth it.

THINK. REFLECT. APPLY.

Ugali mo bang magpautang?
Ano ang nagiging basehan mo sa pagpapautang?
Meron ka bang bad experience sa pagpapautang?

====================================================================

Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?

Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,

https://chinkshop.com/

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

Did this article help? Here are some other related posts:

  • HUWAG UTANG NOW, DEADMA LATER
  • Pagpapautang Now, Pulubi Later
  • SOBRANG MATULUNGIN NOW, PULUBI LATER


Submit a Comment



Filed Under: Finance Tagged With: Corporate Speaker, Corporate Trainer, Debt, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Motivational Corporate Speaker, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.