Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Denial King And Queen

August 25, 2016 By chinkeetan

Hindi na ako nasasaktan, naka-move on na ako.
Hindi ako naiinggit sa kanya, insecure lang siya.
Hindi ako ang nagsabi ‘nun, kundi siya.
Hindi na ako galit sa kanya, ayaw ko lang siyang makita.
Napatawad ko na siya, pero di ko makakalimutan ang ginawa niya.

Kung ito ang nararamdaman mo, isa lang ang ibig sabihin nito: hindi ka pa nakaka-move on. Kung merong King and Queen of Hearts, Siomai King and Queen, meron ding Denial King and Queen. Sila ‘yung mga hindi honest sa totoo nilang nararamdaman. Iba ang sinasabi ng bibig nila sa laman ng puso at isipan nila.

Ito ang mga sample ng iba’t-ibang klaseng pagde-deny:

“Kumain ka na ba? Tara dito, kain tayo.”
“Ay, okay lang, busog pa ako.”
(Pero deep inside, mamamatay na sa gutom at putlang-putla na ang mga labi.)

“Mahal mo pa ba siya?”
“Hindi noh! Over my dead body!”
(Pero ‘pag mag-isa nalang siya, walang tigil ang pag-agos ng luha dahil mahal na mahal pa rin niya talaga ang tao.)

“Tulungan na kita, baka mahirapan ka diyan.”
“I don’t need help, kaya ko na ito mag-isa.”
(Pero sa totoo lang, hindi na siya magkandaugaga sa pagbuhat ng malaking box.)

“Maganda ba ang boses ko?”
“Oo naman! Ang galing mo ngang kumanta eh!”
(Pero deep inside, alam mong hindi naman.)

‘Yan at marami pang ibang paraan ng pagde-deny. Bakit kaya nakasanayan na ang ganitong habits? Alam niyo ba na merong hindi magandang effects at consequences ito?

Ano ang mga iyon? Ito ang iilan:

NAKAKAHIYA HUMINGI NG TULONG.

Ayaw natin humingi ng tulong minsan kasi feeling natin, tayo ay nakakaabala. Since hindi tayo honest that we need help, people will also not bother to offer help. We cannot expect na malalaman nila agad ang kailangan natin sa isang tingin lang na parang isang manghuhula.

Another is…

FEELING MO, WALANG TUTULONG SA IYO.

‘Pag humingi tayo ng tulong, ang tanong: tutulungan ba nila tayo?
Minsan, ayaw natin mang-abala o makaperwisyo sa ibang tao.
“Makakaistorbo pa ako.”
“Ayokong maging pabigat sa iba.”

Sa totoo lang, hindi naman ito dahil sa hiya.
Minsan, ayaw lang natin lumapit dahil meron tayong PRIDE.

“Tama o sobrang tama?”

Everybody needs somebody.
We need to swallow our pride and admit that we need help.
Kapag panay ang deny mo, hindi mamamalayan…nauubos na ang mga taong concerned sayo at mag-isa ka nalang.

FEELING MO, WALANG MANINIWALA SA IYO.

Bakit? Hindi ka ba nagsasabi ng totoo? Kung nagsasabi ka naman ng totoo, wala kang dapat ikahiya at wala kang dapat itago. Mahirap magtago, magpanggap, at magtakip ng magtakip. Marami naman gustong tumulong, pero paano ka nila matutulungan kung hindi ka nagsasabi ng totoo?

Minsan naman, dahil may reputasyon ka na hindi nagsasabi ng totoo, ito ang mararamdaman mo.
Kapag hindi ka honest, wala talagang maniniwala sa iyo.
Mahirap magtiwala sa taong hindi totoo ang mga sinasabi at nararamdaman. Ayaw nating magtiwala sa mga pakitang-tao lamang. We want to trust people who are true and trustworthy.

If you keep on denying, you can be sure that there are serious consequences. Hindi mo mamamalayan, unti-unti ka nang sinisira nito. Kaya, mga kapatid…never hide your feelings, never live in denial.

THINK. REFLECT. APPLY.

Denial King or Queen ka ba?
Anong mga bagay ang madalas mong i-deny?
Why do you deny those things?

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

Did this article help? Here are some other related posts:

  • WHAT ABOUT PRIDE?
  • Are You Lying To Yourself?
  • Consequences of Dishonesty


Submit a Comment



Filed Under: Personal Development Tagged With: bakit, Consequences, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, galit, Habits, Honesty, Motivational Corporate Speaker, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines, Move-on

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.