Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Pasalubong Now, Pulubi Later

August 11, 2016 By chinkeetan

Are you an OFW? Ikaw ba ‘yung tipong hindi pwedeng umuwi sa Pilipinas na walang dalang tsokolate, laruan, sabon, lotion, home theater, at kung anu-ano pa?

Tuwing nagbabakasyon ka, kailangan may uwi kang keychain, refrigerator magnet, at iba’t-ibang klase ng souvenir para sa pamilya mo, kamag-anak, ka-opisina, boss, o mga kasama sa bahay?

Wala ka na ngang kapera-pera, pero nakukuha mo pang dumaan sa mall araw-araw para lang may may pasalubong sa kanila?

Natural sa ating mga Pinoy ang pagiging mapagbigay at maalalahanin, kaya kada alis natin, hindi mawawala ang BITBIT na regalo o pasalubong.

Kadalasan pa nga, hindi pa tayo nakakaalis, naghahabilin na ang iba.
Nandiyan ‘yung:

“Pasalubong ko, ah?”
“Size 9 ako. Regalo mo nalang sa akin.”

Okay lang sanang magbigay kung ito’y nabayaran na ng buo at hindi inutang. O ‘di kaya’y napaglaanan ito ng budget o allowance.

Pero minsan, nalulubog na tayo sa utang para lang may maiuwi at matupad ang ipinangako.

Bakit ba kasi may mga taong pressured magdala ng pasalubong?

PA-IMPRESS

“Uyyyyy, galing ka doon? Yaman!”
“Mahal nito, ah! Salamat!”
“Grabe, ibang-iba ka na talaga ngayon!”

Nakasanayan na ang pagbibigay, sometimes out of thoughtfulness, but also sometimes because people want to be noticed, or they want others to know the destination they travelled to, or what they can afford to buy.

Question is, do they really need this? I don’t think so.

Keep in mind na may regalo ka man o wala, presence is more important than gifts. Presence should be more than enough for the people who care for us and love us.

PAKITANG-TAO

Para lang masabi na mabait at isipin ng iba na sila ay galante at mayaman?
Walang problema kung ito ay totoo. Pero kung ang dami na nating utang o kung hinuhulugan na ito dahil pinambili ng mga pasalubong at regalo ang pera, ibang usapan na ito.

MAGYABANG

“Grabe! Ang dami mo namang pasalubong!”
“Wala yan, noh. Sige, pili na kayo diyan.”

“Wow! Mahal siguro ng TV na iuuwi mo sa kanila.”
“Hindi naman. Mura lang ‘yan!”

“Uy, you don’t have to do this. Ano ka ba? ‘Kaw talaga!”
“Well, ganito talaga ‘pag malaki na sweldo. Masanay na kayo.”

Grabe, sa mga ganitong sagot, feeling ko tatangayin na ako sa sobrang hangin! Woohh! Ang lakas, signal #3!

Ang kadalasan nating naririnig na “huwag magyayabang kung wala namang ipagyayabang”? This actually rings true.

Here’s a reminder sa mga taong feeling pressured bumili ng mga pasalubong.

Learn to admit kung ano lang ang kaya mo. Kung meron, thank you.
Kung wala, mas dapat tayong magpasalamat dahil wala tayong pinagkakautangan.

Hindi rin naman sa regalo nasusukat ang pagiging thoughtful ng isang tao. Simpleng kamustahan, text, tawag, o spending quality time with them – sapat na ‘yun.

Kung walang pera, kung nagigipit, o may iba pang financial obligations na dapat pagtuunan ng pansin, manahimik na lang because we don’t really need to broadcast anything just to prove something sa ibang tao – especially just to impress the people you do not like and give gifts to people you don’t even genuinely like.

THINK. REFLECT. APPLY.

Lagi ka bang nagbibigay ng pasalubong sa kanila? Bakit?
Ito ba’y nabayaran ng buo o hinuhulugan mo pa rin hanggang ngayon?
How can we show thoughtfulness and generosity na hindi masyadong gumagastos?

===================================================================

Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?

Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,

https://chinkshop.com/

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

Here are some more related posts:

  • PASALUBONG NOW, PULUBI LATER
  • SOBRANG MATULUNGIN NOW, PULUBI LATER
  • Impulse Buying Now, Pulubi Later


Submit a Comment



Filed Under: Finance Tagged With: bakit, Bakit ba, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Money, Motivational Corporate Speaker, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.