Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Mahirap Makasama Si Hudas

June 19, 2016 By chinkeetan

Mabait kapag kaharap mo, pero kapag nakatalikod ka na, sinisiraan ka.
Parang maamong tupa sa liwanag, pero mabangis na tigre sa dilim.
Iba ang pakikitungo sa’yo kapag may pera ka at iba rin kapag wala na.

Kung naranasan mo nang ma-traydor ng ibang tao, hindi ka nag-iisa.

Kahit si Hesus, nahalikan din sa pisngi ni Hudas.

Nakakalungkot man sabihin, pero maraming ganitong klaseng tao sa paligid natin. Ang masaklap pa, most of the time, sila pa ‘yung mga malalapit sa atin. Sila ‘yung mga mahal natin sa buhay – kamag-anak, malapit na kaibigan, etc.

Mahirap makasama ang mga ganitong tao.

Kung sakaling meron ganitong klaseng tao sa buhay mo, anong magandang gawin sa kanila?

UMIWAS

These people are not worth our tears and energy.
Kung iisipin natin ang lahat ng kinikilos at sinasabi nila against us, masasayang lang ang oras at lakas natin. Let’s focus on the things that are more valuable. Huwag nalang tayong pumatol and don’t entertain these kind of people.

MAG-INGAT

Minsan, mahirap umiwas dahil wala tayong choice. Bakit? Kasi, kasama natin sila sa bahay, sa trabaho, sa eskwelahan, etc. Kapag hindi pa applicable ang pag-iwas, mag-ingat na lamang tayo. Huwag tayo magtiwala kaagad-agad sa kanila at higit sa lahat, let’s be mindful sa mga ikinikilos at sinasabi natin kapag kasama natin sila.

IPANALANGIN SILA

Totoong hindi natin kayang baguhin ang kahit sinong tao dahil tanging ang Diyos lamang ang makakapagpabago sa kanila. ‘Ika nga, ‘walang matigas na tinapay sa mainit na kape’. Kahit gaano pa katigas ang puso ng isang tao o kahit gaano pa kasama ang budhi nito, kayang-kaya itong baguhin ng Diyos. Walang imposible sa Kanya at wala Siyang hindi kayang gawin. Kaya, ipanalangin na lamang natin sila at ipagpasa-Diyos dahil tanging Siya lamang ang may kakayanan. Ang Diyos na rin ang bahalang humusga sa kanila at gumanti para sa atin.

THINK. REFLECT. APPLY.

May kakilala ka bang traydor?
How do you deal with them?
Have you tried praying for them?

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

Did this article help? You can also check on these related posts:

  • Bakit May Tuso Sa Bawat Pamilya?
  • HOW TO PROTECT YOURSELF FROM TOXIC PEOPLE
  • Life’s Not Fair!


Submit a Comment



Filed Under: Personal Development Tagged With: bakit, Betrayal, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Focus, Free Business Seminars Philippines 2017, Motivational Corporate Speaker, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.