Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Are You A Generous Giver?

June 7, 2016 By chinkeetan

Bakit napakadaling tumanggap, pero napakahirap magbigay?
Napakadaling magbigay kapag marami ka, pero napakahirap kapag kapos ka na.

If you are a giver, I want to congratulate you. But let us check our motives kung bakit tayo nagbibigay…

NAPIPILITAN LANG

May mga nagbibigay nga, ngunit labag naman sa kalooban at napipilitan. Kapag hindi bukal sa puso mo ang pagbibigay, mas mainam pa na huwag ka na lang magbigay.

PARA MAGPA-IMPRESS

Meron namang iilan na kapag nagbibigay, ina-announce pa sa buong sambayanan. Gusto kasi makatanggap ng papuri at parangal. Kapag ganito rin lang naman, huwag ka nalang magbigay.

KAPAG MAY TIRA O SOBRA

Mayroon ding nagbibigay ng mga tira-tira–mga bagay na walang halaga sa kanila. Nagbibigay sila ng walang kalakip na sakripisyo. Kung ganito rin lang naman, huwag ka na lang magbigay.

Ngunit may mga nagbibigay naman, kahit kapos at may pangangailangan…

Nagbibigay ng hindi ipinapangalandakan sa iba…

Nagbibigay ng lahat-lahat nila, sukdulang maubusan pa sila…

Alin ka diyan sa mga nabanggit?

Hindi ba’t mas masarap magbigay kaysa tumanggap? May dulot itong kakaibang ligaya na hindi kayang pantayan ng kahit na anong regalo. When love is our motivation for giving, the Lord blesses it. Kaya naman magugulat tayo na the more we give, the more we receive.

Huwag maging sakim at maging madamot. Ayaw natin na pinagkakaitan tayo ng iba, kaya huwag din nating gawin ito. Always look for opportunities to give and share our blessings. Sa totoo lang, lahat ng meron tayo ngayon–pera, talento, oras, lakas, buhay, at lahat-lahat ng meron tayo–ay hindi naman sa atin, kundi ipinagkatiwala lamang ng Diyos. Kaya naman wala tayong karapatan na ipagdamot at angkinin ang mga ito. Let us allow ourselves to be His channel of blessings.

When you give, you are making a difference.
When you give, you are inspiring people.
When you give, you are testifying that there is a God.
When you give, you are a good steward.
When you give, you are changing lives.
When you give, you are allowing God to use you.
When you give, you will receive more.

Give and it will surely come back to you! Siksik, liglig, at umaapaw! Because when we give, we give to the Lord!

THINK. REFLECT. APPLY.

Mag-isip ng mga taong nangangailangan ng pagbibigay mo ngayon.
Think of ways on how you can help them in any way.
What stops you from giving?

 

 

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

 

Are you excited to share your blessings? You can find more of how to be generous in these related articles:

  • Kaya Pa Ba ng Taong Magbago?
  • ANG MGA TAONG MAPAGBIGAY AY PINAGPAPALA
  • Paano Mo Malalaman Kung Ikaw Ay Tunay Na Galante?


Submit a Comment



Filed Under: Personal Development Tagged With: bakit, Corporate Speaker, Corporate Trainer, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Generosity, Motivational Corporate Speaker, Motivational Corporate Trainer, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines, opportunities

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.