Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Ano Ba Ang Iniisip Mo?

March 27, 2016 By chinkeetan

Have you ever felt the need to question your spouse’s state of mind because of the mistakes he or she did in the past?
Gusto mo ba siyang komprontahin sa mga sablay na desisyon na nagawa niya?
Di mo na ba mapigilan ang sarili mo and you’re on the verge of unconsciously kicking your spouse’s ego?

We know everyone make mistakes.
No one is perfect.

If we already know this at the first place, how come we can be so unforgiving if our spouse makes mistakes?

Masyado mataas yung standard natin at ine-expect natin sa ating asawa. Nagiinit ang ating mga ulo kapag sila ay nagkakamali. Natural na sa atin na makita ang mali ng ating kapwa maging ng ating asawa, pero hindi naman natin napupuna yung ating pagkakamali. Tila bulag tayo sa ating sariling pagkukulang o pagkakamali.

Ang ibig mo bang sabihin ay hayaan na lang natin yung pagkakamali?

Hindi ko naman sasabihin na dapat magpawalang bahala ka, hindi rin naman ito tama.

“E Chinkee, ano ang dapat gawin kung wala na nagawang tama ang asawa ko?”

I have two things to share na pwede mong gawin kung yan ang sitwasyon na kinakaharap mo.

Una,

CORRECT YOUR SPOUSE IN A LOVING MANNER

Tatayming ka, huwag mong siyang kausapin kung naiinis ka o galit.
Kahit maganda ang gusto mong sabihin, may mali ka parin masasabi.

Once na lumamig na ang ulo mo, daanin mo sa lambing, hindi sa inis at galit.

You can say something like this…

“Mahal, pwede ba magbigay ng personal observation, napapansin ko lang lately na masyado ka na nagpupuyat at hindi maganda yan sa iyong kalusugan, maaga ka pa bukas, baka kailangan mo na ipahinga yan.”

Instead of saying, “Matulog ka na! Kung magkasakit ka, ako na naman ang mahihirapan at gagastos na naman tayo!”

Kung mahilig naman maglaro ng computer yung asawa mo…

“Mahal ok lang na mag-laro ka ng computer, alam ko ng kailangan mo rin ng “me” time. Ok lang ba? Kung unahin muna natin ang ating prayer time with the family para makatulog na rin ang mga bata?”

Instead of saying, “Ano ba ang priority mo, computer games mo o pamilya mo?”

So in other words, be careful, be gracious and be wise in expressing your feeling and sentiments toward your spouse.

OK lang naman na pansinin ang pagkakamali ng iyong asawa, ngunit dapat maging maingat kung paano ito sasabihin. Kaya nga may kasabihan, “it is not what you say but how you say it”.

Address the problem but also be careful how you address it. Huwag kang harsh sa asawa mo kung kakausapin mo siya tungkol sa problema niya. Huwag mo siyang sisigawan. Huwag mo siyang kakausapin in a way na pinapa-feel mo sa kanya that he or she is worthless. Approach your spouse in a manner na nararamdaman niya na mahalaga siya sayo, na mahal mo siya kaya mo siya itinatama sa kanyang pagkakamali.

Pangalawa,

CORRECT YOUR SPOUSE PRIVATELY

May mga pagkakataon na di natin mapigilan ang ating mga sarili so we tend to discipline our spouse even in public. That is a big no-no. Never correct or “discipline” your spouse in front of anyone, kahit pa na super sablay ang kanyang nagawa o nasabi. Kung gawin mo kasi yun in front of other people ay para mo siyang dini-disrespect. Your spouse is not a child that you should discipline with an audience. Even children needs to be disciplined privately (but that’s another topic to discuss) so why do it to your spouse?

Kahit anong mangyari, LOVE,RESPECT & HONOR one another.
Walang bastusan!

THINK. REFLECT. APPLY.

Respect for your spouse should be intact kahit na may sablay na nagawa ang asawa mo. Your spouse’s mistakes does not give you the license to judge him/her.
Besides, we are all human–we all make mistakes.

 

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

 

Did you enjoy this article? You can also check these other related posts on honoring your spouse:

  • DEALING WITH UNSUPPORTIVE SPOUSE
  • Honor And Respect Your Spouse
  • HOW TO DEAL WITH AN ABUSIVE SPOUSE (PHYSICAL OR VERBAL)?


Submit a Comment



Filed Under: Leadership Tagged With: Corporate Speaker, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, galit, love and respect, mindset, Motivational Corporate Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.