Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Confessions Of A Negative Person

March 9, 2016 By chinkeetan

Paano na kung malugi?
Paano na kung mag-fail?
Paano na kung walang mangyari?

Bakit ba ang parating naiisip ko ay negative?
Bakit napaka hirap mag-isip ng positive?

Nauumay ka na ba sa mga taong negative?
Nagsasawa ka na ba sa walang katapusan nilang rants?
Negative thoughts dito, negative thoughts doon.
Reklamo dito, reklamo doon.

Para bang gusto mo na silang sigawan at alugin! Gusto mo silang magising sa katotohanan na hindi puro negatibo ang nasa mundo.
At gusto mong malaman nila na may kakayahan silang baguhin ang kanilang mindset.

Alam na nilang negative sila pero di nila magawang iwasan ang karagatan ng negatibong pag-iisip.

At bakit nga ba may mga negative people?

ENVIRONMENT

Napakalaking factor ang environment ng isang tao sa kung ano ang magiging outlook niya sa buhay. Kung noong bata pa lang ang isang tao ay puro “no!”, “hindi pwede!” at “huwag!” ang naririnig niya, then most likely ay magkakaroon siya ng negatibong pananaw sa buhay. Hindi kasi siya magkakaroon ng confidence to embrace life dahil as a child ay masyado siyang limitado.

PEOPLE THAT SURROUND YOU

Isa rin sa nakakaapekto sa outlook mo ay ang mga taong nakakasama mo. Kung madalas silang magreklamo, malamang maging reklamador ka rin; kung madalas silang magalit at ikaw ay nasasaktan, malamang magiging magagalitin ka na rin; kung sila naman ay palamura, malamang magiging palamura ka na rin. In other words, NAKAKAHAWA sila! Make sure kung pipili ka lang ng mga kasama, piliin mo na yung mga taong makakaimpluwensiya sa iyo ng tama.

MEDIA

Kung manonood ka ng balita o magbabasa ng dyaryo or trending topics, ano ang kadalasan na makikita? Pinatay na dalaga. Kurakot na opisyal. Ninakawan na matanda. Nasunog na bahay. Puro negative. While it is okay to be updated, people need to be conscious what they feed their minds often.

Basically, these are the factors kung bakit may mga taong negative. Naguumpisa kasi externally yun and once na ma-penetrate na nung mga negative na nanggagaling sa mga factors na yun ang isipan ng isang tao, that’s where the real problem begins. It takes total grace from God para malabanan natin ang negatibong pag-iisip. We need to decide to stop being negative and start being positive. And hindi madali iyon. Yes, we can decide at this very instant na magiging positive na tayo. Pero we need His grace para ma-fulfill natin ang decision na yun.

THINK. REFLECT. REPLY.

Ikaw, ano sa palagay mo ang nakaka-effect sa iyo sa pag-isip na negative? Ano ang plano mong gawin?

 

 

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

Did you enjoy this article? You can also check on these related articles:

  • Negative, Agad-Agad?
  • Bakit May Mga Taong Negative?
  • HOW TO DEAL WITH ‘NEGA’ PEOPLE


Submit a Comment



Filed Under: Personal Development Tagged With: bakit, Bakit ba, Corporate Speaker, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Motivational Corporate Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines, negative, Negativity, positive

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.