Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Why Is There So Much Greed In This World?

March 3, 2016 By chinkeetan

May mga kakilala ba kayong mga taong gusto sila lang ang sikat, sila lang ang giginhawa, o sila lang ang uunlad? Lahat ng bagay, atensyon, status, respeto, o acknowledgement ay gusto nila makamit. Walang ititira sa iba, dapat sa kanila lang.

Greed ang tawag diyan. Greed is defined as the desire to get or have MORE than what you need– sayo lang, walang kahati. Kaya kahit maka agrabyado ka na o makasakit ng iba, hindi mo na ito nabibigyan ng halaga dahil masyado ka nakatutok sa sarili mong pangangailangan.

Bakit nga ba may mga taong greedy?

PAST EXPERIENCES

Maaring may mga naging karansan tayo noon na naramdaman nating tayo ay pinagdamutan at some point. This may include money, opportunities, o pagmamahal na tumatak na sa ating isipan.

Kapag hindi ka naka get over dito, ‘di malayong gumanti ka in your own ways, hindi man dun sa taong nagdamot sayo, pero dun sa taong nakakahalubilo mo ngayon. HIndi mo namamalayan na nagagawa mo na sa iba kung ano ang ginawa sa iyo noon.

COMPETITION

There are times when we feel that life is a competition, and in order to satisfy what we want, uungusan natin yung iba.

Ito yung mga pagkakataong:

  • Kukunin mo ang credit para ma-promote ka
  • Mamahalan mo ang benta mo para mas kumita ka kaysa dun sa isa
  • Kakainin mo na lahat ng laman sa ref dahil feeling mo baka maubusan ka
  • Bibilhin mo na kaagad yung uso para lumabas na ginaya ka kapag bumili din sila

FEAR

Takot na baka wala kang pinanghahawakan.
Takot na ikaw ay maubusan.
Takot na ikaw ang malamangan.

Ang masama lang dito, dahil sa takot mo, there’s a tendency na ma-obsess ka dun sa idea kaya lagi kang parang nakikipag unahan at nagho-hoard. Para kasi sayo parating kulang maski sobra-sobra na.

DEFENSE MECHANISM

At dahil meron ka ngang takot na mawalan o maunahan, dito na pumapasok yung survival instinct.

Ano ba yung examples of defense mechanism ng isang greedy person?

  • Kapag hindi mo nakuha ang gusto mo, hahanapan mo kaagad ng substitute right then and there;
  • You prevent others from having it, tulad ng promotion, salary increase, attention, power, or fame;
  • Criticizing or insulting something that you want para makuha mo ito ng libre or madalian

PAGTAKPAN ANG TUNAY NA INTENSYON

Ito yung mga taong gagawing dahilan ang pagiging madamot o pagiging obsess sa gusto nila para makuha ang atensyon o loob ng iba, o para umani ng puri.

Halimbawa:
“Uy ang yaman naman niya, dalawa ang binili na phone”

“Okay lang pala na sinumbong niya yung officemate natin, at least naging honest siya, siya tuloy na-promote”

THINK. REFLECT. REPLY.

Anong mga bagay ba ang ipinagdadamot mo?
Anong dahilan bakit mo ito isinasarili?
Paano mo mapa-practice ang sharing?

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

Did you have fun with this article? You can also check on these related posts:

  • Greed Versus Contentment
  • HUWAG MAGING GREEDY!
  • MAHIRAP KASAMA ANG MGA SELFISH


Submit a Comment



Filed Under: Personal Development Tagged With: bakit, Corporate Speaker, defense mechanism, Famous Speaker in the Philippines, Fear, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, Greed, Motivational Corporate Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines, opportunities

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.