Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Do You Have The Habit Of Procrastinating?

February 19, 2016 By chinkeetan

Naranasan niyo na ba mag-procrastinate? Procrastinate? Ano yun?

Ito yung pag iwas sa mga bagay na dapat mong gawin by using delaying tactics like excuses, and finding ways para makatakas ka sa isang responsibilidad. Yun bang mas inuuna mo ang mga bagay na GUSTO MONG GAWIN kaysa sa mga bagay na tingin mong DAPAT MONG GAWIN.

Halimbawa:
“Wait check muna ako ng facebook.”
“Mamaya ko na gagawin yung trabaho, mahaba pa naman ng oras.”
“Sabi niya tutulungan niya ako, hindi naman pala. Hindi ko tuloy natapos yung dapat kong gawin.”
“Hala, naku, sandali, ngayon pala yan di ko alam.”

Ang mga taong mahilig mag delay ay isang “Russian” kung tawagin dahil laging “Rush-yan, Rush-yan, paki bilis” ang senaryo. Lagi ka nalang kasi minamadali o nagmamadali sa huli dahil hindi mo ginagawa kaagad ang isang task kaya ka napapag iwanan.

Alam niyo, mahirap makasanayan ang ganitong habit because not only are you missing out on more opportunities dahil sa bagal mo, pero pinapahirapan mo din ang sarili mo due to stress tulad ng:

  • Emotional stress– dahil lagi ka na lang pressured at kinakabahan
  • Mental stress– dahil lagi ka nagiisip kung papaano mo tatapusin yung mga bagay na dapat natapos mo na noon pa
  • Professional related stress– dahil anytime pwede ka mapagalitan ng boss mo or worst, tanggalin ka sa trabaho

Paano mo ba malalaman na ikaw ay isang procrastinator? O kung may nakakasama kang ganito?

HABIT OF AVOIDANCE

Ito yung pag talikod o pagiging patay-malisya sa mga dapat mong harapin at the moment dahil sa iba’t ibang dahilan. Minsan hindi mo pa ito trip gawin, wala ka sa mood, ayaw mo pahabain ang isang issue, takot kang hindi matapos ito, or tinatamad ka.

Example:
Student na hindi nagrereview kahit bukas na ang exam
Parent na ayaw i-confront ang kanyang anak kahit may maling ginagawa, or
Ayaw kausapin ang asawa kahit may kailangan silang iresolba na issue

DENIAL

Ito yung habit na alam mo namang may kailangan kang gawin pero pinapaniwala mo ang sarili mo na “hindi pa naman” ito masyadong urgent. Ginagamit mo din ang thinking na ito para magkaroon ka ng excuse at para ma-justify mo ang current behavior mo. Baka pwede ka na bigyan ng award na Denial King.

Halimbawa na lang sa trabaho, you always check on your facebook at sinasabing “I need a break, 10 minutes”.

Walang problema dun, pero kapag itong excuse na ito ay ginamit mo sa maling paraan at maling timing, maaring maabuso mo ito hanggang sa dumating sa point na ang 10 minutes ay umabot ng 30 minutes, at ang 30 minutes ay umabot sa isang oras.

Ang ending, wala ka nang natapos.

BLAMING OTHERS

“Eh kasi siya hindi ako tinulungan”
“Eh kasi siya hindi man lang ako sinuportahan”
“Eh kasi sila wala man lang initiative”

“Kasi siya, kasi siya”

Eh ikaw, ano ang mga nagawa at na contribute mo na? May natapos ka na ba o umaasa ka lang sa iba bago ka kumilos?

Hindi dapat natin ginagawang dahilan ang iba before we move dahil kung ganun na rin lang, tiyak na wala kang matatapos.

Kung may mga bagay ka na kailangan gawin, matuto kang dumiskarte na matapos ito nandyan man ang iba o wala dahil kung talagang gusto mo na may ma-accomplish ka sa araw araw, gagawa ka ng paraan. Use your time to do something productive rather than wasting it on blaming others.

THINK. REFLECT. REPLY.

Ano ano ang mga bagay na tinatakasan mo?

Bakit mo ito dine-delay?

Willing ka bang baguhin itong habit na ito para maging mas productive ka?

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

Did this article help? You can also check on these related articles on procrastination:

  • DO YOU PROCRASTINATE?
  • BAKIT HINDI KA MAKAPAG UMPISA?
  • Mahirap Maging Tamad


Submit a Comment



Filed Under: Leadership Tagged With: Corporate Speaker, Denial king, emotional stress, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Free Business Seminars Philippines 2017, habit, Motivational Corporate Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines, Procrastination

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.