Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Why Should We Forgive 70 x 7 Times?

December 11, 2015 By chinkeetan

“What!!! Ako na nga ang na-offend, ako pa ang magpapatawad?”
Yes, Jesus gave this command to His disciple, Peter, and also to all who who follow and love Him.

“Then Peter came and said to Him, ‘Lord, how often shall my brother sin against me and I forgive him? Up to seven times?’ Jesus said to him, ‘I do not say to you, up to seven times, but up to seventy times seven.'” — Matthew 18:21-22
Siguro ang pinakamahirap na math problem sa buong daigdig ay ang 70 x 7. Bakit?
Because we are asked to actually forgive yung mga taong nanakit sa atin ng 490 times! Wow!“Chinkee yung magpatawad nga lang ng isang beses o kahit ng tatlong beses ang hirap-hirap na eh, 70 x 7 pa kaya? Baka naman mamihasa sya kapag lagi kong siyang patatawarin?”

Yan siguro ang mga linyang tumatakbo sa isip mo ngayon. Paano ba magpatawad?
Ang magpatawad ay isa sa pinakamahirap na pwedeng gawin ng kahit sino man. Napakahirap patawarin ang mga taong nanakit sa atin, lalo na kung ilang beses na itong nauulit at parang hindi naman nagsisisi.

Gusto niyo bang malaman kung bakit iniuutos sa atin ito ng Diyos?

Kung gusto natin maunawaan kung ano ba ang tunay na kahulugan nito, we need to learn how to read it not by the letter of the law, but through the spirit of the law.

NOT FOR THE OFFENDER’S SAKE
Ang magpatawad ay hindi iniuutos sa atin ng Diyos para tayo ay maabuso, mapagsamantalahan at maging martyr. Hindi niya sinasangayunan ang naka-offend sa atin na tama lang na saktan tayo, at tayo naman ay magpatawad. The act of forgiving is not for the benefit of the offender or yung nakasakit sa atin.

FOR THE OFFENDED SAKE
On the other hand, God’s command to forgive is for the benefit of the person na na-offend. Ito ay inutos sa atin ng Diyos para sa ating kapakanan. Paano?

Kailangan natin matutong magpatawad para tayo ay MA-RELEASE sa EMOTIONAL and MENTAL STRESS na dala ng sama ng loob. God wants to give us peace. He promised that He wants to give us life to the fullest. We cannot live a peaceful and fulfilled life kung tayo ay nabubuhay with unforgiveness in our heart.

This is the reason why God wants us to forgive not only 7 times but 70×7 times, not for the offender’s sake but for OUR PERSONAL SAKE.

Sana naliwanagan ka na kapatid, at tunay mo na naintindihan at naunawan ang tunay na kahulugan ng sinabi ni Diyos na magpatawad ng 7-x7.

THINK. REFLECT. APPLY

Ikaw, handa ka na ba magpatawad?
Handa ka na ba ma-release sa iyong mental and emotional pain, and stress na dala ng sama ng loob sa kapwa mo?
Handa ka na ba magpatawad ng 70×7?

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

Did this article help you release forgiveness? You can also look through these related articles on forgiveness:

  • MAHIRAP MAHALIN ANG KAAWAY
  • TALO KA SA PAGHIHIGANTI
  • Bakit Ang Hirap Magpatawad?


Submit a Comment



Filed Under: Personal Development Tagged With: bakit, Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, Forgive And Forget, Forgiveness, Forgiveness And Love, Forgiving Others, Free Business Seminars Philippines 2017, How To Forgive, How To Forgive And Forget, How To Forgive Others, How To Forgive Someone, Keynote Speaker, Learn To Forgive, Learning To Forgive, Love And Forgiveness, magpatawad, Motivational Corporate Speaker, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines, paano magpatawad

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.