Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Sino Ang Dapat na Humawak ng Pera sa Mag-Asawa?

December 3, 2015 By chinkeetan

Sino nga ba ang dapat na mag-manage ng pera sa mag-asawa?
Si mister ba kasi siya ang head of the family?

O si misis kasi siya ang ilaw ng tahanan?Sa totoo lang, walang definite na sagot na si mister lang or si misis lang ang dapat humawak ng pera. Depende naman kasi sa abilities nung mag-asawa.

Halimbawa na lang sa pagluluto. Sa labing-anim na taon naming pagsasama bilang mag-asawa ay ako ang nagluluto, kasi yun ang gifting at hilig ko. Hindi ko pwedeng ipilit sa asawa ko na magluto, dahil hindi niya hilig ito. Noong minsan siya ay sumubok na nagluto ng tinolang manok, ito ay naging adobo, dahil natuyuan ng sabaw at nasunog ang manok.

Ganoon din sa paghawak ng pera. Para malaman niyo kung sino ang mas effective na mag handle ng pera ay pwedeng magkaroon kayo ng palitan ng iyong asawa. Pwedeng i-designate kay mister ang first month, tapos ang second month naman kay misis. This way ay makikita ninyo kung kanino best na i-assign ang pag-handle ng pera. This purpose of this activity is not to point out the weaknesses of the other kundi para makapag-focus sa strength nung asawang magaling mag-handle ng pera.

Narito ang basic points na dapat ninyo i-consider kung sino sa inyong mag-asawa ang dapat na nag-handle ng inyong pera:

ORGANIZED
Dapat ay meron eye for detail ang spouse na magha-handle ng pera.
Hindi pwedeng makakalimutin at burara. One reason is para hindi kayo mahuhuli sa mga babayaran na bills. Mahirap kasi maputulan ng kuryente at masakit sa bulsa ang magkaroon ng penalty.

Hindi rin pwede yung madali ma-stress. Yung nanginginig at na-stress na kung nakikita lumiliit yung pondo.

Hindi wais yun. Kaya dapat kung sino sa inyong mag-asawa ang mas capable to organize ay yun ang dapat na i-assign for the task ng handling ng pera.

WISE
Of course you are both wise, pero pag dating sa pag-budget ay may isa sa inyo na mangingibabaw. Yung tipong alam halos lahat ng cost-efficient na gamit sa bahay. Hindi pwede sa task na pag-handle ng pera yung nakakita lang ng sale ay papatusin na agad. Dapat wais ka in the purest sense of the word. Iwasan na ang pera ang pagmulan ng away, kaya dapat wais ka on how to budget money.

Oo, importante ang pera. Importante din na ma-identify ninyo kung sino sa inyo ang magha-handle ng pera para hindi kayo nagkakagulo. Pero tandaan ninyo that more than the money and who handles money, pinakaimportante pa rin ang samahan ninyong mag asawa.

THINK. REFLECT. APPLY.

Sino ang dapat na humawak ng pera?
Kung sino ang mas-organized at kung sino ang mas-wise sa paghawak nito.

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

Did this article help? You can also check on these related posts:

  • Huwag tayo Magpabulag sa Pera
  • Biggest Money Mistakes People Often Make Series 4: LACK OF FINANCIAL EDUCATION
  • You Are a Team


Submit a Comment



Filed Under: Family Finance Tagged With: Corporate Keynote Speaker, Corporate Speaker, family finance, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, financial management, Financial Stress, Free Business Seminars Philippines 2017, Keynote Speaker, Motivational Corporate Speaker, Motivational Keynote Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Motivational Speaker Philippines, pera, Sino Hawak Pera

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.