Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Bakit Mahirap Pigilan ang mga Taong Determinado

October 19, 2015 By chinkeetan

“Bakit nahihirapan akong abutin ang goals and dreams ko?”
“Bakit ako humihinto sa kalagitnaan ng laban?”

“Bakit nahahatak ako pababa at napa-panghinaan ng loob sa tuwing may problema?”Nagtataka ka ba kung paano ito nagagawa ng iba? Hindi sila sumusuko kahit na ano pa ang kanilang mapag-daanan sa buhay? Sasalubungin nila ng problema o dagok ng paulit-ulit at nakukuha pa din nilang tumayo? Pero ikaw, parang hindi mo yata kaya ang kanilang ginagawa?

Ang isang sikreto ng mga taong matagumpay ay ang pagiging DETERMINADO! Bakit?

Ano ba ang ibig sabihin kapag determinado ka:
Wala kang inaatrasan
Wala kang inuurungan
Walang kahit anong pipigil sa iyo

Halimbawa, kung gusto mo mag-bawas ng weight, balewala sa iyo ang hirap sa gym at i-let go ang favorite sweets mo; Kung gusto mo makaipon, ililimit mo ang gastos mo sa iyong budget; O kung gusto mo makatapos ng pag-aaral, magpupuyat ka and isasakripisiyo mo ang bonding time with your friends para makapag-aral ng mabuti.

Ang resulta ay TAGUMPAY!

Bakit nga ba mahirap pigilan ang mga taong determinado? Ano bang meron sa kanila na pwede nating kapulutan ng aral?

1. COMMITMENT
Determined people are committed to their goal 101%.

When they say it is what they want, it is definitely what they want— NO IF’s, NO BUT’s. Period.

Hindi sila yung tipong sasabihin na “gusto ko yan” tapos pag may nangyaring hindi maganda o ayaw nila, aatras na.

Meron silang isang salita.

2. DRIVE
Determined people have a strong drive. They will keep on pushing themselves to reach their goal.

Para sa kanila, they will not let anything come between them and their target whether ito ba’y simple lamang tulad ng goals for the day or something as big as planning the future.

3. ONE SINGLE GOAL
Mahirap pigilan ang isang taong determinado dahil ang gusto niyang mangyari ay isang bagay lamang. Meaning, his/her eyes are only focused on ONE GOAL ALONE, kaya hindi siya nadi-distract o nawawala along the way.

Para siyang kabayo na may takip ang magkabilang gilid ng mga mata para ang makita lang niya ay yung dulo which is the finish line. They don’t overwhelm themselves with too many things or priorities. In effect, they are free from any distraction.

At kapag focused ka, it gives you a…

4. SENSE OF DIRECTION
Walang makakapigil sa mga taong determined dahil sabi nga, meron silang sinusunod na isang direksyon lamang at ito yung tinatawag na “path of success”.

Having a direction helps you make wise decisions; na kapag alam mong hindi makakabuti o hindi kasama sa plano mo, madali mo itong naisasantabi.

5. CHALLENGING BUT FUN
A determined person doesn’t stop or never quits because he/she considers the path of success as something challenging, but fun.

Katulad na lang ng mga estudyanteng gusto magkaroon ng magandang kinabukasan — sa una nahihirapan kasi walang tulog at tambak ng gagawin but when they think about the possibility of having a better future, masaya nila itong tinatawid at kusa pang gumagawa ng effort.

Ang nagiging rason lang naman kasi ng ating pag give up ay kapag nakikita mo ito as pressure, kapag hindi mo gusto ang ginagawa mo, at lalong lalo na kapag ginagawa mo ito para sa iba at hindi para sa sarili mo.

THINK. REFLECT. APPLY

Ikaw ba ay determinado?
Kung hindi, anong mga pumipigil sa iyo?
Anong pwede mong baguhin para walang maging hadlang sa gusto mo?

–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.

Did this article help you? You can also check these other related articles:

  • The Mindset of Preparedness and Toughness: Your Key Ingredient to Success
  • Are You Determined Enough?
  • Bakit Mahirap Pigilan ang mga Taong Determinado


Submit a Comment



Filed Under: Leadership Tagged With: ano ang determinado, Commitment, Corporate Speaker, Famous Speaker in the Philippines, Filipino Motivational Speaker, focus and determination, focused, Free Business Seminars Philippines 2017, goals and dreams, Motivational Corporate Speaker, Motivational Speaker Philippines, Strong Determination, success

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.