Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

MATIPID SI MISTER, MAGASTOS SI MISIS.

September 21, 2015 By chinkeetan

Impulsive buyer ba si misis o mister?
Kung ano ano ba ang binibili niya na wala sa budget?
Di ba nagtutugma ang lifestyle ninyong dalawa?
Yung isa matipid, yung isa naman ay magastos!

Side note: This blog is applicable to both husbands or wives who lack discipline in handling their money wisely.

Madalas niyo bang pagtalunan ni misis ang pag-gastos niya, ang pag-bili niya, ang pag-spend niya ng pera? Naiisip mo ba minsan na parang walang pakialam ang asawa mo sa kung gaano mo pinaghihirapan ang perang ginagastos niya? Napapagod ka na ba sa pagtratrabaho tapos dumadagdag pa yung makikita mong nauuwi lang yung mga pinaghirapan mo sa mga luho ng iyong asawa?

Bro, relax. May paraan para mabawasan kahit papaano ang struggle mo when it comes to your spouse spending habits.

First:

GIVE YOUR SPOUSE A MONTHLY SHOPPING ALLOWANCE

Yup, tama ang nabasa mo. Bigyan mo ng allowance ang asawa mo na pwede niyang i-spend pang-shopping. That is what we agreed with my wife, may monthly siyang budget at ako din meron din.

Baka naman kaya kaliwa’t kanan ang pag-gastos niya ay dahil wala kang binibigay na monthly allowance sa kanya. So feeling niya unlimited ang ceiling ng pag-spend niya.

And besides, you want your wife to be presentable. Gusto mo naman na maging presentable sa asawa mo di ba? Remember na pwedeng mag-reflect sayo kung ano ang itsura ng asawa mo. Kung parang napapabayaan na niya ang sarili niya, pwedeng maging indication yun na hindi mo siya inaaalagaan. At alam kong ayaw mong mangyari yun. Diba? At pag naman napaka-ayos ng asawa mo, magma-manifest na you are taking care of her.

Second:

BE REASONABLE WITH YOUR ASSIGNED BUDGET

Binigyan mo nga ang asawa mo ng allowance monthly pero kulang pa para sa pamasahe niya or pang-gas niya. O baka naman binigyan mo siya ng allowance na above your means, na sobra sobra para sa isang buwan.

You need to be reasonable with your budget. Wag masyadong kuripot at wag din naman masyadong all in. Either way kasi ay hindi magiging maganda ang impact sa asawa mo.

Huwag kayong magbilangan bakit mas malaki ang budget ng isa kaysa sa isa. Iba’t iba ang needs ng mag-asawa, specially kung siya ay lumalabas at maraming mga pangangailangan.

Pag nagkuripot ka iisipin ng asawa mo na tinitipid mo siya, na wala kang pakialam sa welfare niya. Pag naman sobra sobra ang binigay mo sa kanya ay baka i-base na lang niya sa material na bagay ang pagmamahal mo, na pag marami kang bigay ay super love mo siya at pag konti ang bigay mo ay di mo siya masyadong love.

Third:

STICK WITH YOUR BUDGET

Ang usapan sa budget na ‘yan, we can spend that in one day or 30 days without any question asked. But once naubos, wala na hingian yun.

Your spouse needs to realize that you are willing to give him/her the best of everything—but within a budget. At yung budget na yun ay dapat mong sundin. Ikaw mismo ay maging firm sa kung magkano lang ang allotted na budget for a month. Wag mong hayaan na ang monthly shopping allowance ang mag-dictate kung okay o hindi kayo okay ng asawa mo.

And to wives (or husbands) na magastos, remember that the stability of your marriage should not be based on how much your spouse gives you as a monthly shopping allowance. Bonus lang yun.

THINK. REFLECT. APPLY.
May naka-allot ka bang monthly allowance para sa asawa mo na pwede niyang gastusin?
Reasonable naman ba yung budget na yun?
Do you stick with your budget?

====================================================================

Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?

Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here, 

https://chinkshop.com/

If you want to know how to create a family budget, please watch this video for FREE https://bit.ly/1AZsjDW

You can also check out on related articles here:

  • You Are a Team
  • What A Spending Budget Is And How To Create One
  • Kuntento o Kampante? Difference between Contentment and Complacency in Your Financial Status

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate speaker to different organizations.



Submit a Comment



Filed Under: Family Finance Tagged With: Corporate Speaker, family finance, Famous Speaker in the Philippines, Free Business Seminars Philippines 2017, Handling Money Wisely, happy life, happy wife, Impulsive Buying, Motivational Corporate Speaker, Motivational Speaker in the Philippines

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.