Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

BAKIT ANG PINOY ANG HILIG MAG SHOPPING?

March 5, 2015 By chinkeetan

SALE! SALE! SALE!
50% OFF!
BUY ONE! TAKE ONE

These are the common signs na nakakadistract kapag pumupunta tayo sa mall.

Marami sa mga Pinoy na aminado na sila ay shopaholics. Ang kanila pa ngang favorite quote ay: “Shop ’till you drop!”

BAKIT NGA BA MAHILIG SA SHOPPING ANG PINOY?

BONDING
Mapa-family bonding or activity ng barkada, ito na ang madalas na napupusuan na gawin.

Tila ito na ang naging COMMON INTEREST ng karamihan sating mga Pilipino.

Ang iba naman, kahit walang kasama ay go pa din dahil ito ay kanilang …

HOBBY
Shopping na ang naging pampalipas oras. Ang FREE TIME ay nakalaan sa mall para bumili ng kung ano ano.

Kung ang iba ay sports or pagbabasa ang nagpapasaya sa kanila, ang ilang mga kaibigan natin ay sa pammimili sila nakakahanap ng kaligayahan.

Meron din naman na ginagawa ang shopping para …

MAKALIMOT
Sa sobrang depressed sa pangyayari sa buhay, ginawang ESCAPE ang pagsho-shopping.

Para sa kanila, RETAIL THERAPY ang makakatulong sa napakabigat nilang mga problema.

Pero ang totoo, kapag nasobrahan na sa pagsho-shopping, ito ay masama. Sabi nga, lahat ng sobra ay masama.

At kapag shopaholic ka na, malamang magkakaroon na ng negative effect sa iyong …

SOCIAL LIFE
Malamang ikaw ay napagsasabihan na ng mahal mo sa buhay na bawasan mo na ang pagsho-shopping. At dahil mahal mo din sila, ikaw ay MANGANGAKO na sundin ang kanilang payo. Pero kapag na-tempt ka mag-shopping, mapapako mo lang ang iyong ipinangako.

EMOTIONAL STATE
At dahil alam mong wala kang isang salita, ikaw ay mag-susuffer because of GUILT. Makokonsensya ka na ikaw ay hindi marunong tumupad sa usapan at nag-overspend na naman.

FINANCIAL STATUS
Because of OVERSPENDING, malamang hindi mo na na-mamanage mg maayos ang iyong finances. Hindi na based sa plano ang paggastos mo at puro based na lang sa emosyon.

Wala naman masama kung ikaw ay mag-shopping as long as controlled spending at the same time wala kang utang.

Pero kung ito ay nakakasama, you got to…

ADMIT THAT YOU HAVE A PROBLEM
Madalas kapag hindi okay ang sitwasyon mo, iisipin mo na ang mga taong nasa paligid mo ang may problema.

Pero kapag hindi pa din umaayos, kailangan mo ng mag-pause at mag-isip isip ng mabuti dahil malamang ikaw naman talaga ang may problema.

Tandaan, “If you’re not part of the solution, then you are part of the problem.”

GET RID OF CREDIT CARD
Wala rin naman masama kung ikaw ay may card, as long as you are a responsible card holder.

Even credit card companies are not in favor of people who uses their card irresponsibly.

Baka naman kaskas ka ng kaskas kahit wala kang nakahandang pambayad. Malaki talagang problema yan pag ganyan.

Kaya kung hindi mo na mapigilan ang sarili mo sa pag-swipe, mas mabuti pang SIRAIN mo na ang card mo. Gupitin mo at itapon sa iba’t ibang lugar ang parte ng card.

Kapag nagawa mo yan, yung existing na lang na utang ang problema mo at hindi mo na madadagdagan.

SEEK FINANCIAL COUNSELING
Kadalasan ang mga taong may problema, hindi nila kayang tulungan ang kanilang mga sarili. They need HELP from other people.

And if you are having problems in managing your finances by shopping too much, seek for the help of the FINANCE EXPERTS para matutunan mo ang tamang paghawak ng pera.

Sabi nga, “No man is an island.” Huwag mong sarilinin ang problema mo, madami naman kasi ang handang tumulong sayo.

THINK. REFLECT. APPLY.

Ikaw ba ay shopaholic?
Ano ano ang mga problemang nadudulot nito sa buhay mo?
Anong mga paraan ang naiisip mo para ma-solusyonan ito?

====================================================================

Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?

Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here, 

                                                                   https://chinkshop.com/

Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate speaker to different organizations.

Did this help you deal with the problem? You can also check out these related posts:

  • SHOPPING NOW, PULUBI LATER
  • #TIPIDHITS SERIES: SHOPPING TIPS
  • Bakit Kailangan Muna Magbayad ng Utang Bago Mag-Shopping?


Submit a Comment



Filed Under: Finance, Money Tagged With: Corporate Speaker, emotional state, family bonding, Famous Speaker in the Philippines, Free Business Seminars Philippines 2017, How To Stop Spending Money And Save, Motivational Corporate Speaker, Motivational Speaker in the Philippines, Shopping

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.