Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

Plastic Man

December 29, 2014 By chinkeetan

May kakilalang ba kayong mga taong PLASTIC? So sobrang ka-PLASTIKAN, talo pa ang Tupperware sa ka-PLASTIKAN. Sa mundo natin ngayon, may mga tao talagang plastic.

Paano mo malalaman ang isang tao ay PLASTIC?
Ang isang taong PLASTIK ay:

  • Mabait sa umpisa pero lumalabas din ang tunay na kulay sa huli.
  • Sumisipsip sa harap mo, pero sinasaksak ka kapag nakatalikod.
  • Walang masabi masama kung nadiyan ka, pero marami kang naririnig na paninira kapag wala ka na.
  • At kapag kinon-front mo, ang bait-bait at sinasabi na mas-interpret mo lang siya.

Mahirap kung madalas mong kasama ang mga taong PLASTIC. Nakakatakot magkwento sa mga taong ganoon at nakakatakot silang kasama. Kapag kinewento mo ang sikreto mo, para ka nag broad cast sa FB or Twitter na nag-woworld wide trending ng ang istorya mo. Napag-uusapan ka na ng iba, hindi mo pa alam. Sila pa mismo ang magsasabi na concern sila sa iyo, dahil may kumakalat na istorya at palalabasin pa na sila ang kakampi mo.

Ito lang ang masasabi ko sa mga PLASTIC MAN OR WOMAN?

“PLASTIC MELTS ONE DAY.” Matutunaw din ang mga yan. Kati ano pa ang pagpapanggap na gagawin nila, darating ang araw na mabubuking din ang mga yan. Lalabas din ang tunay na pagkatao. Kaya it is better to be careful who you are telling your secrets to. Alamin mo na kung pwedeng pagkatiwalaan ang mga taong sinasabihan mo nang iyong sikreto. Maging maingat, matalino, mapanuri at mapagmatyag kung sino ang mga taong sasamahan at sasabihan mo.

PAANO MO MADEDETECT ANG MGA PLASTIC MAN OR WOMAN?

SELFISH

They only think about their personal interest. Kaya nga may kasabihan that there are no PERMANENT FRIENDS only PERMANENT INTEREST. Kung nagkagipitan ilalaglag ka nga mga tang ito.

COWARD

Duwag ang mga taong PLASTIC. HIndi nila kayang sabihin sa harap mo at parati na lang dinadaan sa ibang tao. At kung kakausapin mo, panay naman ang iwas at sasabihin na busy sila. Wala silang time or talk to my lawyer. Ikaw nga, ang daming dahilan. In other words, ayaw nila ng CONFRONTATION. Dahil mabubuking sila.

GOSSIP

Kung may kasama ka sa trabaho o may kakilala ka sa church sa ang hilig magkwento ng buhay at pangyayari ng ibang tao. At ang dating ay ganito, “Brother, sister, medyo concern lang ako sa ating kasama dahil nakita ko siyang may kasamang iba sa mall pero hindi niya asawa. Concern lang ako, alam kaya ng asawa niya yon?” Huwag kang masyadong maglalapit at magkwento sa mga taong ganoon. Iiwasan ko sila. Bakit naman? Ano ang assurance ko na hindi nila ako pagkwekwentuhan kung ako naman ang nakatalikod.

Kung may issue siya at talagang concern siya, MAGPAKATOTOO siya at lapitan niya yung taong involved at kausapin niya. Kung hindi niya kayang kausapin ng harap-harapan wala siya karapatan na ikwento sa ibang tao. In other words, if you are not part of the solution, you are also part of the problem. Gossip ends at a wise person’s ear.

BITTER

Ayaw nila nagtatagumpay ang ibang tao. Kung marami silang comment na hindi magaganda tuwing may mas magaling sa kanila. Hindi mo silang tunay na kaibigan. Ang mga tunay na kaibigan ipagdiwang ang tagumpay ng iba.

Mag-ingat ka sa mga taong PLASTIC. Mabait lang sa iyo kapag may kailangan at pag nakaharap ka. Huwag kang magkakamali na awayin at tumalikod. Oras na ginawa mo yan, ikaw na ang susunod na target nila.

So next time kung meron kayong mga makakasama na mga taong ganoon. Mag-isipisip ka na kung gusto mo pa silang makasama. Kung hindi ka mag-ingat, ikaw na ang susunod na kanilang magiging biktima.

THINK. REFLECT. APPLY.

May mga nakasama na ba kayo o naging biktima na ba kayong ng mga taong PLASTIC?

Ano sa palagay mo ang pwede mong gawin para maiwasan at maprotektahan ang iyong sarili sa mga taong ganoon?

Chinkee Tan, a life and wealth coach, is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate trainer to different organizations.

If this article has helped you in some way, you can also check out on these other related posts:

  • How To Handle False Accusations
  • HOW TO DEAL WITH UNREASONABLE PEOPLE
  • HOW TO DEAL WITH ‘NEGA’ PEOPLE
  • How To Deal With Self-Centered People
  • How To Deal With A Rude Person


Submit a Comment



Filed Under: Friendship, Personal Development, Relationship Tagged With: Corporate Trainer, Coward, Famous Speaker in the Philippines, Free Business Seminars Philippines 2017, Gossip, Gossip ends at a wise person's ear, may mga tao talagang plastic., Motivational Corporate Trainer, Motivational Speaker in the Philippines, Plastic Man, Selfish

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.