Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

DO YOU KNOW OF ANY ANGRY BIRD?

December 13, 2014 By chinkeetan

My kilalang ba kayong taong parating galit? Kung kakausapin mo parati silang nakasimangot.

Ang hirap nila kausapin dahil nanantiya ka kung kailan sila kakausapin. “Huwag na muna kausapin si ma’am o si sir, mainit pa ulo. Next year na lang natin kausapin.”

Minsan, bago ka pumasok sa kaniyang opisina ang hitsura mo ubas, noong makausap mo siya, ikaw na ay naging pasas. Feeling mo tuyong-tuyo at pagod na pagod ka na, para kang naubusan ng lakas dahil sa kaniyang ka-negahan.

I can still remember when I was working with someone in an organisation, na ganoon din. Ang hirap niyang pakisamahan, para kang nasasakal tuwing kayo ay magkikita at lalo pa kung may meeting.

Feeling nila sila parati ang tama at hindi sila nagkakamali. Hindi sila nagpapatalo sa discussion at ginagamit ang init ng ulo para makuha ang gusto nila. At kung minsan magkamali, hindi umaamin at binabaligtad kapa niya o sinisisi sa iba ang sanhi ng kaniyang pagkakamali. Hayyyy!!! Nakaka-stress sila!

So ano ang gagawin mo sa mga taong parating galit?

STAY AWAY FROM NEGATIVE PEOPLE
Oh, mga nega, layuan mo ako! Maniwala ka, hindi ka lalayuan ng mga nega.

Kung kaya mong iwasan, iwasan mo. Walang kabutihan ang maidudulot kung sila ay parating makakasama.

May kasabihan, if you surround yourself with angry people, you will become an angry bird one day. Being around people who are full of anger and frustration can be toxic.

What if kasama mo sa trabaho; what if classmate mo sa school; what if mahal mo sa buhay; what if kung asawa mo?

If you cannot avoid them, ito na ang dapat kong gawin…

NEVER GIVE IN TO THEIR ANGER RAMPAGE

Huwag mong papatulan ang mga taong galit. The reason nagagalit sila dahil sila mismo ay punong-puno ng inis at ng galit. Do not fall into the trap of having a shouting or a grudge match with these people. It is just like being brought in to a wrestling match in a pig pen. You will not come out without having mud on yourself.

In other words, kahit anong mangyari, talo ka pa rin!

LEARN HOW TO FORGIVE

“Chinkee, mabilis lang sabihin yan pero mahirap gawin.”

Yes, I would agree. Pero mas mahirap kung ikaw ay mabubuhay din sa poot at galit. Kung hindi tayo matutong magpatawad, tayo ang talo at hindi sila.

We have to forgive in order to have peace in mind, heart, and soul. Our everyday task would suffer if we have grudge in our hearts. If we forgive those who have wronged us, then we heal the spiritual wounds. We overcome the feeling of bitterness, resentment, and worst; revenge.

We should also pray that God will enlighten the people who bring pain in our lives. Ask for God’s intervention so that He will give you the courage to stay humble and never think of getting even.

We too are not perfect. In Matthew 6:14-15 it says; “For if you forgive other people when they sin against you, your heavenly Father will also forgive you. But if you do not forgive others their sins, your Father will not forgive your sins.”

Forgiveness is a healing process and it can give us the peace and love that only God can offer. Huwag tayong magpapaalipin sa pagkakamali ng iba. Do not become a prisoner of other people’s mistakes.

THINK. REFLECT. APPLY.

May nakakasama ka bang mga angry birds? Ano ang plano mong gawin? Have you surrendered everything to God and ask God to help you with your feelings and emotions?

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

Liked this article? Check out these other related posts:

  • Why Should We Forgive 70 x 7 Times?
  • Bakit Ang Hirap Magpatawad?
  • MAINITIN BA ANG IYONG ULO?


Submit a Comment



Filed Under: Emotional, Personal Development, Relationship Tagged With: Anger, anger and forgiveness, anger and frustration, Filipino Motivational Speaker, healing process, negative people, negatrons

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.