Chinkee Tan

Chinkee Tan

  • About
  • Blog
  • Books
  • Online Courses
  • Videos
  • Invite Me

MAMATAY NA SILA SA INGGIT

December 11, 2014 By chinkeetan

May mga kakilala ba kayong tao ng mahilig manira at maminitas ng ibang tao? May mga ka-opisina ka ba na walang ibang ginawa kung hindi pintasan at pansinin ang mga galaw mo? May mga kamag-anak ka ba na sinisiraan ka at pinagkakalat na ikaw ay yumabang na?

May comment na lang sa lahat ng paksa sa buhay.
Meron silang hindi magandang masasabi sa ginagawa nang iba.

“Trying hard lang yan, tignan mo wala naman alam yan.”

At noon ikaw ay nagtagumpay na, eto naman ang komento.

“Ay, wala yan, tsamba ba lang yan.”

Hindi mo maiiwasan na may mga taong ingitero at ingitera.
Habang tayo ay nabubuhay sa mundong ibabaw, may mga taong talagang nilikha ni Lord na pampabalanse ng buhay natin.

I can still recall when I was invited to be one of the speakers in a conference. It was a full house event and people were really so excited with the things that they are going to learn on that day from all of the speakers. I was the first speaker and I was given 45 minutes to speak. As a communicator I was trained by Francis Kong to adhere to the time allotted in respect to the next speaker. I was very sensitive with the time allotted and finished my talk on time.

After the seminar, maraming lumapit at may mga nagpapirma ng libro at nagpaphoto opportunity. At habang nangyayari ang lahat na ito, ipinakilala na ang next speaker. Na shock na lang ako, noong marinig ko ang opening ng sumunod sa akin na speaker, “Mahirap talaga sundan ang isang speaker na katulad ni Chinkee Tan, wala rin akong mga libro na nasulat at maiibenta sa inyo.”

What? Bakit niya sinabi iyon? Why should he say those things? What was he thinking? Di ko talaga ma gets? I was just sad with his behaviour. It was uncalled for and kind of embarrassing; I was actually embarrassed for his sake.

BAKIT KA KINAIINGGITAN NG MGA TAO?

INSECURE
Mababa ang tingin nila sa kanilang sarili. Nais nilang maging matagumpay ngunit hindi sila naniniwala na kayayanin nila. Mababa ang kanilang moral and tiwala sa kanilang sarili. Mas mabilis pa silang kakayanin ng iba pero pag nakita nila may umaangat na higit pa sa kanila. Yun na, lumalabas na muli ang kanilang insecurity.

THEY COMPARE THEMSELVES WITH OTHERS
Ang hilig nilang ikumpara ang kanilang sarili sa iba.
Ang favourite line nila sa buhay, “Buti pa sila”

Kung parati ka na lang nakatingin sa buhay ng ibang tao.
Hindi mo mapapatakbo at maplaplano ng maayos ang iyong buhay.

VICTIM MENTALITY
These are the unhappiest people in the world.
They feel na parati silang kawawa at hindi nabibigyan ng break.
They are so self-centered at iniisip lang ang kanilang sarili.
That is the reason why parati silang malungkot.

This is one thing I learned in life; the hardest person to please in this world is no other than, yourself.

Huwag patulan ang mga taong insecure at naiingit.
Hindi sila dapat bigyan ng pansin. Kapag pinatulan mo ito, lalong lalaki ang kanilang ulo dahil sila ay binibigyan mo sila ng halaga.

As long as alam mo na wala kang ginagawang masama, at wala kang nilalamangan.

May mga naririnig din akong mga taong may mga sinasabi sa akin like:
“Wala namang alam yan.”
“Wala naman kakwenta kwenta ang tinuturo niya.”
“Hindi naman marunong mag-ingles yan.”

Ano ang response ko sa mga taong ingitero?
DEAD MA!

Bakit? Dahil may kakilala akong isang batikan na director noong 1980’s na gumagawa ng mga 8 hanggang 10 pelikula kada taon.

Maraming naiingit sa isang kaibigan kong director dahil ang dami niyang project, at marami namimintas sa kanya na hindi naman quality ang kanyang pelikula.

At ito ang parati ko na lang naririnig sa kanya, “Chinkee, pabayaan mo na sila, hindi ka naman nila kayang apektuhan kung hindi ka magpapaapekto. MAMATAY NA LANG SILA SA INGGIT!”

Kung marami din ang naiingit sa iyo dahil sa tagumpay na nakakamit mo ngayon dahil sa iyong pagpupursigi; hayaan mo kung ano ang sabihin nila. Pabayaan mo sila na suminghal na parang mga asong naglalaway, na hinihintay ka na lang mag-react para ikaw ay kagatin.

Just as long as you know that your success is not getting into your head and you remain humble at times of victory.

Keep on doing what you love the most and continue to live your life according to your calling and purpose.

THINK. REFLECT. APPLY.

Are you bothered and distracted by the envious people around you?
What did you learned from this session?
How can you apply it in your personal and professional life?

Kung nakatulong itong blog na ito sa iyo.
I-like mo at I-share mo! Thank you.

-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

Liked this article? Check out these other related posts:

  • Ugat ng Inggit
  • INGGIT MUCH
  • HOW TO AVOID JEALOUSY


Submit a Comment



Filed Under: Emotional, Personal Development, Relationship Tagged With: a life of purpose, bakit ka kinaiinggitan ng mga tao, envy, Filipino Motivational Speaker, jealousy, life, tiwala sa sarili

Chinkee Tan

Wealth Coach

Hi my name is Chinkee Tan, and my goal is to help you become financially wealthy and debt-free!

Get My Latest Book: “My Ipon Diary!”

ipon

Get The Chink+ App For Free!

chinkapp

Get Chink+ Merchandise Now!

chinkapp

Recent Posts

  • LET GOD April 12, 2020
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND? April 11, 2020
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER April 10, 2020
  • BRIGHT SIDE April 9, 2020
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ? April 8, 2020
  • IDLE MIND April 6, 2020

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Customer Support

How To Buy Online

For any concerns or inquiries, please contact us:
E: support@chinkpositive.com
M: 09209494975
FB: @chinkeetan

Recent Blogs

  • LET GOD
  • GUSTO MO BA NG #PEACE OF MIND?
  • HOW TO OVERCOME CABIN FEVER
  • BRIGHT SIDE
  • ANONG NATUTUNAN MO NGAYONG ECQ?
  • IDLE MIND

Follow Us

  • Facebook
  • Twitter
  • Viber
  • Youtube
  • Instagram

Copyright © 2023 · chinkeetan.com · C-TECH TRADING AND CONSULTANCY INC.