Single Blog

TOP 3 BIGGEST MONEY MISTAKES

Kapatid, kamusta na? Nakamit mo na ba ang gusto mo mangyari sa iyong trabaho? Kinikita mo na ba ang income na pinangarap mo?

 

Ang hirap tanggapin na hindi umuusad o nag iimprove ang financial life natin.

 

Sahod at kumpanya ba talaga ang problema?

O baka naman meron tayong mga wrong practices na ginagawa?

 

Based on my experience as a Wealth Coach, allow me to share with you the Top Three Biggest Money Mistakes people often make.

 

NOT PRIORITIZING SAVINGS

Some people prioritize spending more than saving.

Ang priority ay SHOPPING!

Bili dito, bili doon…

Parating sa department stores, online shops, travel, and tours napupunta ang perang pinaghirapan.

 

Nasisimot tuloy.

Walang naitatago.

 

Ito yung way of thinking that pushes people to prioritize spending.

 

Lagi nalang:

“Next time nalang ako mag-iipon.”

“YOLO muna ako.”

“I deserve a break!”

 

Kapatid, if you want to change then you need to recognize that savings always comes first more than anything else.

Huwag parating “next time”, huwag mamaya.

START NOW para hindi maubos ang pinaghirapang kita.

 

NOT HAVING EMERGENCY FUND

Meron ka bang funds na mapagkukunan kapag…

 

Nawalan ka ng trabaho?

Nagsara ang business mo?

May nagkasakit sa pamilya?

 

Huwag naman sana pero alam naman nating hindi maiiwasan ang mga ‘yan. Prepared ka man o hindi, these things can happen anytime.

 

Kaya dapat parang boy scout—LAGING HANDA!

My suggestion is meron kang at least 6-12 months worth of your monthly expenses na naitatabi para sa emergency fund.

 

NOT WANTING TO WAIT

Sale.

Promo offers.

Buy 1 take 1.

50% discount

Hala sige, kuha lang ng kuha kahit hindi naman kailangan, kaya tuloy kapos ang income.

 

Yung mga bagay na hindi naman natin kailangan, dapat wait muna tayo bago buy. Planuhin at pag-isipan muna natin ng maigi bago spend.

 

For now,

“Kailangan ba ito?”

“Masisira ba ang buhay ko kapag di ito nabili?”

 

If you answered NO, then, bitaw sabay alis.

 

“SAVE MUNA, BAGO BUY. KAYSA BUY NOW, PULUBI LATER!”

-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anong money mistake mo ngayon?
  • Papaano mo ito babaguhin?
  • Saan ka magsisimula?

Comments (0)

Post a Comment

GET YOUR VIDEO NOW!

Enter your email address below and we'll send you your video through your email.
GET ME THE VIDEO!
We promise we will never spam you. We hate spam
close-link

Get Coached by Chinkee Tan From Wherever You Are!

DOWNLOAD THE APP NOW!
close-link